Chapter 13

31 6 0
                                    

Arrielle

"Arrielle,  asan ka ba?" Si mama kausap ko sa phone.

"Dennise house po...bakit ma?"

"You need to come home now, may bisita ka." Nagulat pa ako dahil wala naman akong inaasahang bisita ngayon.

Tiningnan kong maigi ang schedule ko bago ako lumabas ng bahay para bisitahin si Dennise.

Oo, lahat ng lakad ko, nakasulat pati mga schedule ng mga dadaluhan kong parties with my friends. Or mga hang outs namin.

"Ma, please tell that person to come back tomorrow." Sabi ko na lamang.

"No, you come home now... Ayokong pinaghihintay mo siya." She insisted.

"Sino ba kasi ang bwisita este bisitang iyan ma?" Irritation attack in my system again.

I hate being dominated specially kung hindi ko kilala ang tao na naghahanap sa akin.

"Si Jhay, yong nagpunta dito sa bahay no'ng isang araw. Kaya umuwi ka na, nakakahiya sa kanya."

Nasasaniban ba si mama? Seriously? Pinapauwi ako ni mama dahil lang sa lalaking iyon?

Pero bakit? Anong nakakahiya doon kung hindi man ako umuwi agad sa bahay at maghintay siya?

Or pwede naman siyang umuwi na lang at bumalik bukas o sa ibang araw?

Saka, sinabi ko naman sa kanya na tumawag muna bago pumunta sa bahay. Bakit ba hindi niya ginagawa iyon?

"Bakit?" Halos pabulong na tanong sa akin ni Dennise.

"Pinapauwi ako ni mama, may bwisita kasi sa bahay na naghahanap sa akin." Mahinang sagot ko sa kanya.

Tumango naman siya.

"Arrielle?! Umuwi ka na agad ha!" Utos iyon from my mom.

"Ok ma, I'll be there at 15 minutes." Sabi ko.

No choice, its my mom's word. Kaya pagkatapos ng tawag niya, agad na akong nagpaalam sa bestfriend ko.

Naintindihan naman niya ako.


Jhay

Hindi ko alam kung ano na naman ang ginagawa ko sa bahay nina Arrielle.

Basta nasasabik akong makita siya.

Pero wala siya, binisita daw niya kaibigan nito sabi ng mom nito.

"Iho, hintayin mo na lamang siya." Nagulat pa ako ng sinabi iyon ng mom niya.

Ibig sabihin tinawagan niya ito at pinauwi dahil sa akin.

Nahiya tuloy ako bigla.

"Eh, tita, nadaan lang naman po ako. Aalis na din po ako..."

"No iho, pauwi na si Arrielle, mamaya lang andito na siya."

"Ah, ok po... Pero pwede po bang umalis po muna ako saglit, pupuntahan ko lang yong kaibigan ko sa kabilang barangay po."

Nakangiti pa ang matanda na tumango sa akin.

"Babalik po ako tita."

"Mag-iingat ka iho."





Arrielle

"Asan ho ang bwisita ko na sinasabi niyo ma?" Inis na tanong ko kay mama pagdating ko ng bahay.

Wala kasi akong nadatnan na tao na sinasabi nitong bisita ko.

Nagmadali pa man din akong umuwi para hindi na naman ako makarinig ng kung ano anong masasamang salita.

The Submissive DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon