[ KABANATA 11 ]

514 8 0
                                    

" Mag-sipag handa kayo!!!! ". Dalawang araw na ang nakakalipas. Dalawang araw na din akong nakahiga sa kama sa hospital dito sa maynila. Isinugod ako nila Ina dahil hindi bumaba ang lagnat ko. Hindi din ako nakayang pagalingin ni Doctor Roberto marahil ay baguhan palamang siya sa panggagamot. Si Kuya Pablo mismo ang tumingin sa akin pag-dating bamin dito at makalipas ang dalawang araw na pamamalagi ko dito sa hospital ngayon palang ako makakalabas.

Naririnig ko mula dito sa pintuan ng hospital ang mga Guardiang purong mga Kastila na nagmamarcha. " Buenos dias Señorita Garieta ( Good morning ma'am Garieta )". Bati ni Heneral Carlo kay Ina. " Buenos dias Heneral Carlo! ( Good morning General Carlo) ". Yumuko si Ina sa kanya, maging si Heneral Carlo ay yumuko din kay Ina. Napatingin ang Heneral sa may gawi ko. " Kamusta ka naman Ginoong Fidel? Nabalitaan ko ang nangyari sa iyo? ". Tanong niya. " Ayos na po ako Heneral Carlo, salamat! ". Tumango-tango naman siya sa sagot ko.

Bakit parang hindi niya kasama si Kuya Lorenzo. Kahapon lang nandito pa si Kuya Lorenzo dahil dinalaw niya ako. " Hinahanap mo ba si Heneral Lorenzo, Ginoo? ". Tumango ako sa tanong ni Heneral Carlo. Napansin niya pala na hinahanap ko si Kuya Lorenzo. " Inihahanda niya ang inyong masaksakyan papuntang daungan ng barko. Kasama niya ang inyong Ama na si Don Jaime! ". Paliwanag niya. Kaya pala kanina pag-gising ko wala si Ama/ Don Jaime yun pala kasama siya ni Kuya Lorenzo.

Naiwan naman sa mansion sila Ate Lydia at Ate Aurora upang bantayan ang mansion tsaka hindi na din sila pinasama pa ni Ina/ Donya Garieta. Si Ate Marita lang ang isinama ni Ina dahil siya ang mas nakakatanda sa dalawa at mas maaasahan ni Ina si Ate Marita pag-dating sa panggagamot. Habang nasa barko kami ng araw na isinusugod na ako papunta dito sa maynila, dahil hindi ako ganun kasanay sumakay ng pandagat na sasakyan mas lalong sumasama ang pakiramdam ko pero hindi ko puwedeng sabihin sa kanila na nalulula ako at ayaw kong sumakay ng barko. Dahil walang ibang daan papuntang maynila kundi ang sumakay ng barko at maglayag ng dalawang araw sa karagatan.

Bali apat na araw na ang lumilipas at panglima ngayon. Pabalik sa Bayan ng Piris maglalayag nanaman kami at aabutin nanaman ito ng dalawang araw. Mukhang kailangan ko ng sanayin ang sarili ko sa pagsakay ng mga bangka o barko. Dahil nabasa ko sa Diary noon ni Ginoong Fidel na mahilig itong sumakay sa mga bangka o barko. Tuwang-tuwa siya kapag naglalayag sila at sakay sa barko. Ibig sabihin lang sanay siya sa pagsakay sa mga sasakyang pandagat. Kapag nahalata nila na nahihilo ako sa tuwing sasakay sa barko posible din na malaman nila na hindi ako ang totoong Ginoong Fidel.

" Heneral Carlo anu nga pala ang iyong ginagawa dito sa hospital kasama ang ilan sa iyong mga hukbo ng sundalo? ". Tanong ni Ina kay Heneral Carlo. Oo nga kanina ko pa kasi sila naririnig na nagmamarcha dito sa may labas ng hospital. " Dito po kami inatasan ng Gobernador Heneral na magbantay sa Maynila. Upang masiguro ang siguridad laban sa mga pirita! Kumakalat na po ang balita na madaming bayan na sa hilaga ang napapasok nila at pinagnanakawan ito. At kapag lumaban ang mga tao'y kanilang pinapatay ". Seryoso at may halong inis si Heneral Carlo habang sinasabi niya sa amin ang mga nabalitaan niya.

Nabalot naman ng pag-aalala ang mukha ni Ina. Alam kong iniisip niya ngayon si Kuya Lorenzo kung hindi ako nagkakamali. Kung sakaling sumiklab ang labanan hindi malabong itaya nila Kuya Lorenzo ang kanilang mga buhay para lang sa kaligtasan ng nakararami at nang mga pamilya nila. Tsaka ngayon ko lang din nalaman na uso na pala sa panahong ito ang mga pirata o pirates. Akala ko noon sa mga cartoons lang iyon e sa spongebob Haha, mahilig kasi ako manuod ng spongebob. Color green pa nga yung pirate dun e tapos meron pang flying sheep. Teka lumalayo na ako e Haha masyado akong nadadala kay spongebob.

" Mag-iingat kayo ng iyong hukbo Heneral Carlo! ". Hinawakan ni Ina si Heneral Carlo sa braso nito. " Salamat po sa inyong malasakit Donya Garieta. Alam kong labis niyo din inaalala si Heneral Lorenzo. Ngunit huwag kayong mag-alala. Nasisiguro kong hindi lang basta bala ng baril o matatalas na patalim ang makakapatay sa kanya. May sa pusa po si Heneral Lorenzo, siyam po ata ang kanyang buhay ". Pabibiro ni Heneral Carlo kay Ina na nagpangiti naman dito kahit papaano.

Pueblo Buenavista, Buenavista Quezon ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon