Chapter 9

35 3 0
                                    

Jhay

Kanina pa ako paikot-ikot sa mga bus terminal. Ni wala akong gustong sakyan. Hindi naman punuan pero mas pinili ko pang maglakad para muling pumunta sa huling terminal ng bus na byaheng hilaga.

Ngayon lang ako naging mapili ng bus. Nakakatawa dahil lahat naman ng bus na pinuntahan ko eh same din ng destinasyon. Mas komportable pa dahil aircon ang mga ito.

Pero ang huling terminal na ito, masikip at bukod don, iisa na lang ang bus na nakaparada. Naghihintay ng iba pang pasahero.

At hindi aircon.

Dismayado? Syempre oo, pero may naramdaman akong relief. Hindi ko alam kung bakit pero may ibang pakiramdam ako sa bus na ito.

Parang hinahatak ang mga paa ko na maupo na lamang sa tapat nito at hintayin kung kailan, anong oras ito aalis.

"Mag-iingat ka ate ha! Always call... Pag inapi ka don, promise susugod agad ako doon." Rinig kong sabi ng isang babae sa kayakap nitong babae.

"I will...saka kaya na ni ate ang sarili..."

Napatango ang babaeng umiiyak sa kausap na ate nito.

"Magpalit ka muna kaya ng damit te. Nabasa ka kanina sa ulan baka magkasakit ka pa."

"No, I'm fine... Sige na, umuwi ka na para hindi ka gabihin masyado sa daan. Ingatan mo rin ang sarili mo."

Pagtataboy nito sa kasama. At agad naman na umakyat sa bus ang babae. At mukhang hirap ito sa pagBitbit ng mga gamit nito.

Naupo siya mismo sa pangalawang hanay ng mga upuan.

Natapat mismo kung saan ako nakaupo habang nagmemeryenda. Kaya naman malaya kong napagmasdan ang maamo nitong mukha.

"Maganda nga, ang lungkot naman ng nakikita ko sa mga mata nito." Bulong ko sa sarili ko habang pasulyap sulyap pa rin ako sa kanya.

Pati pagbubuntong hininga nito, sobrang napakalalim.

"Siguro broken hearted ang babaeng ito." Naisaloob ko kasabay ng pag-inom ko ng softdrinks na hawak ko.

"Thank God..." Halos pasigaw na sabi ng isang lalake sa harapan ko. Actually, nakaharap siya sa babaeng tinutukoy kong maganda ngunit malungkot.

Kita ko ang iritasyon ng kanyang mukha pagkakita sa lalake.

Napangisi ako. Tama ang hinala ko, broken hearted siya kaya siya malungkot. At itong si lalake, humabol dito para makipag-ayos.

Pero sa isip-isip ko, sana hindi na sila magkaayos pa. Well, because I'm attracted to this young woman. At gusto ko siyang makilala.

"What are you doing here, Archel?" She can't even hid her irritations to the man standing down outside her window.

"To see you for the last time..." Aniya.

"Well, just leave now, now that you already saw me!" Mataray na sabi nito.

Kahit nagtataray, hindi mo makikita sa mukha nito na nagagalit dahil napaka-expressive ng kanyang mata. At ang boses nito, kahit medyo malakas at galit hindi mo aakalain na galit siya dahil tulad ng kanyang mata, ang kanyang mga labi ay parang lagi lang nakangiti.

"Ok but please take care, Arrielle. And I love you."

"Ibaling mo na lang sa iba ang pagmamahal na iyan Archel, I'm sorry. And yes, I'll takecare myself for Alex." Sagot nito.

Napayuko ang lalake sa sinabi ng babae sa kanya. Sabagay kahit naman ako, kung babasteden ako ng babaeng gusto ko. Baka magwala pa ako sa sama ng loob.

The Submissive DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon