Chapter 11

32 4 0
                                    

Arrielle

Wala bang goodbye kiss ang boyfriend mo?

Bigla akong namula sa sinabing iyon ng konduktor.

Doon lamang ako natauhan.

Ngunit nagawa ko pa ring ngitian yong lalake at kinawayan ko pa siya.

Gosh! I'm such a damn stupid para makipag holding hands sa isang lalaking hindi ko pa nakikilala!

Gosh! Arrielle,  how could you be so engot at hinayaan mo ang isang stranger na yakapin ka? Pagkastigo ko sa aking sarili.

Baka isipin ng lalaking iyon na easy to get ako. Na malandi ako!

Wooaaahhhh... Pwede bang sumigaw? Napapapikit na lamang ako sa sobrang pagkainis sa aking sarili.

"Sabi mo kanina, wala kang boyfriend." Nagulat pa ako sa lalaking tumabi sa akin.

Yong konduktor pala, naupo na lang bigla sa tabi ko.

Nginitian ko lamang siya.

"Ikinahihiya mo ba ang boyfriend mo?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Nakakairita kasi mga pinagsasasabi niya.

Kung alam lang niya na hindi ko kilala yong lalaking iyon. Lalong hindi ko boyfriend. Baka kung ano pa ang isipin niya sa akin.

My phone beep.

Ingat ka sa byahe... Pagaling ka.

Jhay

Kumunot ang noo ko sa nag text sa akin.

Who's Jhay? Hindi ko siya kilala. Tanong ko sa sarili ko, syempre sa isipan ko lang.

Mas naguluhan tuloy ako.

"Boyfriend mo siguro ang nag text sa'yo. Sabihin mo malapit ka na sa inyo para hindi siya mag-alala." Isa pa ang taong ito, kung makapagsalita ah.

Bwisit talaga! Sino ba kasi ang Jhay na ito?

"Kanina sobrang nag-aalala siya sayo. Sabi nga sa amin nong driver, tumigil kami sa pinakamalapit na istasyon para makabili daw siya ng gamot mo."

Did he do that? Na-amazed naman ako sa sinabi ng konduktor.

May gagawa pa ba ang ganun? I mean, may tao pa bang magmamalasakit sa taong hindi naman nito kakilala?

Napaka unbelievable di ba?

Then my phone beep again.

Hindi ka man lang mag reply.

Who are you?

Sent.

Its Jhay, yong katabi mo kanina. Pasensiya ka na kung hindi ko man lang nasabi pangalan ko kanina.

Oh, sorry for being a snob. Hindi mo kasi sinabi agad na ikaw yan.

Sent.

Ingat ka ha... Asan ka na pala?

Part of Ilocos na ako. Isang bayan na lang andon na ako sa amin. Ikaw?

Sent.

Dito na ako bahay... Ngapala, anong pangalan mo?

Arrielle...

Sent.

The Submissive DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon