" Gumising ka na Fidel, please son wake up! ". Pakiusap ng pamilyar na boses, pinipilit kong imulat ang mga mata ko pero hindi ko magawa. Pero kahit hindi ko nakikita kung sino man ang kumakausap sakin ang mahalaga naririnig ko ang boses niya at alam kong galing ang boses na iyon sa taong miss na miss ko na. May tampuhan pa nga kami e. Miss ko na si Daddy. " Athan Fidel, huwag mo ng antayin pa na magalit ulit si Daddy, gumising ka na anak! Please! ". Pagmamakaawa pa niya. Pero hindi ko pa din magawang imulat ang mga mata ko. " Miss na kita Daddy, Miss ko na po kayo nila Mommy! ". Ito ang bulong ko sa isipan ko na gusto kong bigkasin pero hindi ko magawang kontrolin ang katawan ko.
" Fidel!, Fidel!, Gumising ka, Binabangungot ka kapatid ko! ". Paliwanag ni Kuya Lorenzo na nasa harapan ko ngayon. Mukha niya ang bumungad sakin ng maimulat ko na ang mga mata ko. Inalog niya kasi ako para magising ako. Hindi ko alam pero napayakap na lang ako sa kaniya. Miss ko na kasi sila Mommy. " Ayos lang iyan, nandito lamang si Kuya! ". Pabulong na sambit ni Kuya Lorenzo na ikinaiyak ko pa lalo. Tumahan lang ako ng marealize ko na kanina pa ako umiiyak. Nababasa ko na ang damit ni Kuya Lorenzo.
Ginulo pa niya ang buhok ko ng kumalas na ako sa pagkakayakap ko sa kaniya. " Iyakin! ". Asar niya pa para mapatawa kaming dalawa. " Salamat Kuya, palagi kang nandiyan para sa akin. Masaya akong makilala ka Ginoong Lorenzo Adricula ". Nagtaka siya saglit pero sinakyan niya din ako na akala niya biro ko lang iyon.
" Walang anu man Ginoong Fidel Adricula..... Oo nga pala, baka makalimutan ko. Maghanda ka na dahil may bisita ka, nagiintay siya sa ibaba ". Sambit niya. " Maagang papasko namin sa iyo ". Biro pa nito pero mukhang seryoso siya. Iniwan na din niya ako mag-isa sa kuwarto para makapaghanda na daw ako. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Baka magalitan pa ako ni Ama dahil pinaghihintay ko nanaman kung sino man ang bisita ko.
Nagmadali akong ihanda at ayusin ang sarili ko. Nakapan prinsepe akong damit ngayon at matapos kong ayusin ang buhok ko tumakbo na ako paibaba ng sala. Bumungad sakin ang maganda pa sa araw ngayon na Binibini, Si Binibining Serina. Napaka ganda niya sa suot niyang baro't saya na puti. Pero kahit na ganun wala ng mas gaganda pa sa babaeng bumihag sa aking puso, si Consorcia. Hindi ko inaasahan na siya ang bisita ko ngayon. At ito ang regalo na sinasabi nila?. Inaasar ba ako nila Kuya. Baka mamaya isipin pa ng mga kasambahay namin Play boy ako nito.
" Maligayang araw ng pasko sa iyo Ginoong Fidel ". Bati niya sakin, agad naman akong tumugon. " M-maligayang araw din ng pasko sa iyo Binibini ". Sagot ko. Natawa naman siya kasi nabubulol pa ako. Lalapitan ko na sana siya ng bigla siyang tumabi at bumungad sakin ang isa pang magandang dilag, na si Annaliza at namumuo na ang mga luha sa gilid ng mga mata niya. Kaunti na lamang ay papatak na ang mga ito.
" Ginoo! Maligayang araw po ng pasko! ". Sambit nito at tumakbo papalapit sakin saka ko siya niyakap. " Masaya akong makita ka Annaliza. Maligayang araw ng pasko din sayo! ". Tugon ko. Tinignan ko si Ama at ngiti lang ang sinagot niya sakin. " Natutuwa po akong tinupad niyo ang inyong pangako! ". Sambit pa ni Annaliza. " Pasensya na kung natalagan? ". Pagbibiro ko upang tumahan na siya, kumalas siya sa yakap ko ng mapansin niyang lahat ay nakatingin na samin.
" Baka magselos sa iyo niyan si Alfredo ". Banat naman ni Ginang Ursulina. Alam na kasi niya na mayroong relasyon ang dalawa, ng kaniyang anak na si Alfredo at si Annaliza. Nagtawanan naman kaming lahat pagkatapos ay kumalas na din ako sa pagkakayakap ko kay Annaliza baka nga kasi pagselosan pa ako ni Alfredo.
Napatingin namana ako kay Ama na ngayo'y abala sa pakikipagkuwentuhan kina Kuya Lorenzo at Kuya Pablo. " Maaari ba kitang makausap na tayo lamang? ". Paalam ni Serina sakin tumango naman ako naisip ko kasi na busy pa si Don Jaime. Balak ko kasing magpasalamat sa kaniya dahil alam kong siya ang gumawa ng paraan upang huwag makulong ng tuluyan si Annaliza. Lumabas kami ng mansion ni Binibining Serina, kagaya ng dati hilig niyang puntahan ang Ilog Piris at nandito kami ngayon nakaupo sa tabi nito habang taimtim na pinagmamasdan ang kalinisan at kagandahan nitong taglay.
" Ilang buwan na din ang nakalilipas, at ang laki na din ng pinagbago mo Ginoong Fidel ". Simula niya sa usapan namin. Ako ba talaga ang may pinagbago o siya. " Sa tingin ko sa ating dalawa'y ikaw ang may pinakamalaking pinagbago! ". At aaminin ko iyon ngayon, kung baga sa kasalukuyan tinatawag itong Move-on. Para kasing nandun na siya sa ganun stage. Kung noon kasi mahaba ang kaniyang mga buhok na palaging nakalugay, ngayon parati na itong nakapusod at medyo nagmatured na din siya.
Mas lalo din siya gumanda kumpara noon. " At nagpapasalamat ako sa iyo dahil doon. Ikaw ang nagpagising sa akin sa mahimbing ko na pagkakatulog sa dilim. Isa kang anghel para sa akin! ". Sambit niya pa. " Pakiramdam ko nga lahat ng mga maling bagay na aking nagawa, naitama ko dahil sa iyong kompyansa. Binigyang linaw mo ang lumalabo kong bukas Ginoong Fidel. At ngayon masaya na ako sa aking napiling sitwasyon, nakatakda akong ikasal sa isang taga espanya na anak ng kaibigan ni Ina. Nagkakilala kami noon, umalis kami dito sa Bayan ng Piris at nagtungo sa maynila upang magbakasyon ". Nagagalak niyang kuwento.
" Masaya akong malaman iyan. Kung ganun napatawad mo na ako? ". Tanong ko, tinignan niya muna ako saglit at iniwas din agad ito. " Wala ka namang ginawang masama, at kailan ma'y hangad mo ang kabutihan ng nakararami. Para saan ang iyong paghingi ng tawad kung wala ka naman ginawang kasalanan sa akin. Ako nga itong inipit ka sa sitwasyong hindi naman dapat. Patawad tungkol doon ". Medyo lumungkot ang boses niya pero nakangiti pa din siya.
" Wala kang kasalanan, ang magmahal ay hindi kasalanan. Dapat nga pasalamatan pa natin ang mga taong minahal tayo, dahil hindi lahat ng tao'y nakakatanggap nito. Minsan may mga bagay lamang talagang hindi natin inaasahan! ". Sambit ko, napangiti naman siya lalo. " Kagaya ba ninyo ni Consorcia? ". Pang-aasar niya, mukhang ngang Move-on na siya talaga.
" Alam mo Ginoong Fidel, aking napagtanto bagay nga talaga kayo ni Consrocia. Napakasuwerte ninyo sa isa't-isa. Nawa'y maging masaya kayo. " Bati niya pa, pakiramdam ko tuloy aking-akin na si Consorcia. " Natahimik ka? Haha kinikilig ka siguro anu? ". Pang-aasar niya pa,
" A-anu?, H-hindi ah! ". Giit ko pa, pero tinawanan lang niya ako, saglit akong natigila pero nahawa na lang din ako sa mga tawa niya.Kinagabihan nasulyapan ko si Ama na tahimik lang na nakaupo sa rocking chair doon sa balkunahe habang nagbabasa ng diaryo. Kaya naisipan ko na lapitan na siya. Kanina ko pa din kasi siya binabalak na makausap. Nais ko kasing magpasalamat sa ginawa niya para mapawalang bisa ang tuluyang pagkakakulong ni Annaliza. Humakbang ako papalapit sa kaniya, tumayo lang ako sa harapan niya.
" May kailangan ka ba Fidel? ". Tanong niya at ibinaba ang diaryo na hawak niya. Uminom siya ng tsaa at ipinukaw ang atensyon sakin. " A-a eh anu po Ama...... ". Nauutal kong sagot. Hindi ito ang una na nagpasalamat ako sa tao pero nahihiya pa din ako. " Maupo ka! ". Utos niya pa kaya naupo ako katapat niya. " May nais ka bang sabihin? ". Tanong niya. Tumango lang ako. " Anu iyon? ". Dagdag niya pa. Hindi ako makaimik, napatingin naman ako kay Madam Alvira na nasa sala nakatingin pala sa akin.
Mas lalo tuloy akong nailang. " Sige lang makikinig ako! ". Saktong pagkasabi niya noon napatayo ako at niyakap siya. " Salamat po Ama! ". Tila parang nagulat pa siya noong una pero unti-unti ko na din naramdaman ang mga yakap niya. " Alam kong kailan may hindi ka nagsinungaling sa akin. Dapat lang na paniwalaam kita! ". Sambit niya, napangiti ako ng kaunti at may isang bagay akong naalala. Kailan may hindi nagsinungaling si Ginoong Fidel, pero ako Oo!. Nagpapanggap ako sa kanila bilang ang totoong Fidel kahit ang totoo impostor niya lang ako.
Kahit may kirot sa puso ko akong naramdaman, pinili kong manatili sa mga yakap ni Ama. " Masaya akong makilala ka Ama! ". Sambit ko, narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya. " Mahal kita anak! ". Sambit niya. Alam kong biro pagdating sa kaniya ang sinabi ko. Pero hindi iyon mahalaga. Nararamdaman ko kasing paunti-unti malapit na akong umalis, malapit na akong mawala. Maalin na lang sa dalawa kung mabubuhay ba ako dahil napagtagumpayan ko ang misyon ko o mamamatay ako dahil nabigo ako. Nakasalalay ang lahat sa akin.
BINABASA MO ANG
Pueblo Buenavista, Buenavista Quezon ( COMPLETED )
Historical Fiction" PUEBLO BUENAVISTA " ( 18-19 siglo ) Kilalanin si Athan Fidel Adricula ang lalaking mag papaibig sa puso ng mga kababaihan ngayong summer. Subaybayan ang bawat kabanata kung anu ang magiging takbo ng kuwento sa makabagong panahon tungo sa makaluma...