[ KABANATA 18 ]

261 7 0
                                    

" Maligayang Pista mga Ginoo ". Bati samin ng isang Ginang dito sa labas ng simbahan. Katatapos lang kasi ng misa. Tsaka bago kami lumabas ng simbahan ay lumapit pa kami kay Padre Feliciano para lang mag mano sa kanya. " Maligayang Pista rin po Ginang! ". Masaya kong bati, tapos may inabot siya bigla sa akin. Isang kandila na kulay rosas ( pink ). Uso na pala ang ibat-ibang kulay ng kandila noon? " Para sa iyo Ginoo, para sa mabuti mong puso. Nawa'y mahanap mo ang pag-ibig na para sayo!!! ". Pag-ibig? Masyado pa atang mang-mang ang puso ko para sa pag-ibig. " S-salamat po! ". Pasasalamat ko hindi na kasi siya humingi pa ng bayad.

Hindi lang ako ang binigyan niya ng kandila, pati na rin sila Kuya Lorenzo at Kuya Pablo pero parehong kulay puti ang natanggap nila mula sa Ginang. " Mag madali ka Fidel, naroroon na sila Ama sa tirikan ng kandila ". Pagmamadali sakin ni Kuya Pablo, nauna naman sila ni Kuya Lorenzo pumunta doon. Tapos ng magdasal ang mag asawa ni Ina at Ama. " Sige na anak Fidel, magdasal ka na. Mukhang mayroon kang magandang hihilingin ". Kinikilig na sambit ni Ina.

Sinindihan ko naman na ang kandila na hawak ko. Kaso nga lang hindi ko alam kung anu ang ipagdadasal ko. Ah alam ko na!, ipinikit ko ang mga mata ko " Sana mag tagumpay ako sa misyon ko! ". Pag mulat ko saka ko itinirik ang kandila ko. " Alam mo ba ang ibig sabihin ng kulay rosas na kandila? ". Tanong ni Madam Alvira. Kasama rin kasi namin siya pero sabi niya sa akin kanina magpapaiwan siya dito sa Plaza Piris para bisitahin ang kumbento, at dun na siya muna mag papalipas ng gabi. " H-hindi po Madam Alvira! teka nabasa niyo po ba ang hiling ko? ". Natawa naman siya ng mahina sakin.

" Magagalit ka ba kung sabihin kong Oo?, pero huwag kang mag-alala, kaya kong bumasa ng isip kung nanaisin ko pero ang dasal mo'y aking nirerespeto ". Sambit niya. Okay lang naman sakin na mabasa ni Madam Alvira ang dasal ko para naman kasi iyon sa misyon ko, na sana mag tagumpay ako. " E anu nga po ba ang ibig sabihin ng kulay rosas na kandila? ". Tanong ko. Kagaya ni Ina kanina ang mga ngiti Madam Alvira ay para siyang kinikilig.

" Nais mo ba talagang malaman?. Ang kulay rosas na kandila ay sumisimbolo sa pag-ibig na namumuo sa puso't isipan ng isang tao. Kung kaya't kapag iyan ang kandilang ginamit mo, ang ibig sabihin nito'y humihiling ka para sa pag-ibig ". Anu? Pag-ibig? Ibig sabihin hindi mag kakatotoo ang hiling ko kasi hindi naman iyon tungkol sa pag-ibig. Tungkol nga ba? Ewan ko. " Hindi lahat nababasi sa kahilingan Fidel. Tandaan mo, tao pa rin ang gagawa ng kanilang kapalaran! at ang pag-ibig ay hindi lang para sa magkasintahan ". Paliwanag pa ni Madam Alvira. Nag lakad na siya papalayo sakin samantalang ako naiwan na nakatayo pa rin sa kinatatayuan ko.

Kaagad ko siyang hinabol papalapit kina Ina. " Ginoong Fidel, naroroon po si Binibining Serina? ". Sabay turo ni Alfredo sakin ng makalapitna ako sa kanila. Anu naman ngayon kung nandyan si Serina? Nakaramdam naman ako ng pagsakit ng braso ko kasi siniko ako ni Madam Alvira dahil sa sinabi ko. Nag peace sign ako ng palihim sa kanya. Napailing nalang siya at ibinalik ang atensyon kina Ama na ngayon ay abala sa pakikipag-usap sa mga kakilala nila dito.

" Hindi mo po ba siya lalapitan Ginoo? ". Malayo ang mga tingin niya habang itinatanong iyon sakin. Alam kung gusto niya puntahan si Annaliza ngayon dahil palagi naman itong kasama-sama ni Serina saan siya magpunta. Bakit ba kasi ang bait-bait ko. " Halika, mag papaalam muna ako kina Ama! ". Lumiwanag naman ang mukha niya ng sabihin ko iyon. Hindi ko maabala si Don Jaime pati si Donya Garieta kaya kay Madam Alvira nalang ako nag paalam. Siya na lang daw ang bahalang magsabi kina Ina kung nasaan ako kapag hinanap na nila ako.

" Magandang umaga't, Maligayang Pista sa inyo mga Binibini! ". Salubong na pag bati namin ni Alfredo kina Serina at Annaliza. Pareho silang nabigla ng makita kami, Mukhang hindi nila inaasahan na makita kami. " Kayo pala Ginoong Fidel at Alfredo, Maligayang Pista rin sa inyo mga Ginoo! ". Mahinhin na pag bati  ni Annaliza sa amin pero kay Alfredo lang siya nakatingin. Iba talaga itong dalawa ni Alfredo at Annaliza. " Nandirito rin pala kayo Ginoong Fidel, Sino ang inyong kasama, kayo lamang ba dalawa ng iyong ALALAY? ". Nahuli ko na pinagtaasan niya ng kilay si Alfredo, parehong hindi ito napansin nang dalawa dahil abala sila sa pagtitinginan. Hindi ko nalang ito pinansin baka naman nangalay lang ang kilay niya kaya biglang tumaas.

Pueblo Buenavista, Buenavista Quezon ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon