[ KABANATA 48 ]

254 9 0
                                    

" Gumising ka na Fidel, please anak? ". Naririnig ko ang boses ni Mommy, hinihiling niya na gumising na ako. Pero tila ba ayaw sumang-ayon ng mga mata ko. Nakapikit pa din ako at tanging dilim lang ang nakikita ko. " Fidel, anak, anak ko, gumising ka! ". Sambit nang isa pang boses, nagulat na lang ako ng biglang magpakita si Mommy at Donya Garieta sakin. " Nanaginip ba ako? ". Tanong ko pero pabulong lang.

" Lahat naman ay maaaring maging isang panaginip Fidel, ngunit ang bagay na ito ay isang tanong para saiyo? Sino ang pipiliin mo? ang nakaraan o ang kasalukuyan? ". Bulong ni Madam Alvira sakin na nasa likuran ko na pala, hindi ko man lang namalayan. Pinagmasdan ko silang dalawa, parehong nakalahad ang mga kamay nila Mommy at Donya Garieta sakin. Tinignan ko si Mommy, nakangiti lang siya sakin habang iniintay ang paghawak ko sa mga kamay niya. Ganun din si Donya Garieta, inaabangan niya akong hawakan ko pabalik ang kamay niya.

Miss ko na sila Mommy at kahit noong una parang ayaw ko ng bumalik pa sa totoong panahon ko. Narealize ko na nadala lang ako ng nararamdaman ko, Gusto ko ng umuwi at makasama ulit sila. Miss ko nang asarin at kulitin nila Ate Franchesca at ni Maria. Ang magpakuwento sa mga estorya ni Lola at Lolo. Ang makasama si Ate Laura sa pagbabasa niya ng libro, ang makipagtawanan sa kanilang lahat. Namimiss ko na ang pamilya ko. " Anu ang desisyon mo Fidel? ". Tanong ni Madam Alvira.

" Kung pipiliin ko ang kasalukuyan, paano na ang Familia Adricula sa nakaraan, paano na si Ginoong Fidel. Hindi ko mabibigyang hustisya ang pagkamatay niya!. Paano na ang pangako kong matatapos ang kuwento ni Ginoong Fidel ng maganda ". Muli kong tinignan si Donya Garieta at sumunod si Mommy naman ang tinignan ko. " Sigurado ka na ba? ". Tanong pa uli ni Madam Alvira, " Kailanga ko pa pong tapusin ang misyon ko, Madam Alvira! ". Sagot ko.

Lumapit ako kay Donya Garieta at kinuha ang kamay niya, kasabay noon ang boses na nagpamulat sakin mula sa pagkakatulog. " Oh diyos ko anak gising ka na! ". Kaagad akong niyakap ni Ina ng magising ako at bumangon. Tinignan ko si Madam Alvira at ngiti lang ang isinagot niya sakin, Lumayo si Ina. " Kamusta ang balikat mo? ang sabi ng iyong Kuya Pablo, sa pagkabigla kaya ka nawalan ng malay. Sugat lamang ang natamo mo dahil daplis lang ng bala ang nangyari sayo! ". Paliwanag ni Ina.

Kanina nang mang-yari sakin ang bagay na iyon, isa lang ang nasa-isip ko. Hindi ako magtatagumpay sa misyon ko. Pero hindi ko akalain na magigising pa ako at mabubuhay. Buong mag-damag ay hindi ako iniwan ni Ina. Binantayan niya lang ako, at inalagaan hanggang sa mag-prisenta na si Madam Alvira na siya na muna mag-aalaga sakin. " Donya Garieta, ako na po munang bahala kay Ginoong Fidel, pagod na po kayo, kailangan niyo na din po mag-pahinga, baka pati kayo'y mapaano! ". Sambit ni Madam Alvira. Pinagmasdan muna ako ni Ina saka umalis, pagkalabas ni Ina ng silid ko'y isinara ni Madam Alvira ang pintuan.

" May nais ka bang sabihin sa akin Fidel? ". Tanong niya na parang galit siya. Alam ko naman kung bakit, hindi ko kasi nasabi agad kay Madam Alvira ang tungkol sa pag-uusap namin ni Kapitan Benicio. Nawala na din naman ito sa isip ko, kaya nakalimutan ko na sabihin. " P-patawad po Madam Alvira! ". Sambit ko. Nakita ko siyang napahawak sa noo niya at tinalikuran ako. " Muntikan ka ng mamatay hindi lang isang boses, ngunit marami na! ". Mahinahon pero may autoridad niyang sambit.

Wala na akong maimik pa dahil alam kong mali ako, mali na hindi ko agad nasabi sa kaniya ang tungkol kay Don Policarpio. Sandali siyang natigilan, saka muli akong hinarap. Mahinahon at kalma na niya akong tinignan.  " Bilang iyong pangatlong Ina sa panahon na ito, labis akong nag-alala sayo. Batid ko na mabuhay ka Fidel,alang-alang sa nakaraan at pamilya mo sa kasalukuyan. Patawad kung napagtaasan kita ng boses, hindi ko sinasadya ". Pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumapit siya sakin at naupo sa gilid ng kama.

Kinuha niya ang kamay ko, at tinignan ako ng mabuti. " Alam ko na po kung sino ang papatay sakin sa panahon na ito! ". Sambit ko. Pero hindi ko man lang siya nakita na nagreact sa halip. " Nagkakamali ka sa inaakala mo! ". Matipid niyang tugon. " Anu pong ibig niyong sabihin? ".  Sandali bigla akong naguluhan. " Hindi mo kailangang maguluhan ngayong kilala mo na ang taong nais pumatay sayo, nais kong maging alerto ka. Hindi ko na alam ang kasunod na mangyayari Fidel, tandaan mo iyan! ". Tanging pagtango na lang ang naisagot ko.

Pueblo Buenavista, Buenavista Quezon ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon