[ KABANATA 39 ]

235 8 0
                                    

" Maligayang pasko po Ginoong Fidel! ". Bati sa akin ng mga kasambahay ng makita nila ako dito sa kusina. Nadatnan ko kasi sila Ate Marita, Ina, at Madam Alvira na nagluluto ng specialty ng pamilya namin ang Adobo Ala Adricula at syempre may iba't-iba pang mga putahe, katulad ng pancit bulacan na natutunan pa daw ni Ina sa kaniyang Ina. Mayroon din silang nilutong kalamay, at mga kakanin na tulad ng mahablanca, puto, kutsinta, sapin-sapin, at ginataang mais. Syempre hindi mawawala ang hum, na sila pa mismo ang gumawa gamit sa karne ng baboy.

" Magandang Umaga Ginoong Fidel? at maligayang araw ng pasko? ". Masiglang bati ni Madam Alvira sakin, dahilan para mapatingin din sakin sila Ina. " Maligayang araw ng pasko sayo Fidel! ". Sambit din ni Ate Marita, binati ko naman silang lahat pabalik. Buwan ng Disyembre ngayon, Disyembre 25, 1891 ito ang kaunahang pasko na ang kasama ko ay sila at sila ang makakasama ko upang maipagdiwang ang ganitong okasyon, sa kapanganakan ni Jesus Christ.

At ito din ang kaunahang pasko na hindi ko makakasama sila Mommy, Daddy, Ate Luara, Ate Franchesca, at Maria na ipagdiwang ang pasko at bagong taon. Malungkot pero mayroon din saya dahil ang mga tao pa din na mahahalaga sakin ang makakasama ko and I will cherish this moment na kasama ko din sila. It will be the most unforgettable experience na dumating sa buhay ko. Ang bumalik ako sa panahon ng mga ninuno namin, at maranasan kung anu ba ang buhay noon kumapara ngayon para maturuan din ako sa madaming bagay.

Nasilayan ko namang pumapasok dito sa kusina si Ama at bihis na bihis siya ngayon. Pati din sila Ate Lydia, at Ate Aurora. Sumunod naman sumulpot sila Kuya Lorenzo at Kuya Pablo na bihis na bihis din. Mukhang may mga lakad sila ngayon?. " Pinaalam ka na sakin ng mga kapatid mo kanina, maaari kang sumama sa kanila upang dumalo sa misa mamayang gabi basta kasama niyo kami! ". Tugon ni Ama papaupo na sana siya ng upuan dahil magaalmusal na din kasi kami ng napatigil siya dahil tinawag ko siya. " A-ama ". Napalingon naman siya, bakas sa mga mata niya ang labis na kasiyahan dahil kompleto kami ngayon. " Ano iyon? ". Tanong niya.

Napahakbang ako papalapit sa kaniya at napalingon sa paligid kasi nakatingin na din sila samin. " Nais ko lang po ulit magpasalamat at gusto ko lang din po kayong batiin ng Maligayang araw ng pasko! ". Nakangiti ko sa kaniyang sambit, napangiti din siya sa sinabi ko at sinenyasan ako na lumapit pa sa kaniya, kasabay ng paglapit ko niyakap niya ako pero saglit lang. " Maligayang araw din sayo ng pasko anak, at ganun din sa inyong lahat. O siyah, mag simula na tayong mag-agahan ". Suhestiyon niya pa at lahat kami sumang-ayon.

Naupo na din kami pagkaupo ni Ama. Inihanda ni Ginang Ursulina at Criselda ang mga pagkain sa hapagkainan. Itsura palang ng mga ito nakakagutom na kaya nagsimula na kaming kumain ng almusal.

Kinagabihan, nakatanggap ako ng sulat mula kay Julian. Nagpadala kasi ako kanina lamang din umaga, pinaalam ko kasi sa kaniya na magtutungo kami ngayong gabi sa Plaza Piris upang sumimba sa simbahan ng San Lorenzo dito sa Bayan ng Piris. Mabuti na lang at pupunta din sila. " Kakaiba ang mga sinasabi ng inyong ngiti Ginoo? ". Inihanda niya kasi ang isang napakagandang pan prinsipe na kasuotan na may touch ng kulay dark blue at gold ang mga desenyo nito sa damit, ito kasi ang isusuot ko ngayon sa pag-simba.

" Hulaan ko po, magtutungo din ang pamilya Cayabat sa Plaza Piris ngayon gabi? ". Tanong niya. Ngiti na lang ang naisagot ko at mukha naman naintindihan na niya, bigla na lang din siyang napangiti at may kasamang pag-iling pa.

" Talaga ngang nahulog na kayo sa Binibini, Ginoo. Kung sabagay po pareho kayong suwerte sa isa't-isa. Maraming babae ang nangangarap na mapangasawa ang isang Ginoong Fidel Adricula, gayon din kay Binibining Consorcia Cayabat, saan pa po ba kayo makakakita ng babaeng mabait, magalang, mayumi, matalino, mayaman, at ubod ng gandang babae na tulad ni Binibining Consorcia..... Kaya kung ako sayo Ginoo wag mo na pong sayangin ang babaeng tulad niya. Mahirap makahanap ng babaeng higit sa kaniya ". Sambit ni Alfredo sakin. Mukhang hinangaan din niya si Consorcia kasi kinikilig siya habang sinasabi niya sakin yung mga salitang iyon.

Pueblo Buenavista, Buenavista Quezon ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon