[ KABANATA 21 ]

261 7 0
                                    

" Magandang umaga po Don Jaime at Donya Garieta Adricula at sa punong Madre Madam Alvira, sa inyo rin Ginoong Lorenzo, Ginoong Pablo, Binibining Marita, Binibining Lydia, Binibining Aurora, at Ginoong Fidel Adricula, maligayang pag dating sa aming tahanan ". Masiglang bati ni Donya Sonora, nandirito kasi kami ngayon sa tahanan ng mga Familia Cayabat. Wala akong ideya kung bakit kami nandito. Kanina ko lang din umaga nalaman na magtutungo pala kami sa tahanan nila. Matapos kasi ang nangyari sakin sa loob ng kalesa na pagkabangungot pinagpahinga muna ako nila Ate Marita sa kuwarto ko.

Kaninang umaga na ako nagising. " Kay gwapo talaga ni Ginoong Fidel ah!!!! ". Narinig ko na bulungan ng mga kasambahay nila dito habang pumapasok kami ng tahanan nila. Kasing laki at ganda ng mansion ng Familia Reyes ang mansion ng Familia Cayabat, medyo malayo rin ang nilakbay namin patungo dito. Malalagpasan pa namin ang Baryo Bagong silang nasa Baryo Lilukin nakatayo at naninirahan ang Familia Cayabat. Naikuwento sakin kanina ni Kuya Lorenzo at Kuya Pablo habang nasa byahe kami ang history ng Baryo Lilukin.

" Ang Baryo Lilukin ay isa sa mga sentrohang lugar ng Bayan ng Piris pinagtitipunan ng mga bahay. Dito matatagpuan ang mga mayor na pamilihan ng lukad na may malalaking bodega pa ngalawa sa Plaza Piris. Ito ay may kabuang sukat na 497,795 ektarya. Ito ay nahahangganan ng Baryo Catulin sa timog, Baryo San Isidro ibaba sa kanluran, Baryo Bagong Silang sa hilagang kanluran, at Baryo Bolo sa hilagang silangan, at Plaza Piris sa silangan timog ".

Nang makapasok na kami napatingin ako sa bumaba nang hagdanan. Nag tama ang mga mata namin pero kagaya nang dati galit pa rin siya sakin. Hindi na ako magtatangka pang kausapin siya baka kailangan din niya nang space para makapag-isip. Bago pa siya makababa, lumakad na ako sa kung nasaan sila Ama. " Maupo na po kayo Donya Garieta at mga Binibini At Ginoo upang mapag usapan na natin ang nalalapit na kasal na magiging daan ng pang habambuhay na pag kakaibigan at pagiging isa ng ating pamilya ". Anunsyo ni Heneral Valencio.

Naupo ako sa tabi ni Madam Alvira, nandito rin siya kasama namin dahil pinatawag siya kagabi nila Ina para mag rosary sila, para na rin daw sakin dahil sa bangungot ko. Pero hindi ko pa nasasabi sa kanya ang buong detalye sa panaginip ko. Wala akong lakas at maagap din kaming umalis kanina, tulog naman na ako kagabi ng dumating siya. Sandali lang nabanggit ni Heneral Valencio na merong ikakasal. " Ate Lydia ikakasal ba kayo ni Heneral Vicente? ". Palihim kong pagbulong at tanong sa kanya. " Hindi Fidel kay Carlo lamang ako alam mo iyan, ". Sagot niya. E kung ganun sinong ikakasal?. " Ikaw Fidel! ". Bulong naman ni Madam Alvira sakin. Binabasa nanaman niya ang isipan ko.

Halos manlaki ang mga mata ko sa gulat sa kanya. Magkatapat kami ni Binibining Consorcia ngayon sa upuan. Nandito kasi kami sa Dining Area ng mansion nila. Parang pista sa dami ng pagkain na pinahandan nila Heneral Valencio at Donya Sonora. Ang Donya pa daw mismo ang nagluto ng lahat nang putahe na kanilang inihanda. Nagsimula na kaming kumain lahat. Kompleto ang bawat miyembro ng parehong pamilya. Nandirito si Kapitan Leoncio at Heneral Vicente.

" Podría tener tu atención, por favor? ( May I have your attention please? )  nais ko lang sabihin na akin ng ipauubaya ang kamay ng aking bunsong dalaga na si Consorcia Cayabat sa bunsong binatang anak ng mga Adricula na si Ginoong Fidel Adricula, Fidel hijo, ikaw na ang bahala sa aking anak, ingatan mo siya ". Sambit ni Heneral Valencio muntikan na akong mabulunan mabuti nalang nakainom agad ako ng tubig. Nagbibiro lang sila diba?, kakatapos lang ng kasunduan ko kay Binibining Serina nang kasal at ngayon gusto nanaman nila akong ikasal at kay Binibining Consorcia naman ngayon. Anu ito exchange gift lang, kaso nadaya iyong isa kasi walang ka exchange.

" Kumpadre, iminumungkahi ko na sa kaarawan ni Ginoong Fidel ang kasal ng mga bata, sa paparating na Marso Bente ". Sabi pa ni Ina/ Donya Garieta, halos tumango naman ang lahat maging ang mga kapatid ko approve na approve. Iyon ang araw ng kamatayan ni Ginoong Fidel sa nakaraan? Hindi kaya maulit ulit iyon sa parehong buwan at araw? Bakit nangyayari ito? Hindi man lang ba sila tututol sa kasalang ito? Si Madam Alvira bakit nakatingin lang siya at sumasang ayon pa sa mga desiyson nila?.

Pueblo Buenavista, Buenavista Quezon ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon