Chapter 15

34 3 0
                                    

Ang bilis lumipas ang araw. At ikinatuwa ko iyon na ikinalungkot.

Natuwa ako dahil habang lumilipas ang araw, lumalapit naman ang pagbabalik ni kuya Franco sa California. Kasabay ng damdaming iyon ay ang lungkot na muling mawawalay sa akin ang pamangkin ko.

"Tita, can you cook this for me?" Ang pamangkin ko hawak ang isang supot ng fishball.

Nginitian ko siya sabay kuha mula rito ang hawak. "Ok darling, go inside then I'll call you after I finish ok."

Tumango naman siya at agad na pumasok sa loob.

Malapit ko ng matapos ang pagluluto ng sauce ng fishball ng marinig ko ang pangalan ko na tinatawag nila mula sa labas. Mismo sa may garahe.

Pero nagbingi-bingihan ako. Ayokong pumunta at maki-join sa kanila. Ma-o-op lang ako don. Saka alam ko na hindi ako makaka-relate sa kung anuman ang kanilang pinag-uusapan.

"Kanina ka pa namin tinatawag anak." Si papa ang nagsalita mula sa likuran ko. Himala dahil malumanay at hindi pagalit ang boses nito.

Uhm, nakakapagtaka! Naisip ko pero nginitian ko lamang siya.

"Lumabas ka muna at may bisita ka."

Nangunot na ang noo ko sa sinabi niya. Wala kasi akong inaasahang bisita.

"Isasalin ko lang ho ito, meryenda ni Michael." Sabay kuha ang isang mangkok para isalin ang sauce.

"What are you doing here again?" Takang tanong ko sa sinasabi nilang bisita ko.

"Arrielle!" Tiim ang bagang na suway sa akin ni kuya Franco. "Ganyan mo ba harapin ang mapapangasawa mo?"

Nanlaki ang mga singkit kong mata sa narinig. Inilibot ko sa kanila ang paningin ko. At napadako kay mama ang mga mata ko.

Mukha namang naintindihan nito ako kaya lumapit siya sa akin.

"Anak, settle na ang kasal niyo ni Jhay." Aniyang niyakap ako. Kung kanina nanlalaki ang singkit na mata ko, ngayon naman at nakakunot ang noo ko.

Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko.

Totoo ba ito? O nananaginip ako?

Ikakasal? Paano akong ikakasal kay Jhay, ni hindi ko nga siya boyfriend? At ilang linggo ko pa lang siya nakikilala.

Kilala?! I sigh. Hindi ko siya ganong kakilala. Wala akong alam sa pagkatao niya. At ngayon, gusto nila akong makasal sa kanya?

Gaano ba ako ka-disgusto ng pamilya ko at halos ipamigay nila ako sa isang estranghero?

Napakurap ako. At napangisi at napatingin sa gawi ng kapatid ko.

"You must be kidding me, my dearest brother. You disagree about my relationship to Alex but you want me to marry that man! A fully stranger! I only knew him by name and no more else. I'm clueless about his life's personality, and even his behavior. And you really think, I'm that crazy to marry him? How could you dare decided to my own life?" Then I fiercely glared at him.

"Pero anak, sa ilang araw na pumupunta dito si Jhay. Nakikita kong mabuti siyang tao. At liligaya ka sa piling niya." Sabi ni papa.

At talagang bini-built in nila siya. Paano malalaman ni papa na mabuti itong tao? Eh, ni hindi ko nga alam kung anong apelido ng lalaking ito. Kung anong natapos nito. At kung anong trabaho niya.

Pwede bang maging basehan lang ang ilang araw o linggo para makilala ang isang tao? Syempre, kailangan niyang maging mabait at magalang. Idagdag pa ang pagiging humble nito para magustuhan at makuha ang loob ng isang tao. Pero ako? Napakaimposibleng magtiwala ako sa tao ng ganon ganon na lang. Lalo na kung kasal o kinabukasan at kaligayan ko ang nakataya.

The Submissive DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon