[ KABANATA 15 ]

303 10 0
                                    

August 1, 1891 palang ngayon, pero nagsisimula ng mag handa ang mga mamamayan ng Bayan ng Piris para sa paparating na pista sa Bayan. Ipinagdiriwang sa pista ang kapanganakan ng Bayan. Punong abala ang mga kababaihan lalo na ang mga may edad na dahil sila ang mas nakakaalam ng kultura ng Bayan.

Tanghaling tapat ngayon at kasama ako nila Ina, Ate Aurora, at Ate Lydia kasama din namin si Criselda dito sa Plaza Piris. Paparating kasi ang tatlo nila Kuya Lorenzo, Kuya Pablo, at Ate Marita upang makisalo sa kapistahan. Nabanggit din sa sulat ni Ate Marita na kasama niyang babalik si Madam Alvira dito sa Bayan ng Piris.

Naikuwento din ni Ina na hindi maaaring mawala ang Punong Madre sa pag-diriwang ng kapistahan ng Bayan dahil isa siya sa mga pinakamahalagang tao na dapat naruruon. Sobrang saya ko ng malaman ko na babalik na rin si Madam Alvira. Madami akong gustong ikuwento at itanong sa kanya lalo na iyong tungkol sa Diary ni Ginoong Fidel. Sigurado akong magugulat siya kapag namalaman niya na nawala ang lahat ng nakasulat dito.

" Magandang umaga po Donya Garieta, Ginoong Fidel, ganun din sa inyo mga Binibini? ". Bati ni Heneral Vicente sa amin. Anung ginagawa ni Heneral Vicente dito sa Plaza Piris? Sa pagkaka-alam ko ng pinabalik siya dito ni Kuya Lorenzo upang mangalap ng mga balita tungkol sa nangyayari sa Bayan ay madalas siyang nasa mga Baryo. " Magandang umaga din sa iyo Heneral. Masaya akong makita ka. Anu nga pala ang iyong ginagawa dito sa Plaza Piris? Hindi ba't nasa iyong misyon ka sa Baryo Pinamasagan? ". Pati pala si Ina napansin yun.

" Opo, ngunit ilang buwan na rin po ang nakakalipas ng huli kong masilayan ang Binibining bumighag sa aking puso! ". Nakatingin lang siya kay Ate Lydia habang sinasabi ang mga salitang binitawan niya. Ang mga ngiti sa labi ni Heneral Vicente ay kagaya lang ng mga ngiti ni Ate Lydia sa tuwing magpapadala ng sulat si Heneral Carlo sa kanya. Nito kasing nakalipas na buwan matapos ang mga nakita ko sa likuran ng mansion at mga nalaman ko kay Alfredo, palagi ko nakikita si Ate Lydia sa likuran ng mansion, nag-aantay sa pag-dating ni Ginoong Agapito para sa sulat ni Heneral Carlo na ibibigay nito sa kanya.

Tuwing ika-apat nang gabi bumabalik ang barkong sinasakyan nila Ginoong Agapito. Minsan nga ay hindi rin ito nakakabalik kaagad dahil sa misyon nila sa maynila. Hindi mawala ang pag-asa ni Ate Lydia na makakatanggap siya palagi ng sulat mula kay Heneral Carlo at hindi maman siya nabibigo. Napangiti naman sa kilig sila Ina para sa dalawa ni Heneral Vicente at Ate Lydia. Mula sa likuran ni Heneral ay mayroon itong kinuha na isang piraso ng puting rosas na bulaklak, na sumisimbolo sa tapat na pagmamahal niya para kay Ate Lydia.

" Para ti Binibining Lydia! ( For you Ms. Lydia ) ". Bahagyang ngumiti si Ate Lydia kay Heneral Vicente pero hindi ito kagaya ng mga ngiti niya na nakikita ko kapag nakakatanggap siya ng sulat mula kay Heneral Carlo. " S-salamat Heneral. Napaka-ganda naman nitong puting bulaklak na rosas! Paborito ito ng aming Ina! ". Giit pa niya kay Heneral Vicente. Masaya naman si Heneral na makita si Ate Lydia na nasiyahan sa bulaklak na ibinigay niya.

" Tayo na po Ina kailangan na po nating bumalik ng maaga sa mansion! ". Pag-aakit ni Ate Aurora na umuwi na kami!. " Donya Garieta, maaari ko po bang ipagpaalam sa inyo si Binibining Lydia? Nais ko lamang po siyang epsyal? ". Hindi na tumanggi pa si Ina. Mabilis siyang sumang-ayon sa hiling ni Heneral Vicente sa kanya. " Paalala ko lamang Heneral, kinakailangang maibalik mo ang Binibini bago magtakip silim! ". Tumango naman si Heneral Vicente bilang sagot kay Ina.

Tumalikod na kami matapos magpa-alam sa kanilang dalawa. Aalis palang sana kami ng tawagin ulit ako ni Ate Lydia. " Fidel sandali lang!.... Heneral maaari ba nating isama si Fidel? ". Gulat akong nakatingin sa kanila. Napahinto kami nila Ina dahil sa pagtawag ni Ate Lydia sa pangalan ko. Bakit kailangang pati ako kasama? Tsaka sa tingin ko gusto ni Heneral Vicente na masolo si Ate Lydia ngayon kaya bakit kailangan pa ako isama? " Kung iyan ang iyong nais ay masusunod. Maaaring sumama sa atin si Ginoong Fidel! ". Pagpayag ni Heneral Vicente sa gusto ni Ate Lydia. Napangiti naman sa saya si Ate Lydia dahil pumayag si Heneral na isama ako.

Pueblo Buenavista, Buenavista Quezon ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon