[ KABANATA 13 ]

393 9 0
                                    

Kinabukasan maagap akong nagising dahil maagap din akong ginising ni Alfredo. Simula kahapon ay itinalaga na siya bilang taga pagsilbi ko bukod sa pagiging kutsero ng aming pamilya. Tinulungan niya ako maghanda ng sarili ko. " Kanina pa ba na riyan sila Felipe at Julian? ". Tanong ko kay Alfredo na naghihintay na matapos ako sa ginagawa ko, inaayos ko kasi ang buhok ko, wala pa kasing mga hair gel sa panahon na ito, kaya nagiging messy ang buhok ko.

" Opo Ginoo, kanina pa nila kayo iniintay. Ayaw ko pa nga sana kayo gisingin sa mahimbing ninyong pagtulog ngunit ipinatawag na po kayo sa akin ng inyong mga Kapatid! Sinunod ko lang po ang kanilang utos! ". Paliwanag pa niya sakin, nakayuko siya habang nakatayo sa likuran ko sa gilid, kita ko kasi siya sa salamin. Parang naguguilty siya kasi nasira ang pag-tulog ko. Malalim na kasi ang gabi ng makauwi kami pabalik sa mansion galing sa tahanan ng mga Reyes sa Baryo Bagong Silang. Kaya kulang ang tulog ko ngayon tapos biglaan pa ang pagdating nila Felipe at Julian ngayon.

Grabe ang agap kasi gumising ng mga tao sa panahon na ito e. Samantalang ako kapag meron pasok lang maagap gumigising kapag weekends naman tanghali na dahil kakainternet. Para talaga silang si Carlos at Louie. Hindi din kasi minsan nagpapasabi ang dalawa na iyon kapag may lakad kami. Basta-basta nalang sisipot sa bahay at saka lang magpapaalam kay Mommy. Si Mommy naman hindi makatanggi dahil on the spot nagpaalam ang dalawa tsaka ayaw naman niya na masayang ang effort ng mga ito para sunduin ako.

" Wala iyon Alfredo ayos lang. Halika na sa ibaba, baka mamuti na ang kanilang mga buhok sa paghihintay sa akin! ". Pagbibiro ko sa kanya dahilan para mapatingin siya sakin at matawa, nagets naman niya siguro ang gusto ko iparating na kulang ang isang oras para sa pag-gagayak ko at sa sarili. Sabay kaming bumaba ni Alfredo sa sala at nakita ko si Ama na kausap ang dalawa ni Felipe at Julian.
" Fidel, bakit pinag-hihintay mo ng matagal ang iyong bisita? ". Sermon ni Ama pagkababa ko palang ng hagdanan. Nagmano ako sa kanya saka yumuko at humingi ng tawad. " Patawad po ama! ". Napansin naman siguro nila Felipe at Julian na parang gagalitan pa ako ni Ama/ Don Jaime kaya sumingit na sila.

" Mawalang galang na po, magpapaalam na po kami Don Jaime, baka po tanghaliin kami sa  pangingisda. Tayo na Fidel! ". Singit ni Felipe para hindi ako tuluyan na magalitan ni Ama/Don Jaime dahil sa kabagalan ko. Pero totoo kaya ang sinabi ni Felipe na mangingisda kami ngayon? Paano yan? Wala naman akong alam sa pangingisda. Meron akong napapanuod sa T.V pero hindi ko naman basta matutunan lang sa panunuod tsaka limot ko nadin yung napanuod ko. Hindi ko rin hobby ang fishing, siguro kung mga games/application pa yan sa phone madali kong matutunan at magagawa pero hindi e visual naming gagawin.

" Oh sige mag-iingat kayo mga Ginoo. Isama mo si Alfredo, Fidel?, upang mabantayan ka niya!. Baka mamaya ay muli kang mahilo at mawalan ng malay. Mabuti na ang sigurado! ". Utos ni Ama, sumang-ayon naman ako sa gusto niya. Kanina ko pa nga din gustong akitin si Alfredo tutal naman magkaibigan na kami at magaan ang loob ko sa kanya. Sumunod naman sa utos ni Ama si Alfredo at ngayon kasama na namin si Alfredo na naglalakad papuntang Ilog Piris kung saan ko nakilala si Heneral Vicente na iniligtas ako ng malunod ako dito sa Ilog.

Dito din sa Ilog Piris ako tinulak ni Madam Alvira dahilan para mapadpad ako at makarating dito sa panahon na ito. Malapit lang ang Ilog Piris sa mansion at sakop pa rin ito ng Hacienda De Adricula kaya sigurado naman na ligtas kami dito. Tsaka meron naman na mga Guardia Personel at Guardia Civil na nag-uuli sa buong lupain ng Hacienda para masiguro ang kaligtasan namin, mula sa bali-balitang mga pirata ngayon. Ipinakilala ko din si Alfredo kina Felipe at Julian kanina pagkalabas palang namin sa mansion. Madali naman silang nagkasundong tatlo. Masaya akong malaman na meron palang mababait na kaibigan si Ginoong Fidel.

Nang makarating kami sa mismong Ilog Piris nagpahinga muna kami sandali. " Mabuti at pumayag si Don Jaime na sumama ka sa amin pangingisda Fidel! ". Panimula ni Felipe sa usapan. " Salamat nga pala kanina Felipe. Sigurado akong gagalitan ako ni Don Jai------ este ni Ama kung nagkataon. Patawad din kung pinag-antay ko kayo ng matagal ni Julian! ". Paghingi ko ng paumanhin sa kanila ni Julian. Inakbayan naman ako ni Felipe. " Wala iyon Fidel parang magkakapatid na tayo nila Julian hindi ba? at ngayon kapatid na din natin si Alfredo? ". Nakangiti pa siya na parang tuwang-tuwa habang tinitignan niya si Alfredo na parang hindi makapaniwala sa sinabi ni Felipe. Sinenyasan siyang lumapit ni Alfredo sa amin. Inakbayan niya rin ito ng kagaya ng pagkaka-akbay niya sakin. " Uy! Sandali lang. Pasali naman ako!!!! ". Tumakbo papalapit samin si Julian at naki group hug.

Pueblo Buenavista, Buenavista Quezon ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon