Chapter 26

38 1 0
                                    

Hi guys! Last two chapters ko na ito before the epilogue. Sana nagustuhan niyo ang kwento ni Arrielle Mendez at Jhay Quizon.

Ang pag-iibigang hindi man sa pagmamahalan unang nabuo. Nagkaroon din ng happy ending. Actually, hindi ko masyadong nilagyan ng twist ang kwento. Mas gusto ko kasi yong tipong simple lang flow ng kwento nila. Besides, dito sa kwentong ito, makikita ang tunay na character ni Arrielle,  na kahit may kapansanan siya. She still manage to be strong kahit na pilit siyang dina-down ng mga tao sa paligid niya.

Bumangon siya at nanindigan sa kabila ng kanyang kondisyong pisikal. And she truly find her true love with Jhay.

Please do like my story... Vote! Comment... And suggest... Actually, second published stories ko na ito. First, " The Bad Boy's Heartbreak." This love story was half-true, and half-fiction, imaginary. The story of Eldrin Alejo and Lorraine Sarmiento.

Please read/support my story "The Bad Boy's Heartbreak",  VOTE and leave your COMMENTS for insights.

Thank you sa lahat ng bumasa ng first story ko. At sa mga magbabasa pa lamang.

"Ate, bumalik ka!" Sigaw ni Arky. Siya ang bumungad sa aking pagbaba ng tricycle. Gaya pa rin ng dati, nakatambay lang ito sa labas ng store nila.

Nginitian ko siya. "Mukhang may hinihintay ka na naman ah." Biro ko sa kanya.

Napasuklay naman ito sa kanyang buhok na medyo may kahabaan na rin. At ngumiti rin siya nang nagpupugay ang mga mata. Pa-cute. Kaya hindi ko maiwasang tumawa.

"Ikaw talaga... Hindi ka pa ba pinapansin ng nasa kabila?" Ang tinutukoy ko, yong kapitbahay nila na dalaga na palaging pinopormahan nito. Ngunit hindi man lang siya tapunan nito ng pansin.

Malungkot itong umiling ngunit ngumiti rin agad.

"Si boss Jhay, wala ate." Aniya.

"Ganun ba, may deliver ba sila?" Kaswal lang na tanong ko.

"Naghakot sila sa may baesa ate...mamaya andito na rin sila."

"Ok...punta na muna ako sa looban." Sabi ko na ang tinutukoy ko ay ang kinaroroonan ng kwarto ni Jhay sa likod ng junk shop. Tumango naman siya. Ngunit sumabay din ito sa akin papunta doon.

"Sandali lang te, " aniya saka ito sumampa sa may bintana na ikinagulat ko. Maya-maya pa ay nasa loob na siya ng kwarto. Pagkatapos ay lumabas na ito gamit ang pintuan. "Nakasara kasi sa loob te kaya binuksan ko para makapasok ka." Sabi pa nito.

Oo nga pala, may lock ito sa loob at hindi sa labas pero pwedeng buksan iyon mula sa labas kung maaabot ng kamay ang lock mula sa bintana.

"Thank you, Ark..."

"Walang anuman te, basta ikaw." Sagot nito bago siya tuluyang umalis. At naiwan na akong mag-isa.

Napabuntong-hininga muna ako bago pumasok sa loob ng kwarto/bahay. Uhm, maayos talaga siya. Naibulong ko sa sarili. Malinis ang loob, maayos din ang kama.  At may wallpaper na rin ito. In fairness, marunong din siyang pumili ng design. Daig talaga niya ako. And I'm really impressed! Buong paghangang turan ko sa sarili. Maayos ang pagkakalagay nito, natakpan na rin ang butas na maliliit sa dingding.

Naupo ako sa gilid ng kama habang pinagmamasdang maigi ang kabuuan ng kwarto. It really feels home. At hindi ko mapigilang maluha.

Limang buwan, limang buwan ang lumipas simula ng umalis ako at iwan siya para makapag-isip. Buuin ang aking sarili para makapagsimula ng bago kasama si Jhay sa panibagong yugto, simula ng aming buhay na kami lang dalawa. Ang dami kong nasayang na oras, araw at buwan dahil sa katigasan ng puso ko. Isama na rin ang pride ko. Dahil sa galit ko sa pagmamanipula ng pamilya ko sa buhay ko. Nadamay na rin pati si Jhay.

The Submissive DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon