[ SIMULA ]
Magandang pambungad mga Ginoo at Binibini. Maraming Salamat sa inyong tiwala na basahin ang aking akda. Ang nobelang ito ay hango sa sinaunang panahon sa pananakop ng mga kastila sa ating bansa o ang spanish colonial period.
Nais kong ipabatid na ang nobelang ito ay nagmula sa insperasyon ko mula aa pagbabasa ng mga libro at sa akda ni Binibining Mia ( I Love You Since 1892 ). Ngunit nais kong malaman niyo na ang nobelang ito ay patungkol sa pag-usbong ng bagong bayan. Ang pagdeklara ng Bayan ng Buenavista. Kung saan pinapakita dito ang kasaysayan at pinagmulan ng " PUEBLO BUENAVISTA " o ( Bayan ng Buenavista ). Hangad ko na magustuhan ninyo ang aking akda. Sanay inyong tangkilikin ang sariling atin.
Nais ko lamang din po ipabatid na ang version na ito ay hindi pa po edited. Ngayon palang humihingi na ako ng paumanhin. Bukod po sa baguhan pa lamang ako sa pagsulat ng nobela ay hindi din po ako ganun katatas sa pananalita ng malalalim na tagalog. Ngunit kapag nagkaroon ako ng libreng oras ay eedit ko rin po ito at aaralin pero sa ngayon po may dapat lamang po akong asikasuhin kaya humihingi po ako ng paumanhin.
Nais ko lang din po linawin na ang mga tauhan at ang ilan sa mga pangyayari ay pinalitan ko dahil sa malalim at sagradong dahilan batid ko na maunawaan ninyo. Salamat po.
BINABASA MO ANG
Pueblo Buenavista, Buenavista Quezon ( COMPLETED )
Historical Fiction" PUEBLO BUENAVISTA " ( 18-19 siglo ) Kilalanin si Athan Fidel Adricula ang lalaking mag papaibig sa puso ng mga kababaihan ngayong summer. Subaybayan ang bawat kabanata kung anu ang magiging takbo ng kuwento sa makabagong panahon tungo sa makaluma...