[ KABANATA 23 ]

251 7 0
                                    

September 1 1891 ang araw ngayon, kung saan ito rin dapat ang araw na ikakasal ako kay Binibining Serina. Matapos naming mag-usap ni Serina, iyon na rin ang huli ko siyang nakita. Umalis kasi siya papuntang Maynila kasama nang kaniyang Kuya Paulito. Kaya pati si Annaliza kasama, kaya ito si Alfredo nalulungkot pero dahil nagpapadala naman nang sulat si Annaliza kahit papaano naiibsan naman ang lungkot niya.

Nasa Maynila na ulit sila Madam Alvira at Ate Marita. Si Kuya Lorenzo naman ipinadala nang Gobernador Heneral sa Espanya kasama si Heneral Carlo upang doon simulan ang misyon nila na pag kuha nang mga Armas kay Heneral Bacilio na magagamit nila laban sa mga Pirata/ Moro. Si Kuya Pablo nadistino muna dito, kaya nandito pa rin siya. Si Ate Lydia medyo lumalaki na rin ang tiyan pero mabuti nalang may naiipalusot pa rin kami sa kanila kapag nagtataka sila kung bakit ang arti ni Ate Lydia minsan sa mga pagkain o di kaya sa isusuot niyang damit. Maging ang mga amoy nang mga pabango namimili rin siya. At madalas siyang nagpapakuha samin ni Alfredo nang mangga, na hilaw na sinasawsaw niya sa bagoong.

Alam na ni Alfredo ang sitwasyon ni Ate Lydia dahil alam rin naman niya na merong relasyon ang dalawa ni Heneral Carlo. Tsaka kinausap rin siya ni Ate Lydia na kung maaari kami lang tatlo ang nakakaalam nang totoo niyang kalagayan ngayon. Nag-aalala nga ako e, papalapit na ng papalapit ang kabuwanan niya at natatakot ako na baka wala si Heneral Carlo nang mga oras na iyon. Tsaka hindi pa alam nila Ama at Ina at nang iba pa naming mga kapatid ang tungkol kay Ate Lydia. At sana nga pag nalaman nila walang gulong mangyari. Sana matanggap nila kung anu man ang malalaman nila.

At tungkol sa panaginip ko, hindi ko na muna inungkat kay Madam Alvira. Dahil nitong nakaraang buwan ng August madalas na busy si Madam Alvira sa kumbento at  tsaka sinabi niya sakin na huwag basta-basta palilinlang sa kung anu man ang mga nakikita ko. Pala-isipan sakin pero naiintindihan ko naman. Napapadalas din ang pag bisita namin sa tahanan ng mga Cayabat upang dalawin si Binibining Consorcia. Mamaya ngang gabi'y balak namin siyang haranahin ni Alfredo at Kuya Pablo. Ewan ko ba, pinilit kasi ako nila Kuya, pero okay lang naman sakin. Mabait naman si Consorcia, madali kaming nag kasundo at aaminin ko ang laki nang pagkakaiba niya kay Binibining Serina.

Gustong-gusto ko sa tuwing napapangiti ko siya. Madalas ko rin siyang dalahan nang kulay rosas na bulaklak dahil nalaman ko kay Julain na iyon ang paborito niyang bulaklak. Nagtatanong din ako kay Julian nang mga bagay-bagay na ayaw ni Consorcia dahil kilala niya ito dahil magkakambal silang dalawa. At isa na roon ay ang mga taong walang isang salita, ayaw din niya nang puro lang dada, gusto niya palagi may gawa. Si Julian at Felipe din ang nagsusulsol sakin palagi na ipasyal ko si Binibining Consorcia hanggang sa makasanayan ko na.

Kahit walang pangsusulsol nila, nagkukusa akong akitin si Alfredo na magtungo sa tahanan ng mga Cayabat para dalawin at hiramin si Binibining Consorcia kina Heneral Valencio at Donya Sonora. " Fidel, nagpadala nang sulat si Consorcia para sa iyo dali basahin mo? ". Excited na sambit ni Ate Lydia, inalalayan ko siyang maglakad medyo nahihirapan na rin kasi siya e. " Maupo ka muna Ate Lydia, ". Utos ko maya-maya pa nang buksan ko na ang sulat naramdaman kong may mga ulong nakadungaw at tama ako, si Ina, Ate Aurora, at Ginang Ursulina, sinisilip nila iyong sulat sakin ni Binibining Consorcia.

FIDEL

       Fidel! Salamat sa bulaklak na iyong ipinadala, ang bango ng mga ito at hindi nakakasawang amoy-amoyin. Paumanhin kung dito ko na nasabi. Sa tuwing nandito ka kasi nawawala na aking lakas nang loob na harapin ka, nahihiya na ako. Aaminin ko, gusto kong humilig sa bisig nang lalaking kayang ipakita at patunayan ang tapat na pag-ibig niya para sa babaeng napupusuan niya. Batid ko na ikaw na ang lalaking iyon.

                 Nagmamahal CONSORCIA

" Gusto kong humilig sa bisig nang lalaking kayang ipakita at patunayan ang tapat na pag-ibig niya para sa babaeng napupusuan niya ". Pang-aasar ni Ate Aurora, nagtatawanan na sila ngayon habang tumpulan ako nang tukso. Ang sama nila sakin. Palagi silang ganito kaya kapag gumagawa ako nang sulat palaging nasa kuwarto ko lang ako. " Mukhang na pag-ibig na nang Ginoo ang Binibini ". Dagdag pa ni Ginang Usrulina habang kinikilig. " Kamusta na iyong inihandang kanta para kay Consorcia, anak? ". Tanong ni Ina. Alam din kasi nilang haharanahin ko si Binibining Consorcia mamaya. " Ayos na po Ina, ". Matipid kong sagot.

Pueblo Buenavista, Buenavista Quezon ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon