[ KABANATA 47 ]

250 4 0
                                    

" Maligayang kaarawan Padre Feliciano! ". Bati ni Ama kay Padre Feliciano. Hindi ko alam na ngayon pala ang kaarawan niya. Kaya pala kahapon agad na dumeretso si Madam Alvira sa Plaza Piris at hindi din siya natulog sa bahay. " Maligayang kaarawan po Padre! ". Bati ko din sabay mano dito.

Hindi ganun kagarbo ang handaan pero napakadaming tao. Nabanggit din ni Ate Marita na lahat ng nandito na nakikita ko ay gawa ng mga taong Bayan ng Piris. Nagkaroon ng bayanihan para mabigyan lang ng masayang kasiyahan ang espesyal na araw sa buhay ni Padre Feliciano.

" Fidel! ". Tawag ng pamilyar na boses. " Julian, ikaw pala!, sino ang mga kasama mo? ". Tanong ko. " Sila Ina, sandali si Consrocia agad ang hanap mo, kinakalimutan mo na akong kaibigan mo! ". Banat ni Julian, may balak pa atang magtampo-tampuhan. " Tumigil ka nga riyan Julian, syempre naman naalala kita! ". Sambit ko, natawa naman ito. Ang weird niya ngayon. " O palinga-linga ka? ". Tanong ko. Hindi siya sumagot agad, at napakamot na lang sa likuran ng ulo niya.

" Aaaaah-------- si Criselda ba hinahanap mo? ". Balik kong pang-aasar sa kaniya. " Ha? Eh oo! Haha, nakita mo ba siya? ". Tanong din niya. " Oo, kasama ni Alfredo! ". Matipid kong sagot. " Sige hanapin ko lang siya nandiyan naman na ang prinsesa mo e! ". Buwelta niya saka aki iniwan at saktong pagbungad ni Binibining Consorcia sa harapan ko. Suot-suot ang puting kimona't saya niya.

Mabuti na lang may malapit na kumpol ng mga puting rosas dito sa tabi ko. " Para sa pinaka-magandang Binibini sa buhay ko! ". Kasabay noon ang pag-abot ko sa kaniya ng puting rosas. Agad naman niya itong tinanggap at kinuha sakin. " Paumanhin Binibini kung hindi ito ang kulay ng rosas na iyong paborito? ". Lahat kasi ng nandito sa paligid ng simbahan ay puting rosas. " Anu ka ba, wala iyon. Salamat sa bulaklak! ". Matamis niyang sambit. Nagngitian pa kaming dalawa, bago magka-ayaan sa kumpol ng mga tao.

Humanap kami ng puwesto, hindi naman kami nahirapan dahil mayroon na palang nakuhang puwesto sila Ama at sineswerte nga naman, magkatabing lamesa lang ang pamilya Adricula at Cayabat kaya magkasama pa din kami ni Binibining Consorcia. Nang magsimula ang kasiyahan, unang-una ay kinantahan muna namin si Padre Feliciano ng Birthday song in tagalog version. Pagkatapos nagprisenta naman si Felipe na mag spoken siya ulit. Gumawa daw kasi siya ng isang tula para lang talaga kay Padre Feliciano.

" Maraming salamat sa inyong pagmamahal sa akin. Hindi ako magtatagal sa mundong ito kung wala kayo at lalo't higit ang Ama sa langit. Maraming-maraming salamat at ngayon na akin namang kaarawan, maaari ba akong humingi rekwest muka kay Ginoong Fidel? ". Sambit ni Padre Feliciano na ikinagulat ko. " May nakapagsabi kasi sa akin na bukod sa napakagandang lalaki ni Ginoong Fidel ay mahusay din itong aawit!, Inaanyayahan sana kita dito sa unahan Ginoo, kung maaari lamang? ". Biglang tumingin si Padre Feliciano sakin, tinignan ko si Julian siya lamang naman ang puwedeng mangpahamak sakin sa mga ganitong bagay. Painusente siya noon tinignan ko siya, kaya hindi ko na lang pinansin pa, siniko pa ako ni Consorcia para tuluyan na akong mapatayo sa kinauupuan ko. Pasalamat na kang sila birthday ni Padre Feliciano kaya gagawin ko ito.

" Isang masigabong palakpakan naman para kay Ginoong Fidel! ". Sanbit pa ni Padre at nagsi-palakpakan nga ang lahat. " Inaalay ko ang kantang ito, sa taong nagturo sakin kung paano at anu ba ang pagmamahal. Alam ko na walang kasiguraduhan pagdating sa pag-ibig. Pero isa lang ang sigurado ko, na sa libo-libong babae na nabubuhay dito sa mundo ikaw ang nagbukas ng puso ko. Salamat kasi nakilala kita, salamat kasi minahal mo ako at minahal kita, Binibining Consorcia Cayabat ". Nang banggitin ko ang pangalan niya, naghiyawan ang mga taorp sa paligid ko at tumpulan kami ng tukso ni Consorcia. Lumapit pa nga sila Ate Aurora, Binibining Angelita, Lanita, at Serina kay Consorcia at naupo din sa tabi niya, para lang kiligin. Tumahimik lang ng sinimulan ko ng patugtugin ang gitara.

Una't Huling Pag-ibig
by Yeng Constantino

Ikaw ang una't huling
Pag-ibig ng buhay ko
Kay tagal mang naghintay,
Nandito ka na akin habang buhay

Singlinaw nang langit na bughaw,
Hanggang sa dulo ako at ikaw
Iginuhit na ng tadhana
Na tayong dalwa ay maging isa

Walang kasiguraduhan kung magtatagumpay ba ako o hindi sa misyon ko dito sa panahon ng mga ninuno ko. Kung magtagumpay man thank-you at kung hindi thank-you pa din. Walang oras na hindi ko dapat ipagpasalamat, kasi simula ng dumating ako sa panahon ka ito aminin ko man at sa hindi madami akong natutunan.

Kabilang na doon kung anu ba ang ibig sabihin ng salitang saya. Sa panahon na ito nakita ko ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang Ama, kung anu ba ang saloobin nila sa tuwing nasusuway sila ng mga anak nila. Dito ko din naramdaman na magkaroon ng mga Kuya, na kailan may hindi ako nagkaroon. Iyong may magpapayo sa iyo at maiintindihan ang sitwasyon mo.

Ang makakilala ng mga taong hindi mo aakalaing papasok sa buhay mo. Higit sa lahat ipinakita din ng panahon na ito sa akin ang ibig sabihin ng saya na may kasamang pagmamahal, nang mas makilala ko pa ang Familia Adricula. Hindi ko lang siguro pansin pero walang nagbago simula noon hanggang sa kasalukuyan, ang pagiging masayang pamilya namin ay dala-dala hanggang modernong panahon.

At syempre, mas naramdaman ko na natuto ako sa panahon na ito nang matutunan kong mag mahal ng isang Binibini. Masaya akong nakilala ko si Consorcia. Pero sabi ko nga walang kasiguraduhan sa pag-ibig pero ang sigurado ko, na iisa lang ang naramdaman namin, na minahal namin ang isa't-isa. Sayang lahat kasi hindi ako puwedeng magtagal sa panahon na ito. Darating at darating na matatapos din ang lahat. Masaya na akong maging una niyang pag-ibig kahit hindi ako ang huli. Alam ko namang sa bandang dulo, mapupunta siya sa totoong tao na mahal niya at hindi sa impostor na gaya ko.

Naniniwala ako na mamahalin siya ni Ginoong Fidel nang higit pa sa pagmamahal ko. Sana lang talaga magtagumpay ako sa misyon ko. Gusto kong palitan ng magandang wakas ang kuwento ni Ginoong Fidel. Hiling ko lang na nagawa ko iyon.

Ikaw ang una't huli
Mamahalin ko ng gan'to
Nais kong malaman mo
Dati pangarap lang ito

Singlinaw nang langit na bughaw
Hanggang sa dulo ako at ikaw
Iginuhit na ng tadhana
Na tayong dal'wa
Ay maging isa

Habang-buhay
Habang-buhay

Singlinaw nang langit na bughaw
Hanggang sa dulo ako at ikaw
Iginuhit na ng tadhana
Na tayong dal'wa
Ay maging isa

Una't huling Pag-ibig ko

Pag-bigkas ko ng huling liriko ng kanta, kasabay noon ang pagputok ng baril na siyang umalingaw-ngaw sa buong paligid. " FIDEL!!!!!! ". Narinig ko na sigaw ni Ina, at nila Ate Marita. Gulat na gulat naman ang itsura nila Binibining Consorcia. Kaagad na tumakbo papalapit sa akin sila Kuya Pablo at Ama, maging si Madam Alvira ay nabigla din. Napahawak ako sa may balikat ko dahil kumikirot ito, at pagtingin ko sa kamay ko puno ito ng dugo.

Unti-unting nangilig ang katawan ko, pati tuhod ko'y nanghina, napaluhod na lang ako sa pagkabigla. Pinalibutan na kami ng mga Guardia Civil para protektahan. " Maghiwa-hiawalay kayo!, Hanapin niyo kung saan nag-mula ang putok? ". Sigaw ni Kuya Lorenzo. Tumingin siya sa direksyon ko at magkahalong takot, awa at galit ang nakikit ko sa mga mata niya. " Fidel, huwag kang pipikit! ". Sambit ni Kuya Pablo.

Ngunit kusang bumabagsak ang mga mata ko. Pilit kong sinusunod si Kuya Pablo pero, ang huli ko na lang natatandaan sa pagpikit ko, nakita ko si Ginoong Fidel.........

Ginoong Fidel.....ang pagpapatuloy!!!

Pueblo Buenavista, Buenavista Quezon ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon