Hindi ako pinatulog ng isipan ko kakaisip sa nakita ko kagabi. Dahil hindi ko rin makalimutan kung anu ang mga narinig at nakita ko sa pag-uusap ni Ate Lydia at Ginoong Agapito. Malapit sa pamilya namin ang mga Baustista lalo na si Heneral Carlo dahil kababata at kaibigan niya si Kuya Lorenzo at Ate Lydia. Pero bukod dun may nararamdaman akong kakaiba pa sa ugnayan ni Ate Lydia at Heneral Carlo. Normal lang ang pag papalitan ng sulat ng dalawang tao pero bakit gabing-gabi na ng ibigay ni Ginoong Agapito ang sulat kay Ate Lydia tapos sila lang dalawa ang nasa likuran ng mansion para magpalitan ng sulat na halatang patago dahil tulog na ang mga tao sa mansion ng mga oras na iyon maliban sa mga Guardia Civil at Personel at sakin na nakita ko pa ang nangyaring pag-uusap nilang dalawa.
Meron din kakaiba sa mga ngiti ni Ate Lydia ng ibigay na sa kanya ang sulat na ipinabibigay ni Heneral Carlo. Pinag isipan ko talaga ito ng mabuti magdamag. Hindi naman sa naghihinala ako pero parang ganun na nga hehe. Pakiramdam ko kasi na may something sa dalawa ni Ate Lydia at Heneral Carlo. ( Anu ba naman ito nandito nanaman ako sa tamang hinala ko, mamaya nagkakamali lang pala ako ng akala ko! ). E paano naman kasi kung walang namamagitan sa dalawa ni Heneral Carlo at Ate Lydia bakit kailangan pang lihim na magkita sila ni Ginoong Agapito sa likuran ng mansion, para lang magpalitan ng sulat. Bukod dun mukhang sinadya ni Ate Lydia na intayin munang makatulog ang lahat ng tao sa mansion para makalabas at makipag kita siya kay Ginoong Agapito ng walang nakaka-alam. Miske ang mga Guardia Civil at Personel at wala man lang kamalay-malay sa paglabas ni Ate Lydia sa mansion.
Nakahawak ako sa baba ko habang iniisip ang lahat ng sinabi ko. Wow! Hehe parang naaaddapted ko na talaga ang instict ni Ginoong Fidel sa pagiging matalino niya hehe. Nagiging matanong na rin kasi ako at maungkat sa mga bagay, hehe siguro puwede na ako mag law. Tutal naman mag kacollege na ako sa pasukan kaya siguro dapat mag law nalang ako feel ko na babagay sakin ang course na iyon. It suit my personality hehe.
" Ginoong Fidel gising na po pala kayo! ". Gulat at hindi inaasahang sambit ni Alfredo pagka bukas niya sa pintuan ng kuwarto. Tinignan ko naman siya saglit at parang may napansin akong kakaiba sa kanya ngayon. Bukod sa pananamit ang blooming din niya tignan. Diba iyan ang sinasabi ng mga babae kapag maaliwalas o refreshing ang itsura ng mga babae. Sinasabi pa nga nila inlove ito kaya blooming e. Kaya sa tingin ko inlove si Alfredo ngayon. Pero kanino naman kaya? Hehe ito nanaman ako sa paghihinala, lahat nalang ata pag hihinalaan ko, wala na akong magawa sa buhay.
" B-bakit po Ginoo, m-may dumi po ba ako sa mukha? ". Nabubulol niyang tanong. Napayuko ako at hinawakan siya sa left shoulder niya saka tinignan siya mula ulo hanggang paa tsaka diretso sa mga mata niya. Hindi naman siya makatingin ng diretso sakin. Hindi naman siguro bakla si Aflredo diba? hehe. Pakurap-kurap pa siya ng mata habang nagtataka kung bakit ko siya tinignan mula ulo hanggang paa. Ngumiti ako sa kanya ng konti at saka naupo ulit sa may gilid ng kama.
" Wala naman. Anu nga palang ginagawa mo dito? ". Pag iiba ko sa usapan. Mas gusto kong mahuli sa akto niya si Alfredo. Pakiramdam ko kasi talaga tama ang hinala ko na inlove siya. Hindi ko lang alam kung kanino. Ang pormal niya tignan ngayon at hindi mo aakalain na isa siyang tagapag silbi dito sa mansion. " Ah gigisingin ko po dapat kayo ngunit hindi na po pala kailangan dahil gising na kayo! ". Napatango-tango naman ako. Meron naman akong naisip bigla. Tutal matagal ng naninilbihan ang pamilya ni Alfredo sa Familia Adricula baka meron siyang nalalaman tungkol kina Ate Lydia at Heneral Carlo, sa totoong ugnayan ng dalawa. " Alfredo maaari ba akong mag tanong? ". Malay ko meron din pala siyang napapansin sa dalawa lalo na madalas na nandito si Heneral Carlo dahil kaibigan niya si Kuya Lorenzo.
" A-anu po iyon Ginoong Fidel? ". Bakit parang natetense siya. Mas lalo tuloy lumalakas ang tamang hinala ko sa kanya. " Anu bang namamagitan sa dalawa ni Ate Lydia at Heneral Carlo? ". Iyon nalang naisipan kong itanong kahit alam ko na kung anu ang isasagot sakin ni Alfredo. Malay ko may idagdag siyang information hehe edi magkaka clue na ako. Parang nag iimbestiga ako ng isang kaso ngayon dahil sa ginagawa ko. " Sa pagkaka alam ko po Ginoo, mag kaibigan lang po ang dalawa! ". Parang hindi ako satisfied sa sagot niya sakin.
BINABASA MO ANG
Pueblo Buenavista, Buenavista Quezon ( COMPLETED )
Historical Fiction" PUEBLO BUENAVISTA " ( 18-19 siglo ) Kilalanin si Athan Fidel Adricula ang lalaking mag papaibig sa puso ng mga kababaihan ngayong summer. Subaybayan ang bawat kabanata kung anu ang magiging takbo ng kuwento sa makabagong panahon tungo sa makaluma...