[ KABANATA 6 ]

560 12 0
                                    

( Toooooth* Wissssskkkk* Boooom* Crack* ) " Kuya Fidel! Wake-up!!!, Happy Fiesta! ". Iminulat ko ang mga mata ko, bigla akong napangiti ng makita ko ang itsura ni Maria. " What's funndy Kuya?, Pangit ba ako sa damit ko? ". Nag-aalala niyang tanong. Tumakbo siya sa harapan ng salamin na malapit sa tabi ng bintana. " Okay naman ah! I'm so pretty naman with my polkadots dress!!!! ". Ngiting-ngiti pa siya sa harapan ng salamin habang winawasiwas ang laylayan ng dress niya na parang gandang-ganda siya sa sarili niya. Humarap siya sakin habang nakapamewang pa.

" You Kuya ha you making fun of me. I'm pretty naman e. Pinakaba mo ako. By the way Mommy said wear that polo and pants ". Sabay turo niya sa mga damit na nakasabit sa handle ng drawer. Lumapit ako kay Maria para tignan kung may lagnat ba siya o wala. Napaatras naman siya at pinagtaasan ako ng kilay. " And what are you doing? ". Pagtataray niya. " Akala ko kasi sinapian ka nang diwata ng Mangga! ". Pang-aasar ko sa kanya na ikinasalubong ng mga kilay niya.

" So you mean bad ako kaya akala mo sinaniban ako ng diwata ng mangga? ". Dalawang kamay na niya ang nakapamewang. Nag bi-beast mode nanaman siya. Kaya trip ko siyang asarin e ang cute niya. " Hindi naman. Hindi lang ako sanay na hindi mo ako sinusungitan o inaartehan ". Kumalma ang itsura niya, nagkagat labi pa siya na parang nahihiya. " Kuya sorry ah. I love you Kuya..... Your the most handsome Kuya for me.... Bumaba ka na bye!!!! ". Nagmamadali niyang samgbit papalabas ng kuwarto. Nakita ko rin na namula ang mukha niya ng matapos niya akong sabihan ng I love you at yakapin.

Napangiti nalang ako. Kahit naman ganun si Maria, madalas na nag-aasaran kami. Mahal ko siya, sobrang mahal na mahal. Noong mga bata pa kami at buntis palang si Mommy kay Maria palagi kung tinatanong noon kay Mommy at Daddy kung lalabas na ba sa tiyan ni Mommy si Maria. Sobrang excited ako na makita si Maria at makalaro. Kaya nga kahit na may pagkamasungit at maarte si Maria, alam ko naman na mabait,mapagmahal at ubod ng kulit ang kapatid ko na iyon kaya sobra nalang ang pagmamahal ko sa kanya.

Isinuot ko ang damit na itinuro ni Maria kanina matapos kong maligo. Habang nakaharap ako sa salamin napatingin ako sa picture ni Ginoong Fidel, nakasuot siya ng tuxedo na black. Ang disente niya tignan sa suot niya. Ibinalik ko ang tingin ko sa sarili ko. " Talaga palang magkamukha kami! ". Sambit ko. Parang tintignan ko lang ang repleksyon ko sa bawat picture niya. Napukaw naman ang atensyon ko sa isang picture na may nakalagay na " Familia Adricula " Ilang araw na akong natutulog sa kuwarto na ito pero ngayon ko lang napansin ang family picture ng pamilya nila Ginoong Fidel.

Habang pinagmamasdan ko ang family picture nila, pumasok sa isipan ko ang sinabi ng matandang babae na manghuhula kahapon sa akin ng nasa bayan kami nila Ate Sofia at Kuya Brent. " Muling maibabalik ang nakaraan ng lumipas, Ang maliy muling maiitama, Ang masamang panaginip ay mabubura at mabibigyan ng hustisya! ". Hindi ko pa rin maintindihan ang ibig sabihin ng mga sinabi niya. Masyadong matalinhaga. Dapat nga hindi ko iniisip ang bagay na iyon e kaso nacurious ako.

Nanlaki ang mata ko ng may mapansin ako sa family picture. Mas lumapit pa ako dito para mas makita ko, baka kasi mamaya namamalikmata lang pala ako. Ang mga mukha nila!, totoo bang sila ito? Ang mga tao sa panaginip ko?. Pero bakit?. Si Ate Marita, Si Kuya Lorenzo, Kuya pablo, Ate Lydia, at Ate Aurora pati ang mag-asawa. Anung ibig sabihin nito?. Bakit ko sila napanaginipan. Hindi kaya minumulto nila ako?. Pero sa panaginip ko kapatid nila ako. Hindi kaya ako si Ginoong Fidel sa panaginip ko?. Aishhhh malabo naman mangyari iyon!..... Sabagay panaginip nga lang pala ang lahat at malabong maging totoo ito.

Bago ako lumabas ng kuwarto sumilip muna ako sa labas. " Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan! Wala si Dad!!!! Puwede na ako lumabas! ". Pabulong ko lang na pagkakasabi. Inayos ko ang sarili ko saka tuluyang lumabas ng kuwarto. " Bulaga!!!!...... " Sigaw ni Ate Franchesca at Ate Sarah. Napahawak ako sa dibdib puwetan ko sa lakas ng pagkakaupo ko sa sahig dahil sa panggugulat nila.

Pueblo Buenavista, Buenavista Quezon ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon