Chapter 6

49 4 0
                                    


"Mag-isa ka na naman dito ate." Si Aleli na hindi ko man lang namalayan ang paglapit niya sa akin. Nakaupo ako sa ilalim ng punong acacia na napapaligiran ng sari't saring mga uri ng halaman na namumulaklak.

Eto ang tinatawag ng tita ko na mini garden niya. Dito niya pinapalipas ang free time niya. Sa pag-asikaso at pag-aalaga at pagkausap sa mga halaman. Na animo'y may mga sariling isip at naiintindihan siya ng mga ito.

"Si kuya Alex ba?" Tanong nito ng makaupo na siya sa tabi ko.

Napabuntong hininga ako. "Ang bilis ng araw noh? Parang kailan lang, kadarating ko lang dito ngayon isang buwan na ang lumipas." Simula ko. " pero hindi pa rin kami nagkikita. Hindi pa niya ako binibisita."

"Di ba sabi niya marami siyang trabaho sa company nila? Intindihin mo na lamang siya ate."

"I did! I did my best to understand him. Sa loob ng isang taon---na kami, five or six months wala siyang paramdam sa akin. Magpaparamdam lang siya kung kakamustahin siya ni Dennise. Saka lang niya ako maaalala!" Puno ng hinanakit na sabi ko kay Aleli. Wala akong pakialam kung anuman ang sabihin sa akin ng pinsan ko.

All I want is Alex's time!

Alex's comfort...

Alex's presence and love...

But, unfortunately, Alex didn't care about me just like my family.

"Mukha yatang napakaseryoso ang pinag-uusapan niyo ah!" Sabay kaming napalingon ni Aleli sa taong nagsalita sa aming likuran.

"And what are you doing here again?" Asik ko sa lalaking tsismoso na si Archel.

Gaya ng date, isang nakakalokong ngiti na naman ang nakaplaster sa kanyang mga labi.

"Mag-usap na nga kayo, Aleli...papasok na ako sa loob." Pero bago pa ako makalampas sa kanya, hawak na nito ang braso ko. Tiningnan ko siya ng masama. "Let go of me!" Sabi ko sa kanya. Pero hindi niya binitawan ang braso ko.

Nakipagsukatan pa siya ng tingin sa akin. Ang manyak na lalaking ito! Saan niya nakukuha ang kakapalan ng kanyang mukha para hawakan ako? At tingnan mismo ako sa aking mata?!

"I said, let me go!" Galit na ulit ko sa sinabi ko. This time, binitawan na niya ang braso ko. Hahakbang na sana ako ngunit humarang na naman siya.

"Aleli, pwede ko bang makausap ang pinsan mo?" Aniya.

Tiningnan ko naman si Aleli at mukhang naiintindihan naman niya ako.

"It's up to ate if she wants to talk to you kuya. I'm not the one to decide it!" Sagot nito.

"Just a few minutes, pwede ba?" Aniya ngunit sa akin na siya nakatingin ngayon.

"No!" Simpleng sagot ko.

"Why?" Kunot noong tanong niya sa akin. "Wala naman akong ginagawa sa'yong masama, bakit ang bigat ng loob mo sa akin?"

"Because I hate the way you look at me! I hate it when you smirk like you're taking off my clothes! You pervert!" Galit na sabi ko sa kanya na mas diniinan ko pa ang huling katagang sinabi ko.

Totoo naman kasi. Kung makatingin siya parang iniisa isa niyang hinuhubad ang mga damit ko. Lalo na kung ngumisi pa siya tulad ng sa asong ulol na nagwawala sa kalye. Na anumang oras ay nagbabadyang sasalakay at maghahasik ng lagim.

"Aleli, go inside!" Binalingan niya ang pinsan ko. This time, hindi na siya nakikiusap kay Aleli but his now ordering my cousin to leave us alone.

"No!" I insisted. At hinawakan ko pa ang kamay ni Aleli. Hindi ko hahayaang maiwan lang kaming dalawa.

I don't trust him either! Saka wala kaming pag-uusapan na kaming dalawa lamang. Na hindi pwedeng marinig ng pinsan ko.

His insane! And I don't want to be with him even in just a single minute of my life!

"No? Let her go or..."

"Or what?" Mas tinapangan ko pa ang aking mukha para hindi niya isiping matitinag o matatakot ako sa kanya.

"Or I'll kiss you right here, right now..." Mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Manyak ka talaga! Antipako! At sinong nagsabi sa'yo na papayag akong mahalikan mo?!"

Ngumiti pa siya ng nakakaloko na mas lalong nagpapataas ng dugo ko.

"Well, I don't need to asked any permission to kiss your lips." Aniyang nginisian pa ako.

"Presko!" Tanging nanulas sa bibig ko.

"Papasok ka ba sa loob o hahalikan ko ang ate mo mismo sa harapan mo?" Pagbabanta nito kay Aleli.

Agad namang tumalima si Aleli at iniwan kaming dalawa.

"Damn it, Archel, sino ka sa palagay mo para utusan nalang basta ng ganun ang pinsan ko? At bantaan ako sa harap ng pinsan ko?"

"Kung hindi ko gagawin iyon, hindi ako magkakaroon ng pagkakataon na makausap ka ng sarilinan." Mahinahon na siya ngunit naroon pa rin ang awtoridad sa boses nito.

"What do you need?" Diretsahang tanong ko sa kanya.

"Your time... Hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit ka sa akin. Wala naman akong ginagawang masama sa'yo." Natahimik ako, I bit my lower lips. Hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa pag-iiba ng tono ng boses nito.

He is asking about my time. And that's what I've asked to Alex a few days ago. Na hanggang ngayon ay hinihintay ko pa rin.

Malumanay ang boses nito at ang mga mata niya na tila nangungusap. Malayong-malayo sa mga tingin nito sa akin na may halong pagnanasa. Ngayon, pagsusumamo ang nakikita ko sa kanya.

"I don't need to explain myself to anyone kahit ikaw pa mismo. Kung ayaw kong kausapin ang tao, wala kang magagawa. Kung ayaw kong pansinin ka, its my choice! Ngayon, if your excuse me, I have many things to do." Sabi ko at muli akong humakbang palayo sa kanya. Ngunit nahawakan na muli niya ako sa braso.

"Sabi nang huwag na huwag mo akong hahawakan!" Galit na binawi ko ang aking braso mula sa kanya.

"Bakit ba napakasuplada mo? Napakasungit at napakataray mo?" Halatang nagpipigil itong magalit.

Naningkit lalo ang singkit kong mata sa mga sinabi niya.

"At bakit andito ka pa sa harapan ko kung lahat ng pinaka na ugaling pangit ay nasa akin? Lahat ng nagsasabing masungit, suplada at mataray ako, pinangingilagan ako, Archel. At walang naglalakas ng loob na galitin ako. Kaya kung ayaw mong masampolan, umalis ka na at huwag ka ng bumalik pa."

"Gusto kita, Arrielle... At hindi ko gusto na iniiwasan mo ako. Gusto kong kilalanin mo ako. Bigyan ng pagkakataon na mapalapit at makilala natin ang isa't isa." Bigla uli siyang naging maamo.

Teka, gusto niya ako? Una palang ipinakita ko na sa kanya na hindi ako interesado sa kanya.

Kaya nga iniiwasan ko siya at sinusungitan. Dahil ayokong may mga lalaking umaaligid sa akin at nagpapakita ng emosyon o feelings nila sa akin.

Baka sabihin  pa ng magulang ko na wala na akong ginawa dito sa manila kundi maglandi lamang.

At ayokong marinig muli ang mga katagang iyon na magmumula mismo sa bibig ng magulang ko.

"May boyfriend ako at mahal ko siya..."

"Boyfriend pa lamang, hindi pa asawa. Pwede pa kitang maagaw mula sa kanya."

"And who told you na papayag akong magkasira kami ni Alex?" Tanong ko sa kanya. "Mahal namin ang isa't isa, Archel. At walang sinuman ang makapaghihiwalay sa amin." I bit my lower lips as I've said those words to him. Walang makapaghihiwalay sa amin ni Alex?! Pero nanganganib ang relasyon namin dahil sa kawalan nito ng oras sa akin.

"Saka, madami pang ibang babae dyan na mas bagay at mas pahahalagahan ka kesa sa akin." Dagdag ko.

Totoo naman, may mas higit pa sa akin na pwede niyang mahalin. Yong mamahalin siya nito at mamahalin niya rin ito, unconditionally.

Hindi gaya ko na nagmamahal at patuloy na maghihintay sa katiting na oras na galing kay Alex.

Ang lalaking pinili ng puso kong mahalin at pahalagahan.

The Submissive DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon