Chapter 18

29 3 0
                                    

Dalawang linggo! Dalawang linggong sobrang napakabagal. Pakiramdam ko ang dalawang linggong lumipas ay dalawang taon na sa sobrang boring. Walang mapaglibangan na iba kundi manood lang ng tv.

Pagkatapos sa harap ng tv, papasok sa kwarto, hihilata na naman. Pag nabagot na naman, lalabas at mauupo na naman sa harapan ng tv.

That's my daily routine now. And its soooo boring.

Hindi ko rin naman gustong lumabas ng bahay. Bukod sa hindi ko kilala ang mga tao sa paligid ko. Mga tsismosa at ususera pa ang mga ito. Kung ano-ano lang ang mga tinatanong sa akin na sinasagot ko naman. I'm just being kind and I don't want to be rude as long as they're nice to me.

Isang babae ang nakakuha ng attention ko mula sa kanilang kumpulan. Kasama din ang mga kapatid ni Jhay na mga babae.

Hindi inaalis nito ang paningin sa akin. Parang inoobserbahan nito ako. Kung tingnan ako, taas-baba isama pa ang mataray na kilay nito.

Well, hindi naman sa insecure ako sa kanya. Maganda siya oo. Intimidating ang beauty pero kung ikukumpara ko lang naman siya sa akin. Mas maganda ako at mas makinis ang balat ko sa kanya. At lamang pa ako sa kulay dahil Asian skin ako. Maputi na may pagka-yellowish ang complexion ko.

While she?! Uhm morena pero ang dami naman barya sa hita. Hindi man lang siya nahiya na magsuot ng maiksing short. Halos kita na ang kaluluwa nito.

Nagtama ang mga mata namin, titigan kung sa titigan pero hindi ako papatalo sa kanya. Reyna kaya ako ng kamalditahan sa school namin.

"Hi Arrielle, " bati sa akin ng isang baritonong boses. Si Rhay. "Asan ang asawa mo?" Tanong nito ng hindi makita ang presensiya ng kababata.

"Namalengke." Tipid na sagot ko.

"Bat di ka sumama?" Muli'y tanong nito, this time umupo na siya sa tabi ko. Umusod naman ako ng konte para hindi kami magdikit.

"Mainit sa palengke saka hindi ako nagpupunta sa mga lugar na ganun."

"Sosyal!" Sarkastikong Singit nong babae na feeling beauty. Kanina pa ito dito sa bahay pero hindi ko pa siya nakikilala.

Sabagay, wala akong balak na alamin kung sino siya. Tinaasan ko nga siya ng kilay. Mukhang nakahalata naman ang hipag ko sa tensyon na namamagitan sa amin ng babaeng iyon. Wala mang salitang lumalabas mula sa aming dalawa. Pero sapat na ang bawat matatalim na tingin na ipinupukol namin sa isa't isa.

"Ahm, ate si Jona, kapitbahay natin...dyan lang sa pangatlong bahay sa may tindahan." Sabi naman ni Jewel kapatid ni Jhay.

"Jona as in patay na patay kay Jhay, Arrielle." Tumatawang sabad ni Rhay. "Ngunit palaging binabasted ni brother Jhay." Napangiti ako sa huling sinabi nito. At hindi ko maiwasang tumingin sa gawi ng babae na napaismid. "Jona, asawa siya ni Jhay kaya forget a-kels your feelings sa kanya. Alam mo na...andito naman ako." Dagdag pa nito na nagboses bakla.

Namula siya, halatang napahiya sa tinuran ni Rhay.

"Hi darling!" Salubong na bati ko kay Jhay na kadarating lamang galing palengke. "Antagal mo namang namili." Mas nilambingan ko pa ang boses ko saka ko ito hinalikan sa labi. Kasabay ng mapang-uyam na tinging iginawad ko sa Jona'ng iyon.

"Sweet naman ng asawa mo brother." Nakangiti pa ring sabi ni Rhay. "Baka may kapatid ka pa Arrielle,  ipakilala mo naman ako."

Natawa ako ng di-oras sa kanya. Samantalang si Jhay, hindi nito inaalis ang kamay sa aking bewang. Nanibago ako sa sarili ko. Dati, ayokong nadidikit o nahahawakan man lamang ako ni Jhay.

Ngunit ngayon, I feel secure in his arms. O baka natutuwa lang akong asarin ang Jona'ng ito na hindi pa umaalis. At matutunaw na ang asawa ko sa mga titig nito.

The Submissive DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon