" Maligayang Pista sa ating lahat na mga mamamayan ng Bayan ng Piris. Muli, nanaman tayong mag sasalo-salo sa isang napakahalagang okasyon, ang kapanganakan ng ating mahal na Bayan. Hindi ko na patatagalin pa ang aking talumpati, hangad ko ang kasayahan ng lahat sa buong araw na ito. Maraming salamat, mabuhay tayong lahat ". Nagpalak pakan ang lahat para sa maikling talumpati ng Gobernador ng Bayan ng Piris na si Don Angelo Perez. Nasa harapan sila ngayon ng simbahan kasama ng asawa at anak niya.
Umaga palang nasa higaan pa ako nang mga oras na maalimpungatan ako dahil kinig na sa mansion ang malakas na putukan ng mga kwitis, galing sa iba't-ibang baryo. Mamayang gabi daw dito sa Plaza Piris nabanggit sakin kanina ni Ate Aurora na mag kakaroon daw ng fireworks display excited na akong mapanuod iyon. Hindi ito ang una na makakapanuod ako ng fireworks display pero ito ang una na dito sa panahon na ito ko mapapanuod ang ganun, kaya hindi ko papalagpasin ang pagkakataon na ito.
" Ginoo!, gusto niyo ba tikman? ". Tanong ni Alfredo sabay abot sakin ng isang piraso ng kulay brown na parang cake. " A-anu ito? ". Nagtataka kong tanong. " Isa itong Bibingka Ginoo, tikman niyo masarap ito! ". Hindi na ako nakatanggi, kumagat ako ng konti para tikman ang pagkain na tinawag ni Alfredo na bibingka. At hindi ko inaasahan ang lasa na nalasahan ko dito. Halos nakadalawang bibingka ako sa sobrang sarap nito. Pamilyar sakin ang tawag at parang may nababasa na ako nito sa cooking book ni Mommy pero never siyang nagluto tsaka hindi ko pa natitikman, ngayon palang.
" Ginoong Fidel maaari ko po bang puntahan si Annaliza? Nais ko lang ibigay ang regalo na ginawa ko para sa kanya, salamat nga po pala sa pagtuturo sa akin! ". Kahapon niya lang din kasi natapos ang ginawa niya na wood sculpture. Pagkauwi namin galing din dito sa Plaza Piris. " Sige ayos lang, pero maaari ba akong sumama, nais ko lang kamustahin si Serina? ". Napansin ko ang mga ngiti niyang mapanloko. Parang hindi ko gusto ang mga ngiti niyang iyon. " Oo naman po Ginoo, hali na kayo baka hindi natin sila maabutan ". Sambit pa niya, sinundan ko lang si Alfredo sa paglalakad, hindi ko kasi alam kung saan niya nakita sila Annaliza.
Pumasok kami sa isa sa mga shop dito sa Plaza Piris. Sa tingin ko ay book store ito, nag tago kami ni Alfredo sa isa sa mga bookshelf dito ng makarinig kami ng pag-iyak ng isang babae, sumilip ako sa nakaawang na mga libro at nakita ko si Binibining Serina na ginagalitan si Annaliza, kung ganun si Annaliza pala ang nagmamay-ari nang umiiyak na boses. " ANU ITONG NABALITAAN KO ANNALIZA? MAG PALIWANAG KA, NAKIKIPAG RELASYON KA SA LALAKING KA-URI MO LAMANG?, hmmm. sabagay pareho naman kayong HAMPAS LUPA kung kaya't bakit nga ba kita pipigilan?. Siguraduhin mo lamang na hindi nito maapektuhan ang paglilingkod mo sa akin! . TUMAHAN KA NGA RIYAN, MAS LALO KA LANG SUMASAMA, Bueno, tara na! ". Nakita ko na tumayo na sila at umiiyak parin si Annaliza. Susundan pa sana sila ni Alfredo papalabas ng tindahan ng pigilan ko siya. May pag-aalala sa mga mata ni Alfredo.
" Alam mong hindi makakabuti kung magpapakita ka! ". Sambit ko, walang nagawa si Alfredo kundi ang manatili na lang, Alam kong alam niya ang ibig kong sabihin sa sinabi ko. Hindi makakabuti kung magpapakita siya kay Annaliza lalo na ginagalitan siya ni Serina at mainit pa ang ulo nito. Lumabas na rin kami nang tindahan ng libro, inakit ko muna siya na maupo sa bench na gawa sa kahoy malapit dito sa simbahan.
" Patawad kung pinigilan kita Alfredo? ". Tahimik lang na nakaupo si Alfredo, kanina pa siya walang kibo, pinag mamasdan lang niya ang hugis puso na meron pangalan ni Annaliza sa gitna na gawa sa kahoy na ginawa pa niya. " Hindi Ginoo, wala kayong kasalanan, hindi mo kailangang humingi ng tawad. Nauunawaan kong hangad niyo lang na huwag akong mapahamak. Labis lang talaga akong nag-aalala para kay Annaliza. Hindi ko gustong mapahamak siya! ". Alam kong labis-labis ang pag-aalala niya para kay Annaliza.
Simula kahapon nag bago ang akala ko sa totoong Binibining Serina. Buong akala ko'y isa siyang mabait at hindi isang matapobreng Binibini ngunit nagkamali ako. Kahapon nakita ko ang totoong ugali niya, nag simula iyon ng pagtaasan niya ng kilay si Alfredo, pero wala naman issue sakin ang tungkol doon kaso hindi ko nagustuhan na kinakailangan niya pang tawaging alalay sa harapan ko si Alfredo, at tungkol sa batang babae napakalaki ng agwat nang edad niya para patulan ito at sa mga salitang binibitawan niya hindi ko na ito nagugustuhan. Ngayon ko lang napansin ang tunay niyang ugali kaya siguro hindi rin siya nagustuhan ni Ginoong Fidel. Ngayon alam ko na ang dahilan.
BINABASA MO ANG
Pueblo Buenavista, Buenavista Quezon ( COMPLETED )
Historical Fiction" PUEBLO BUENAVISTA " ( 18-19 siglo ) Kilalanin si Athan Fidel Adricula ang lalaking mag papaibig sa puso ng mga kababaihan ngayong summer. Subaybayan ang bawat kabanata kung anu ang magiging takbo ng kuwento sa makabagong panahon tungo sa makaluma...