[ KABANATA 31 ]

265 8 0
                                    

Isang buwan nanaman ang nakakalipas at magkakatapusan nanaman ng nobyemre pero ngayon palang si Ina makakadalaw sa puntod ng kaniyang mga magulang dito sa Bulucan. Tama, nandirito kami ngayon sa Bulacan, magkakasama kami nila Madam Alvira, Ate Marita, Ina, at Ama. Naiwan naman ang iba at ilan sa Quezon sa Bayan ng Piris dahil iyon ang utos ni Ama. Tutal naman daw nakapunta na sila dito at ako na lamang ang hindi pa. Hindi naman kasi ganun kalayas si Ginoong Fidel.

Umaga na kami nakarating dito sa Bulacan kaya dumeretso kami agad dito sa puntod ng Lola ni Ginoong Fidel. Si Donya Rita at Don Javier ang pangalan ng mga magulang ni Ina. Nagdasal muna kami bago namin itinirik ang mga kandila sa may pu tod nila. Sa likuran ng mga puntod may malaki at mahabang ilog na malakas ang agos. Sinilip ko iyon. " Fidel delikado riyan lumayo ka diyan! ". Utos ni Ina. Tapos na pala sila magdasal. " Halika anak at magtirik ka din ng iyong kandila ". Utos niya pa sa akin. Nagdadalawang isip pa ako kung tatanggapin ko ba ito o hindi, pero kinuha ko na rin.

" Anu naman kayang dadasalin ko? ". Tanong ko sa sarili ko. Pinikit ko na ang mga mata ko matapos kong sindihan ang kandila ko na inabot ni Ina sakin. " Batid ko na nasa maayos kayo ngayon kung nasaan man po kayo, ipapangako ko at gagawin ko po na muling maibalik ang apo niyo na Lolo ko na sa hinaharap. Salamat po at nakilala ko kayo ". Matapos ko magdasal sa isipan ko, Iminulat ko na ulit ang mga mata ko. Saka ko itinirik ang kandila. " Anu ang idinasal mo anak para sa kanila? ". Hindi ko na nasagot pa si Donya Garieta dahil malalaman niya ang totoo. " Nauunawaan ko, alam ko naman na maganda ang iyong mga dinasal tara ng humayo alam kong gutom na rin kayo! ". Sambit ni Ina at sumakay na kami ulit ng kalesa.

Bumaba kami sa isang restaurant dito sa Bulacan, maganda ang lugar at mayayaman lang ang nakaka-kain dito dahil iyon ang nakikita at napapansin ko sa paligid ko. " Fidel ikaw anu ba ang iyong gusto? ". Tanong pa ni Ate Marita sakin. Inabot niya sakin ang menu at puro spanish ang nakasulat mabuti nalang naii-tindihan ko. Isang daan piso ang pinakamahal sa mga putahe na nababasa ko dito sa menu. Mukhang masarap naman lahat pero hindi ko lang alam ang pipiliin ko. " T-tubig nalang  po? ". Patanong kong sagot.

Natawa naman sila sa sagot ko. " Ako na nga lang ang pipili para sa iyo! ". Sagot ni Ate Marita. Habang hinihintay ang order namin, nagkukuwentuhan lang sila samantalang ako tahimik lang na nakikinig sa kanila. Nakaramdam naman ako na parang sasabog na ang pantog ko kaya nagpaalam muna ako na ma-jingle lang ako. Pumayag naman sila. Nagmadali akong mag hanap ng Banyo. Hindi naman ako nahirapan, meron namang sign ng C.R kaso nakatransalate siya sa spanish. Nasa Pilipinas kami pero spanish word ang nandito at halos lahat sa menu wala akong nakita na Filipino na salita man lang.

" Nabalitaan mo na ba?, nag-hahanda ang alyansa ng mga amerikano! ". Narinig ko na sambit ng isang boses ng lalaki sa labas ng banyo. " Para saan naman, binabalak rin ba nilang sakupin tayo, huwag na silang magbalak pa, dahil mukhang wala na tayong kalayaang makukuha mula sa mga kastila? ". Natatawang sagot nalang nung isa. Yun ang akala nila, sa natatandaan ko na nabanggit ni Sir Casal samin, ang tungkol sa isang pahayagan o newspaper na tinawag na La Solidaridad ay ang organisasyon at opisyal na pahayagan na binubuo ng mga Pilipinong ilustrado sa Espanya na sina Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. Del Pilar, Jose Rizal at iba pa. Layunin ng La Solidaridad na magkaroon ng pantay na karapatan ang mga Pilipino at Kastila, pagkilala sa Pilipinas bilang bahagi o probinsya ng Espanya, pagkakaroon ng presentasyon sa spanish cortes ng Espanya, Pagtatalaga ng mga Pilipinong Paring secular sa mga parokya, pagkilala sa mga karapatang pantao ng mga Pilipino at pagkakaroon ng pagbabago sa pamamalakad ng pamahalaan.

Kung puwede ko nga lang sabihin at ipaliwanag sa kanila ang lahat ng tungkol sa La Solidaridad ng hindi nila ako pagtatawanan at imbis ay paniniwalaan nila ako. Kaso imposible, at maaaring maging tama ako sa negatibong naiisip ko, baka nga maisip pa nilang nahihibang o nababaliw ako. Lumabas na ako ng C.R at nakaabang pala sila kanina pa sa paglabas ko. Nagkatinginan kaming tatlo at sa tingin ko mga kaedad sila ni Kuya Lorenzo, mga nakapormal ang mga ito ng kasuotan at halatang nakikipag sabayan sila sa mayayamang kastila.

Bumalik ako sa table namin at nagsisimula na silang kumain. Pagka-upo ko'y kumain na rin ako, nakapag hugas naman ako ng kamay syempre bago lumabas ng C.R kanina. " Fidel nais kang epasyal ni Madam Alvira sa paaralan ng mga kalalakihan doon sa Maynila. Kami naman ng inyong Ama ay didiretso na sa ating tutuluyan ngayong gabi, mamasyal ka muna kasama ang iyong Ate Marita, iyo ng sulitin dahil sa isang araw ay mabalik na tin tayo sa Quezon sa Bayan ng Piris ". Sambit pa ni Ina.

Natuwa naman ako sa ibinalita niya sakin. Mas Ginanahan ako bigla na kumain ng malaman ko iyon. Ang sasarap ng mga pagkain at halos lahat naubos ko ang mga inorder sakin ni Ate Marita. Sa sobrang busog ko parang sumasakit na nga ang tiyan ko e. Naghiwalay na kami ng landas nila Ina at Ama dahil mapunta na sila sa bahay ng Ina at Ama ni Ina na pinangangalagaan ngayon ng kapatid na babae ni Ina. Kami namang tatlo nila Ate Marita at Madam Alvira nagtungo na papuntang Maynila. Ilang oras lang ang binyahe namin papuntang Maynila, at ng makarating na kami, kaagad kong nakita ang Intramuros. Habang nakadungaw sa binatana ng kalesa, humahabol tingin pa ako sa sobrang pagkamangha dito.

Ang Intramuros sa natatandaan ko, In Latin ang ibig sabihin nito " nagsasanggalang na pader o sa loob ng pader ", kilala ito bilang makasaysayang napapaderang lungsod at pinakamatandang distrito ng Maynila, ang kabisera ng Pilipinas. May lawak itong 67 ektarya at ang nangangasiwa dito ay ang Administrasyon ng Intramuros ( IA ) na nilikha sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 1616, na nilagdaan noong 1979. Ang tungkulin ng IA ay paunlarin, pangalagaan, pangasiwaan at itayo muli ang mga gusali at istraktura pati na ang mga kuta ng Intramuros.

At sa nabanggit pa din ng teacher ko noon sa grade 6 na si Ms. Galzote, Ang Intramuros ay tinatawag ding " napapaderang lungsod ( Walled City ) ", at nung panahon ng mga kastila ay itinuturing bilang ang lungsod ng Maynila. Ang tawag sa mga distrito sa labas ng pader ay extramuros na nangangahulugang " sa labas ng pader ". Sinimulan ng pamahalaang kolonyal ng kastila ang pagtatayo ng pader pangdepensa noong huling mga bahagi ng ika-16 siglo upang protektahan ang lungsod mula sa mga mananakop sa ibayo. Ang Fort Santiago ang nakatalagang tagabantay ng lungsod, kung saan ang kuta nito ay matatagpuan sa bunganga ng ilog. Dahil sa reklamasyon ng lupa na ginawa noong unang mga bahagi ng ika-20 siglo naatras ang mga pader at kuta nito mula sa baybayin.

At sa huli kong natatandaan, lubusang nawasak ang Intramuros dahil sa pagbobomba sa labanan upang mabawi ang lungsod mula sa puwersang Hapon noong ikalawang Digmaang pandaigdig. Sinimulan ang pagtatayong muli ng mga pader noong 1951 kung kailan idineklara ang intramuros bilang pambansang Makasaysayang bantayog, kung saan isinasagawa pa rin ito hanggang kasalukuyan ng Administrasyong Intramuros ( Intramuros Administration, IA ). Ibang-iba siya sa modernong panahon kesa sa ngayon na bagong gawa pa lang ito at ang daming mga taong nagpapabalik-balik dito sa loob, mayroon din mga Guardia Civil na nakabantay dito sa labasan para hindi makalusot ang mga taong kahina-hinala.

" Nandito na tayo! ". Huminto ang kalesa malapit sa simbahan. " Nasaan po tayo Ate Marita? ". Tanong ko. " Nasa-harapan ng Isang taniyag na paaralan, ito ang kolehiyo ng Santo Tomas ". Sagot niya. Ibig sabihin nakikita ko ngayon ang dating school ng Santo Tomas during Spanish Colonial Period. Sa naaalala ko sa Lesson ulit ni Sir Casal tungkol sa mga old school sa manila, noong 1865 pinamahalaan ng mga hesuita ang escuela piay ng maynila. Ito ang Ateneo De Manila University sa modernong panahon. Ang mga dominiko ay nagtatag din ng mga paaralan para sa mga lalaki. Ang una ay ang Nuestra Senora del Rosario noong 1611 sa maynila. Ito ang naging Kolehiyo ng Santo Tomas.

May naiintindihan naman pala ako kahit papaano sa mga naiituro samin ni Sir Casal at ng iba ko pang naging teacher sa mga hitory. " Malapit lamang ito sa aming dormitoryo at paaralan, Ang Colegio de Santa Isabel ". Sambit pa niya. Alam ko din iyon, Isa din ito sa mga old schools at universities sa manila, at nasa Intramuros din ang Santa Isabel College, kilala itong school para sa mga kababaihan. " Dito ka nais pag-aralin ni Ama, upang matupad mo ang pagaabugasya! ". Dagdag pa niya. Ibig sabihin nakaplanong dito mag-aral si Ginoong Fidel pero hindi na iyon nangyari kasi sa murang edad niya namatay na siya.

Pueblo Buenavista, Buenavista Quezon ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon