Chapter 27

40 1 0
                                    


"Gising ka na...may trabaho ka pa." Malambing na bulong ko sa kanya.

"Uhmm." Tanging sagot nito.

"1:30 na, hindi pa tayo nananghalian darling, tsaka may trabaho ka pa." Masuyong sambit ko saka lang siya nagmulat ng kanyang mata. Ngunit, imbes na bumangon hinila nito ako sa tabi niya.

"Ikaw nalang pananghalian ko sweetheart." Aniya kaya pinamulahan ako ng mukha at nahampas ko ang balikat niya. "Aray ko..." Tumatawang daing nito pero hindi ako tumigil sa pagkurot sa kanya. "Tama na, ok, babangon na ako para makain na kita." Biro pa nito.

"Jhay!"

"Ok, titigil na mahal ko...ngumiti ka na."

"Hmp."

"Sorry na...kumain na tayo." At humalik pa ito sa akin bago tuluyang tumayo sa pagkakahiga. Sumunod naman ako sa kanya. Magkatulong kaming naghain sa maliit naming mesa. "Hindi pala ako papasok ngayon, sweetheart." Napatingin ako sa kanya. At mukhang naiintindihan naman niya ang tinging ipinukol ko sa kanya.

"Nagpaalam ako para sa quality time natin. Mamamasyal tayo, pupunta tayo sa tiyahin ko. Malapit lang dito."

"Ah, ok." Maikling sagot ko.

Nag-aalala ako sa unang pagkikita namin ng tiyahin niya. Nakwento ni Jhay na may pagkataray ang tita niya. At medyo masungit ito. Kaya nababahala ako. Why should I bother? Kung ayaw niya sa akin, who cares?

"Magbihis ka na mahal ko, para hindi tayo gabihin sa daan." Sabi pa nito. Tumango naman ako saka sinipat ang damit na isusuot ko sa ibabaw ng kama. Isang simpleng v-neck shirt at fitted black pants ang ipinasya kong isusuot.

Pagkuway naramdaman ko na naman ang mga braso ng asawa ko na yumakap sa akin mula sa aking likod. "Huwag kang mag-alala nasa tabi mo lang ako. Kalimutan mo yong kwento ko sayo about kay tita. Mabait yon pag nakita niyang mahal na mahal mo ako."

Humugot ako ng isang malalim na paghinga ng biglang bumukas ang pintuan.

"Andito na ako, maniningil na ako ng pautang..." Malambing na tinig ng isang babae. Na diretsong pumasok sa natatakpang kurtina kung saan naroon kami ng asawa ko.

Tama ba ang nakikita ko? Isang babaeng may bitbit na bag. Isang malaking bag. Nakasuot ito ng sumbrero at naka-long sleeve ito. And she look so surprise upon seeing me. Namimilog ang mga mata nito na nakatitig sa akin. At tinatakpan nito ng sariling palad ang bibig nito.

"Excuse me?" Taas ang kilay ko na tanong dito. Sa totoo, hindi lang siya ang nagulat maski ako gulat na gulat sa pagpasok niya. At pinaglipat-lipat ko ang paningin ko sa asawa ko beside me and to this woman facade.

"Sino ka?" Medyo mataray nitong sagot ng makahuma sa pagkagulat.

I raise my finger, showing her my ring...my wedding ring to be exact. At mas lalo pang namilog ang kanyang mga mata pagkakita sa suot kong singsing.

"Now, you know who I am... Ikaw, sino ka at basta ka na lamang pumapasok sa kwarto lalo na at mismong kwarto pa ng isang lalake ang pinasukan mo?!" Pang-uuyam ko dito. Hindi ko maitago ang pagkainis ko sa kanya. Mas pinaningkitan ko pa siya ng tingin ng tila humihingi siya ng tulong sa asawa ko. "Don't looked to my husband. He can't help you explain why you are here darling. Isa ka bang bayarang babae na naghahanap ng isang lalake na aaliwin para magkapera?!" Pang-iinsulto ko pa sa kanya. Mas lalo siyang namula sa mga sinabi ko.

"Mahal, baka naman naligaw lang siya." Sabad ni Jhay. At siya naman ang binalingan ko.

"Naligaw?! Maniningil ng pautang? Naligaw? Ano ako tanga?!" Medyo mataas na ang boses ko. Nakakairita lang kase na ang isang babae, kung maniningil ito ng kanyang pautang kung anuman ang pautang na iyon. Dapat nasa labas lang siya, kumakatok. Hindi yong malambing na tatawag at papasok na lamang basta sa loob ng kwarto lalo na lalake ang nasa loob. "Ikaw babae ka, anong pautang ang sisingilin mo? Sa kama ba magbabayad sayo ang asawa ko ha? Sagot?!" I know namumula na ako sa galit. Hindi ko mapigilan ang pagkulo ng dugo ko sa babae'ng ito.

The Submissive DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon