[ KABANATA 46 ]

226 7 0
                                    

" Nakahanda na ba ang iyong mga gamit Fidel? ". Tanong ni Kuya Pablo sa akin. Ngayon pa lang kasi kami mapunta sa Ilog, kasama namin sila Ina at Ama pati na din ang iba pa namin mga kapatid. Isinama na din namin sila Alfredo at Criselda upang makisaya sa amin. Kung baga sa modernong panahon ang tawag dito sa gagawin namin ay Picknik. " Opo Kuya, aalis na po ba tayo? ". Excited kong tanong. Natawa naman sakin silang lahat, para kasi akong bata excited na excited makapunta sa Ilog.

" Oo aalis na tayo, dahil mukhang kanina ka pa sabik na sabik na madama ang malamig na tubig sa ilog! ". Natatawang sambit ni Kuya Pablo. " Tila parang ngayon ka pa lang makakapunta sa Ilog dahil sa iyong kinikilos? ". Nagtatakang tanong ni Kuya Lorenzo, kasama siya kasi wala naman siya trabaho ngayon, nais din daw niyang makasama kami. Medyo natigilan ako sa tanong ni Kuya Lorenzo, masyado atang halata sakin na ngayon palang ako liligo sa Ilog? Magpapaliwanag pa lang sana ako ng umimik siya ulit.

" Kung sa bagay, matagal na din panahon nang huli tayong pumunta sa ilog na magkakasama! ". Nakangiti nitong sambit. Guminhawa naman ang dibdib ko at parang nakahinga na ako ng maluwag ng marinig ko ang mga sinabi ni Kuya Lorenzo. Napangiti na lang din ako, at sumakay kami sa kalesa. Sila Kuya Pablo, Ina, Ama, at Ate Lydia ang kasama ko sa Kalesa na pinapatakbo ni Kuya Lorenzo.

Samantalang sila Ate Marita, Ate Aurora, Criselda at Madam Alvira naman sa kalesa na si Alfredo ang nagpapatakbo. Ngayon pa lang kami makakapunta sa ilog kasi kahapon ay isinama ako nila Madam Alvira, at Ate Marita sa kumbento sa simbahan sa Plaza Piris. Tsaka nasa kaniyang trabaho naman din kahapon si Kuya Pablo. Kaya hindi din kami natuloy.

Limang minuto lang ang nilakbay namin patungo sa ilog ng Baryo Villa Batabat. " Alam mo ba Fidel na ang Baryo na ito ay mayroong magandang pinagmulan!, Naaalala mo ikaw pa nga ang nagkuwento sa akin noon! ". Paalala ni Kuya Pablo sakin. Talaga ako? Ay oo nga pala haha, si Ginoong Fidel, napaka assuming ko na ngayon ah. Anu ba naman taglay kong kakayanan para malaman iyon at maikuwento. " Tumango-tango na lang ako bilang pagsang-ayon sa kaniya. " Maaari mo bang isabi ulit ang pinagmulan ng Baryo na ito sa akin? Gusto ko ulit marinig sa iyo! ". Suhestiyon niya, nabigla naman ako ngayon, sandali wala naman akong alam tungkol sa Baryo Villa Batabat. Di ko na alam ang gagawin ko ngayon. Hindi ko naman kasi talaga alam ang kuwento nito.

" Ayos lamang kung limot mo na, matagal na din naman iyon! ". Sambit ni Kuya Pablo. " O siya ako na lang ang magkukuwento! ". Tugon naman ni Ina, Naagaw niya ang atensyon namin ni Kuya Pablo kaya sinimulan na niya ang kuwento. Magkatabi sila ni Ama at kami ang kaharap nila.

" Ang Villa Batabat o Baryo Villa Batabat. Ang pangalang Villa, ito ay nagmula sa Villano o grupo ng pamilya na magkakaingin at ang pangalang Batabat ang lugar na ito ay isang sitio o sakop ng Baryo Batabat Sur. Ibig sabihin nahati ang baryo sa pagkakasundo ng Gobernador noon at nang mga kinatawan pa ng Pueblo Buenavista o Bayan ng Piris. Ang Baryo Villa Batabat na ito ay may lawak na 228 ektarya ". Salaysay ni Ina sa amin.

Manghang-mangha naman ako sa nalaman ko. Napakadaming kasaysayan pala talaga ng Bayan ng Piris o Bayan ng Buenavista. Bumaba kami sa isang daanan na amin lang daw susundan, Isa itong daanan papasok sa isang lugar na kung saan matatagpuan ang ilog ng Baryo Villa Batabat, na tinatawag nila ditong " Busay " terms ng malalim na tubig.

Bitbit ko ang kakainin namin, di ko akalain na uso na pala noon pa lang ang Picknik, Isa din kasi itong paraan upang magkaroon ng Family Bonding ang pamilya niyo. Sana pagbalik ko maranasan ko ulit ito kasama sila Mommy at Daddy, Anu na kaya ang lagay nila ngayon. Sigurado ako nag-aalala na sila sakin dahil hanggang ngayon tulog pa din ako.

" Halika Fidel, ating ilatag ang sapin na ating uupuan ". Utos sakin ni Ate Lydia. Malaki na ang tiyan niya, At isang buwan na lang iaanak na niya ang munting Anghel na hindi ko alam kung lalaki ba o babae kasi hindi naman uso ngayon ang teknolohiya. Hiling ko sana na maging maganda ang paglaki nang magiging anak ni Ate Lydia, Lalo na ang pamumuhay nila ni Heneral Carlo.

Pueblo Buenavista, Buenavista Quezon ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon