[ KABANATA 41 ]

210 5 0
                                    

" Binibini, patawarin mo na ako. Galit ka ba sa akin? ". Nangangamba ko pa din tanong upang mas makatiyak pa ako. " At bakit naman ako magagalit? ". Balik niyang tanong, napaisip ako, dapat bang sabihin ko na dahil nag selos siya, Baka naman maoffened ko siya at babae siya. " Dahil alam kong nagtatampo ka, halata naman sa iyo na ako'y iniiwasan mo, Ni ang tignan ako nang diretso sa aking mga mata'y hindi mo magawa. Totoo ngang galit ka sa akin, kaya lubos akong humihingi ng tawad sa iyo! ". Dagdag ko pa sa paliwanag ko. Hindi nanaman siya sumagot, sandali kaming natahimik.

Makalipas ang limang sigundo hindi talaga siya nagsalita at hindi na din niya ako nilingon pa. Seryoso niyang pinagmasdan ang pagtatanghal na aming pinapanuod ngayon. Kesa lumala pa ito hinayaan ko na munang lumamig ang ulo niya, ganun naman ang babae e, kapag mainit ang mga ulo nila huwag na huwag mong sasabayan kung ayaw mong tumagal  pa ang inis nito. Kaya naman nanuod na lang din ako.

Pero hindi ako umalis sa kinauupuan ko katabi niya. Mula dito sa kinauupuan namin kitang-kita ko ang pag-akyat ni Felipe sa intablado, mayroon itong hawak na kaunting piraso nang papel. " Magandang gabi po sa inyong lahat at Maligayang araw ng pasko. Nais ko lamang po kayong handugan ng regalo. Ito ay isang tula na akin pang nilikha! Sana'y inyong magustuhan! ". Sambit pa ni Felipe sa unahan.

" SINTA "

Ito'y isang tula, na aking nilikha,
Mula sa puso ko't diwa, na kapag narinig mo ika'y mamangha. Pamamagatan ko itong SINTA, Sinta dahil ikaw lamang at wala ng iba pa.

Sa aking puso ikaw ay nag-iisa, Wala ng nilalaman kundi ikaw lang o aking Sinta, Ito nga pala ang kuwento kung paano ba nagsimula, Ang ikaw at ako hanggang sa mauwi sa tayong dalawa.

Isa, dalawa, pagkabilang ko ng dalawa, huwag kang lilingon ha?, Baka kasi kapag lumingon ka, Magulat ka bigla pagkatapos sayong balanse'y mawala ka, mawala ka at mahulog bigla,
Ngunit huwag kang mangamba , dahil asahan mong sasaluhin naman kita.

Hindi nga ako nagkamali dahil nahulog ka, Nakakatuwa lang dahil parang sinadya, Sa dinami-rami ng babagsakan mo sa akin pa, Kaya ngayon ako sayo'y nahulog na.

Aaminin ko noon una, pagtingin ko sayo'y wala pa, Tila ibang Binibini ang aking napupusuan, at sinisinta, Subalit ng dumating ka, lahat biglang naglaho parang bula, At ngayon ako sayo'y nahuhumaling na.

Sa konting sandali minahal na kita, Sa konti mong pag ngiti mas nagugustuhan kita, Sa konti mong pagiyak puso ko'y winawasak, Sa konti mong pagtatampo, ang isip kong gumugulo at pati mundo ko gumuguho.

Kaya Sinta, kapag nagalit ka, pakiramdam ko pinaparusahan kita,
Kasi naiisip ko nasasaktan ka,
Dahil alam ko na ako ang dahilan ng iyong pagluha.

Pasensya na sinta, kung nasaktan man kita, Noon makita mo ako na may kausap na iba, at inakala mong masaya ako sa kaniya. Hindi ko ninais na masaktan ka, ang paluhain ka, at durugin ang puso mong muntikan ng mag-isa, dahil inakala mo na ipagpapalit kita.

Ngunit alam mong hindi ko iyon magagawa, dahil kahit daan-daan pa man ang mga babaeng sa harapan ko'y nakapila, sa kanila ang kagaya mo hindi ko makikita. Dahil nga nag-iisa ka, nag-iisa maging sa buhay ko ikaw lamang wala ng iba pa.

Patawad, kasi nasaktan kita. Ayaw ko ng ang galit,tampo, at ang pag-kainis mo'y madagdagan ko pa, hanggang sa umabo't na tayo sa ayaw mo na, kaya naman pipilitin kong suyuin ka, Kasi diba kung talagang mahal kita, kakayanin kong maghintay gaano pa man katagal gagawin ko upang mapasaya ka, Bumalik lang ang mga ngiti sayong mga mata, mapatawad mo lang ako o aking sinta, ang akala mong lumingon  ako sa iba'y hindi na mauulit pa.

At kahit hindi mo na paniwalaan pa,
Uulit-ulitin ko pa din ipaalala, ang mga katagang mahal na mahal kita, gagawin ko ang lahat para lang ito'y maipakita,
Dahil ganun ka para sakin kahalaga, higit pa sa aking buhay ang kaya kong ibagay para lang sayo SINTA........ ".

Nagpalakpakan ang lahat ng tao dito nang matapos si Felipe sa kaniyang pagtula. Kasabay nito ang pagsalubong sa kaniya ni Remedious pagkababa pa lang niya sa intablado. Hindi ko man lang napansin na magkagalit pala sila, Kaya naman pala parang may pinanghuhugutan si Felipe. Noon una nga inakala ko na pinatatamaan niya ako e kasi tugmang-tugma lahat ng sinabi niya sa tula ang nangyayari sa amin ngayon ni Consorcia.

Sana lang talaga mapatawad na din ako ni Consorcia. Hindi ko kayang hindi niya ako kinikibo't pinapansin. Tatangkain ko pa lang sana na kausapin muli si Consorcia nang paglingon ko sa kaniya sakto naman ng pagtayo niya papaalis. Hindi ko na inintay pa na makalayo siya kaya kaagad ko siyang hinabol dala-dala ang mga bulaklak na Binili ko pa para sa kaniya.

" Binibini! Sandali!!!!!!!, hintayin mo ako! ". Sigaw ko para marinig niya ako sa dami ng tao ngayon dito. Hindi ko inalis ang mga mata ko sa kaniya baka kasi muli siyang mawala sa paningin ko at mahirapan nanaman akong kausapin siya. Patuloy ko siyang sinundan hanggang sa huminto siya dito sa tuktok ng tore sa simbahan. Hingal na hingal ako at hinahabol ko pa ang paghinga ko.

" S-sandali, B-bini-B-bini P-pakinggan mo muna ako! ". Pakiusap ko pa. Nakatalikod lang siya sa akin. Nang maging ayos na ako, Lumapit na ako sa kaniya ng may kaunting distansya. Pinagmasdan ko lang siya habang malayo ang mga tingin. " Galit ka pa ba sakin? ". Tanong ko, hinintay ko ang mga sagot niya. " Hindi naman ako nagalit sayo. Paumanhin kong napagod kita, dahil sa paghabol sa akin. Gusto ko lang kasi muna na mapag-isa! ". Sagot niya na may lungkot.

Ramdam ko kasi sa tono ng pananalita niya. Huminga ako ng malalim, at pinagmasdan ang ganda ng paligid na aming natatanaw. " Patawad kung nakita mo kami ni Serina, ngunit wala namang ibig sabihin iyon. Ang totoo pa nito may lalaking nagpapatibok na ng kaniyang puso ngayon. Iyong lalaking mahal din siya at nakikita ko siyang masaya. At iyong mga ngiti ko kanina, para talaga iyon sa kaniya dahil natutuwa ako para sa kaniya na nahanap na niya ang taong para sa kaniya. Kaya sana patawarin mo na ako? ". Paliwanag ko.

Alam kong nakatingin na siya sa akin ngayon. " Fidel! Ginoong Fidel!, napaliwanag naman na sa akin ni Serina ang lahat. Ang totoo niyan sinusubukan lamang kita kung hanggang saan ka tatagal sa akin sa panunuyo! ". Natatawa niyang sagot. Ibig sabihin kanina pa kami okay? At parang pinagtitripan niya lang ako.

" Hindi kita pinaglalaruan, Gusto ko lang masukat ang iyong pasensya at tiyaga. At napatunayan ko sa aking ginawa sayo na hindi ka madaling sumuko, at sadiyang napakamaunawain mo. Salamat at dumating ka sa buhay ko, hiling ko sana na ikaw na talaga ang para sa akin ". Masaya niyang sambit.

Ngayon pareho na kaming nakatingin sa isa't-isa. " Nauunawaan ko,Binibini, seryoso ako sayo. At kailan man hindi ko magagawa na saktan ka, lalo na ang makitang umiiyak. Kahit anu pang pagsubok mo sa akin ay aking kakayanin dahil katumbas noon ang pagmamahal ko talaga para sayo. Consorcia, Mahal kita at sana iisa lang ang nararamdaman natin! ". Sambit ko. Sabay abot ng kulay Rosas na bulaklak sa kaniya.

Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap pagkakuha niya sa bulaklak. " Salamat Fidel, Salamat dahil pinasaya mo ako, simula ng dumating ka sa buhay ko mas naging makulay pa ito. Puno ng pag-asa ang bawat bukas ko, Hiling ko na sana hanggang huli tayo ng dalawa, Mahal kita Fidel, Mahal din kita, Te amo ( I Love You ) ". Sambit niya pabulong dahil nakayakap pa din siya sakin.

Mas humigpit ang pagkakayakap niya ng humangin ng malakas at malamig. Yumakap na din ako ng pabalik, at dinama ang pagkakataon na ito. Ayaw kong may masayang na araw, sigundo o minutos man iyan dahil ang oras ay ginto, ika nga. Masaya akong ayos na ulit kaming dalawa. Ayos na ulit kami ng babaeng mahal ko.

Pueblo Buenavista, Buenavista Quezon ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon