Chapter 12

33 5 0
                                    

Wow!

Wow?! Oo, sobrang wow! Ang ganda ng bahay nila.

At ang laki!

Madami na akong nakitang bahay, malalaki rin ang mga ito. Pero pangkaraniwan lang ang ganda ng mga ito.

Ngunit ang bahay nina Arrielle,  its different. At napapalibutan pa ito ng mga bulaklak.

Parang sa mga napapanood sa mga Hollywood o kaya mga fantaserye sa design ng paligid.

Ang galing ng pagkakadisenyo.

Ops! May mas maganda pang view na nakikita ko.

At iyon ay si Arrielle.

Kung hindi ako nagkakamali, katatapos lamang niyang maligo.

She's wearing floral sleeveless and maong short. Wait! Tama ba ang nakikita ko?

Sa nipis ng damit niya, bakat ang kanyang dibdib. At nakikita ko ang malulusog na mga dibdib nito.

She's not wearing a bra!

Damn! Napalunok ako ng di-oras sa nakikita ko. At sobrang iksi rin ng kanyang short kaya halos kita na ang kabuuan ng kanyang makinis na hita.

Maya't maya pa ay pumasok siya sa pintuan. Ewan ko kung papasok iyon o palabas ng terrace nila.

Pagkuway nakikita ko na siya sa garden. Nakapatong ang paa nito sa isang upuan habang nakaupo ito.

"Hi!" Bati ko sa kanya ng medyo malapit na ako sa kanya.

Sa sobrang pagkabigla nito sa pagkakita sa akin. Kamuntikan na siyang mahulog sa kanyang upuan.

Hindi niya inaasahan ang pagpunta ko sa kanila. Kaya sobrang gulat na gulat siya.

"Sana tumawag ka man lang o kaya nag text ka!?!" Kunot ang noo'ng sabi pa nito.

Ni hindi man lamang siya ngumiti sa akin.













Arrielle

Sobrang gulat na gulat kaya ako sa pagpunta niya na walang pasabi.

Pasensiya na lamang siya, dahil hindi ko kayang itago ang pagkainis sa kanyang presensiya.

"May bisita ka pala, Arrielle." Siyang labas naman ni mama.

"Ah, eh, ma uhmm si Jhay po, mama ko." Pakilala ko sa kanya.

Tensyonado tuloy ako. Ni hindi ko malaman kung anong gagawin ko. At sasabihin pag umuwi na si Jhay.

Kung bakit ba naman kasi bigla na lang siyang sumusulpot.

"Excuse me, " paalam ko sa kanila.

Paano kanina pa busog ang mga mata nito kakatitig sa dibdib ko.

Sa madaling sabi, hindi ako nakasuot ng bra. Mainit kasi at talagang hindi ako komportableng magsuot non lalo na kung nasa bahay lang naman ako.

Saka hindi naman basta may pumapasok na lamang sa bahay namin.

Nagpalit ako ng damit pati na rin ang short. Isang t-shirt na medyo makapal ang isinuot ko. At isang jogging pants saka muli akong lumabas.

Nagtaka tuloy ako, hindi nakasimangot si mama. Dati kasi kapag may pumupunta sa bahay lalo kung lalake, hindi na maipinta ang mukha niya.

Nakairap na lamang ito sa akin. Paniguradong sangdamakmak na seemon na naman ang haharapin ko.

Pero sa lalaking ito, hinarap pa niya ito. At masayang nakikipagkwentuhan kay Jhay.

Masaya naman silang nag-uusap.

The Submissive DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon