Marso 20, 1892 isang buwan nanaman ang lumipas kasabay noon ang mismong pagsapit ng kaarawan namin ni Ginoong Fidel. Hindi ko akalain na magiging tahimik ang mga nakalipas ko na buwan, hanggang sa tumapat sa mismong araw ng aking kapanganakan. Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ko ngayon. Saya kasi buhay pa din ako at maipagdiriwang ko ang kaarawan namin ni Ginoong Fidel. Kaba, dahil mayroon pangamba at takot sa isip ko at puso na baka panandalian lang ang buhay ko ngayon at sa isang iglap hindi ko magawa at mapagtagumpayan ang misyon ko at mauwi lang ang lahat sa wala.
Pero makakabuti kung aalisin ko ang pangamba sa isipan ko at kung magiging positibo lang ako ngayon. Lalo na ngayon magtutungo kami sa simbahan sa Plaza Piris upang sumimba na din at pabinyagan si Baby Caliv. 2 months old na siya ngayon at kasabay nito ang pagdiriwang ng aking kaarawan. " Feliz Compleanus Fidel!!!! ( Happy Birthday Fidel!!!! ) ". Masigla nilang bati saking lahat pagkababa ko pa lang ng hagdanan.
Kagaya sa nakaraan suot-suot ko ang puting tuxedo na si Ina pa mismo ang tumahi. Mayroon itong pulang rosas sa bulsa sa dib-dib na nilagay ni Ate Marita. Inayos din mabuti ni Ginang Ursulina ang buhok ko at nilinis ni Manong Dado at Alfredo ang mga kalesa kahapon ng hapon.
At ngayon habang pinagmamasdan ko ang bahay. Mapapangiti ka na lang sa nakakaaliw na dikorasyon nito. Napakakulay at napapagood vibes nito ang araw mo. Talagang pinaghandaan nila ito ng mabuti. Kahapon pa lang ay abalang-abala na sila. Katulong din nila ako sa pagsisibak ng kahoy maging sila Heneral Carlo at Vicente ay natungo sa bahay upang tumulong samin. Ganun din sila Felipe at Julian na siyang tumulong kina Kuya Pablo upang umigib ng madaming tubig.
Noong isang araw pa lang ay dito na nagpasiyang manuluyan muna ang Familia Bautista dahil nais nilang tumulong dito sa amin. Para sa kaarawan ko at sa binyag ni Baby Caliv. Kaya doble ang saya dito sa mansion simula noon nakaraang araw.
" Salamat po sa inyong lahat! ". Paghingi ko ng pasasalamat sa masigla nilang mga pagbati. May inabot sakin na maliit na kahon si Criselda. " Ginoo munting regalo ko po sa inyo, sana magustuhan niyo? ". Kinuha ko naman ito at akmang bubuksan ko na ng pigilan niya ako. " Mamaya niyo na po buksan kasabay ng iba niyo pang regalo". Kaagad ko itong itinabi sa bulsa ng aking pants para di mawala. " Salamat Criselda! ". Yumuko siya sakin at saka sumagot. " Walang anu man po iyon, maligayang kaarawan po muli sa inyo Ginoong Fidel ". Sambit niya.
" Tayo ng humayo baka mahuli tayo sa misa! ". Suhestiyon ni Ama. Kaya nag-madali kaming lumabas lahat sa mansion. Magkasamang magtutungo ang Familia Adricula at Familia Bautista pati ang buong pamilya ni Ginang Ursulina ay kasama namin. " Sandali may nakalimutan lang po ako! ". Hindi kona inantay pa na sumagot sila at tumakbo na ako pabalik sa loob ng bahay. Nakalimutan ko kasi iyong kuwintas na ibinigay ni Ama sakin. Nang matagpuan ko na ito ay agad ko ng isinuot. Humarap ako sa salamin at laking gulat ko nang makita ko ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinilabutan pero hindi ko na iyon pinansin pa.
Alam kong inaantay nila ako sa labas kaya nagmadali na ako. Naiwan ang ilan sa mga kasambahay sa mansion. Pagkalabas ko ng bahay ay biglang humangin ng malakas para huminto ako at mapalingon muli sa mansion. Kasabay nito ang pag-ulan ng mga tuyong dahon dahil sa nalalagas na ito. " Fidel hali kana!!!! ". Tawag muli ni Ate Marita. Sumakay na ako sa kalesa at habang umaandar ito ay nakahabol tingin lang ako sa mansion.
" Kaarawan mo na kapatid ko, hiling ko na maging ligtas ka ngayon at sa mga susunod pa! ". Narinig ko na bulong ni Kuya Pablo sa tabi ko. " Kahit sa paglipas ng panahon, ang mansion na ito ang saksi sa kaganapan ng ating Familia at pasa-pasang henerasyon ". Dagdag pa niya tinignan ko lang siya. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit siya ganiyan manalita?. " Masaya akong nakilala ka Fidel, masaya akong maging kapatid ka! ". Kasabay noon ang pag-yakap niya sakin na ikinabigla ko naman maging sila Kuya Lorenzo, Ate Marita, Ate Aurora, Ina, at Ama ay mapatingin samin. Niyakap ko na lang din pabalik si Kuya Pablo, at umalis kami sa pagkakayakap sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Pueblo Buenavista, Buenavista Quezon ( COMPLETED )
Historical Fiction" PUEBLO BUENAVISTA " ( 18-19 siglo ) Kilalanin si Athan Fidel Adricula ang lalaking mag papaibig sa puso ng mga kababaihan ngayong summer. Subaybayan ang bawat kabanata kung anu ang magiging takbo ng kuwento sa makabagong panahon tungo sa makaluma...