Chapter 16

31 3 0
                                    

Natapos ang mga dapat kailangan sa kasal namin ni Jhay. Of course, hindi matatapos ang preparations without my brother's money's influence.

Wedding date: December 29...

At ilang oras na lang magpapasko na. Meaning, after noche buena. Magsisimula na akong magbilang ng araw. But I'm still wish na sana isang panaginip lang ito. Ang lahat ay isang masamang panaginip. Na kapag nagising na ako ay wala ng gaganaping kasal.

At kung mayroon man, iyon ay ang sana kasal namin ni Alex.

Muli akong napapikit pagkaalala ko kay Alex. Sana mabasa niya ang mga messages ko sa email nito. At sana puntahan niya ako para kunin at ilayo na lamang.

Ang totoo, ang puso ko patuloy na umaasa na darating siya. Ngunit ang isipan ko, sinasabi nitong huwag na akong umasa at maghintay pa kay Alex.

"Bat nariyan ka nagtatago iha?" Si mama, nakita pala niya ako sa isang madilim na sulok ng garden. Sinadya ko talagang umiwas sa kanila.

Ang sasaya kase ng mga ito. I feel that I'm not really belong to them. Kase malungkot ako kahit pa ito ay pasko. Araw ng kaligayahan dahil kapanganakan ni Jesus. Pero hindi ko maiwasang malumbay. Pakiramdam ko araw ng mga patay pa rin.

Dahil sa gabing ito, magsisimula ang aking countless death.

"Nariyan si Jhay, kadarating lang niya." Sabi nito. "Harapin mo siya anak..."

"Later ma, kayo nalang muna ang bahala sa kanya. Gusto kong mapag-isa." Malungkot na tugon ko dito.

Nakita ko sa mga mata nito ang lungkot. Pero minabuti kong umiwas sa mata nito. Ayokong umiyak. Ayoko nang makiusap at magmakaawa sa kanila. Nakakasawa na rin ang paulit-ulit na pakikipag-usap sa kanila.

Hindi naman sila nakikinig sa akin. Kahit anong gawin kong pakiusap. Kahit maglumuhod ako, hindi rin sila makikinig sa akin.

Bingi silang lahat sa pakiusap ko.

Bulag sila dahil hindi nila nakikita ang pagdurusa ko.







Jhay

"Merry christmas,  Arrielle." Bati ko sa kanya sabay abot ang dala kong regalo na hindi man lang niya sinulyapan.

Hindi rin niya ako binati. Tahimik lang siyang nakaupong mag-isa sa madilim na bahagi ng kanilang garden. At kahit hindi niya ako inaanyayahang maupo sa tabi niya, naupo pa rin ako.

Paskong-pasko pero ang mukha ni Arrielle,  hindi maipinta sa sobrang kalungkutan. Ang lalim ng kanyang iniisip habang ang layo naman ng tanaw ng kanyang paningin.

"Sana kahit ngayong gabi lang, bago mag-noche buena. Makita ko ang iyong ngiti. Makita ko na masaya ka kasama ako. Maramdaman kahit sandali lang ang presensiya mo. At hindi si Alex..." Napakagat ako sa sarili kong labi pagkaSabi ko iyon na nagpalingon sa kanya.

Hindi ko malaman ngunit ramdam ko ang bigat ng dinadala niya. Ang sapilitang kasal namin na ilang araw na lang, matatali na kami sa isa't isa.

Kung pwede ko lang sana pasanin ang bigat niyon. Ginawa ko na, ngunit ang katotohanang ako ang dahilan ng mga iyon. Ay hindi ko na mababago pa.

"Happy pasko sa'yo but I'm sorry, I can't feel happy. Gustuhin ko mang magkunwari na masaya, hindi ko magawa." Aniyang nangilid ang kanyang mga luha. "Hindi ko nga alam kung bakit nagtitiyaga ka sa tabi ko. Kung bakit ang bait mo sa akin."

"Alam mo Jhay, show me who really you are. What do you need from me? Why you want to marry me. Kase, ako hindi ko gustong magkunwari sayo. What you see, is what you get."

The Submissive DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon