" Ayos ka lang ba Vicente?, huwag kang kabahan si Fidel ang bahala sa iyo! ". Pagchecheer-up nila Kuya Pablo kay Heneral Vicente. Matapos ko kasing haranahin si Binibining Consorcia, nagpatulong na rin sakin si Heneral Vicente kung paano niya haharanahin si Ate Lydia. Pumayag na rin ako kahit iniisip ko na parang niloloko ko lang si Heneral Vicente dahil alam ko naman ang totoo na wala na siyang pag-asa pa kay Ate Lydia. Nakikita ko kasi na pursigido siya sa gusto niyang gawin, nakikita ko rin na sobra niyang mahal si Ate Lydia. Siguro kung ako lang si Ate Lydia pipiliin ko na si Heneral Vicente.
Kung sabagay hindi nadidiktahan ang puso, pero sa panahon na puwede hanggat kayang sumuway para sa pag-ibig nagagawa nila at sumusugal. Mabait din naman si Heneral Carlo at tsaka sa tingin ko hindi naman siya mamahalin ni Ate Lydia nang sobra-sobra kung hindi maganda ang hangarin nito sa kanya. Haaaaays ako ang nahihirapan para sa kanila e. " Ganito Heneral Vicente, huminga ka nang malalim at ikalma ang iyong sarili, pagkalma ka na saka mo imulat ang iyong mga mata! ". Hehe iba talaga kapag galing ka sa ibang panahon, feeling ko ang tali-talino ko dito sa panahon ng mga ninuno ko.
Sinunod naman niya ako. " Handa na ako! Simulan na natin! ". Nandito na kami sa ibaba nang tapat ng kuwarto ni Ate Lydia. Madilim na kaya merong dala-dalang lampara si Julian, Felipe, at Alfredo. Kami naman ni Kuya Pablo ang tagatugtog nang Gitara at Yukalele, at si Heneral Vicente syempre siya ang nanghaharana ang vocalist. Puwede na nga kami mag tayo nang banda e. Nang magsimula nang kumanta si Heneral Vicente, Isang minuto bago bumukas ang bintana niya. Siguro dahil nahirapan siyang tumayo.
Pagbukas ng bintana nasilayan namin ang kagandahang taglay ni Ate Lydia. Nakalugay lang ang kaniyang buhok at mukhang handa narin siya sa pag tulog. Maya-maya pay tumabi na sa kanya si Ate Aurora, at Ina. Maging si Ama ay napapunta na rin sa silid ni Ate Lydia. Sa ibaba naman nang kuwarto ni Ate Lydia dito sa labas, nanunuod na ang ilan sa mga kasambahay namin. Pati sila Criselda, Ginang Ursulina, at Manong Dado. Kinikilig pa nga sila sa panghaharana ni Heneral Vicente.
Matapos ang kanta, pinapasok na kaagad kami ni Ama sa loob nang mansion dahil masirino na daw. Bumababa na ang mga ulap kaya malamig na sa labas. Kaagad na inasikaso ni Ina si Heneral Vicente. Kami naman lahat nag tungo muna sa balkunahe ang iba sa may kusina, ipinag utos iyon ni Ama para mabigyan ng oras ang dalawa ni Ate Lydia at Heneral Vicente na makapag-usap. Nakikita ko naman kay Ate Lydia na sinusubukan niyang ientertain si Heneral Vicente.
Pinabayaan muna namin silang dalawa na mag-usap. " Nakakatuwa sila hindi ba Fidel at Aurora? ".Giit ni Ama samin, pero paglingon ni Ama sa likuran namin wala si Ate Aurora. " Nasaan ang iyong Ate Aurora? ". Tanong pa ni Ama, nag kibit balikat lang ako sa kanya dahil wala rin akong ideya kung nasaan si Ate Aurora. Kanina lang ay katabi ko pa siya dito sa gilid habang pinapanuod namin sila Ate Lydia at Heneral Vicente na mag-usap?.
Maya-maya lang meron akong naririnig na hikbi nang isang babae. Sinundan ko kung saan ko naririnig ang tunog nang umiiyak, dumungaw ako sa gawing kaliwa nang balkunahe at mula dito sa kinatatayuan ko meron akong nakita na anino lang nang tao na nakaupo sa isang putol na kahoy, daan papunta sa Ilog Piris. Nasa may parting palikuran kasi itong balkunahe kaya kita mo na dito ang likuran nang mansion. Nag paalam muna ako kay Ama na hahanapin ko lang si Ate Aurora at pumayag naman siya. Kahit ang totoo mukhang alam ko kung nasaan siya.
" Hindi mo naman kailangang lumayo para umiyak mag-isa Ate Aurora? ". Napatunghay siya sa gulat sakin. Hindi niya siguro inaasahan na malalaman ko na nandito siya. Ang hindi niya alam narinig ko ang paghikbi niya. Pero bakit nga ba siya umiiyak. " Anung ginagawa mo dito Fidel? Paano mo nalamang nandito ako, may kasama ka ba? ". Kinakabahan niyang tanong. Umiling lang ako bilang sagot. Mukhang sinadya niyang umalis nang hindi nag-papaalam at ngayon mukhang alam ko na kung kanino ako nagmana kapag umaalis nang walang paalam. Pasalamat nalang siya ako ang nakakita sa kanya, kung sila Ama ito at Ina baka nagalitan na siya dahil sa pag-aalala. " Bakit nandito ka Ate?, at bakit umiiyak ka? ". Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Pueblo Buenavista, Buenavista Quezon ( COMPLETED )
Historical Fiction" PUEBLO BUENAVISTA " ( 18-19 siglo ) Kilalanin si Athan Fidel Adricula ang lalaking mag papaibig sa puso ng mga kababaihan ngayong summer. Subaybayan ang bawat kabanata kung anu ang magiging takbo ng kuwento sa makabagong panahon tungo sa makaluma...