" Anung ginagawa natin dito Fidel? ". Tanong ni Julian at Felipe, hingal na hingal sila dahil kanina pa kami naglalakad na apat. Kasama din kasi namin si Alfredo, sinabi ko nga na baka mabenat siya at baka bumalik ulit ang lagnat niya kapag napagod siya pero hindi ko na din siya napigilan pa. Pumayag na din ako na sumama siya. " Nandito na tayo! ". Sambit ko. Sinama ko kasi sila upang bumalik kung saan ko nakita ang mga Moro. Nakuwento ko na din ang tungkol doon kina Julian, Felipe, at Alfredo.
Umaasa kasi ako na makakahanap pa ako ng karagdagang impormasyon upang makatulong kay Kuya Lorenzo. At tsaka way ko na din ito para matulungan ang sarili ko na mahanap ang bumabalak na pumatay sakin, mahirap pero alam kong makikilala ko din siya. " Ibig sabihin dito ka nagtago, mabuti na lang talaga ligtas ka Fidel! ". Sambit ni Julian. " Sandali lamang, anu ito? ". Tanong ni Felipe, pagkatapos ay mayroon siyang inabot sa amin na kulay ginto na parang isang medalya. " Patingin nga ako! ". Sambit naman ni Julian. " Anu sa tingin mo Fidel, para siyang isang medalya hindi ba? ". Tanong niya.
Kinuha ko mula sa kamay ni Julian ang gintong medalya, na napulot namin sa may daanan. " Parang pamilyar! ". Bulong ko sa isipan ko, Inisip kong mabuti kung saan ko nga nakita ang ganitong klaseng medalya na hugis bilog at nang maalala ko kaagad kong nasambit sa kanila ang mga ito. " Isa itong medalya, nakita ko na ito sa uniporme ni Kuya Lorenzo sa may bandang leeg niya! ". Sambit ko pa.
" Oo nga, may ganiyan din si Kuya Vicente at Ama. Sa pagkakaalam ko mga Heneral ang meyroon nito! ". Dagdag pa ni Julian. Ibig sabihin tama nga ako ng narinig ko na mayroon silang Heneral na napatay at pinugutan pa nila ito ng ulo, narinig ko din na isa daw itong tisoy. " B-bumalik na tayo! ". Suhestiyon ko, bigla kasi akong kinabahan sa lugar na ito.
Sumang-ayon naman sila kaya agaran kaming bumalik sa hacienda, simula ng mangyari iyong nangyari sakin kagabi hindi na ulit ako pinapayagan ni Ama na magtungo mag-isa sa kung saan man ang lakad ko. Ayaw na kasi niya maulit pa iyon. Hindi na din nagtagal pa sila Julian at Felipe sa mansion, nagpaalam na din sila dahil may pupuntahan pa daw si Felipe at si Julian naman kailangan ni Donya Sonora, kasunduan nila ang pagbalik niya ng maaga.
Dahil wala akong magawa ngayon nagbabasa na lang muna ako ng libro. Ito ang Noli Me Tangere na nakatabi sa opisina ni Ama, Binigyan niya kasi ako ng permiso na puwede akong humiram sa kaniya ng mga libro kung nanaisin ko daw at naisipan kong hiramin ito, tutal naman noon grade 10 hindi ko binasa ito ng buo kahit mayroon nitong libro sa room. Tsaka ito din ang buong lesson namin sa first quarter, tungkol sa libro na isinulat ni Dr. Jose Rizal.
Kinahapunan hindi ko inaasahan ang bisita na dumating ni Ama. Halos manlaki ang mga mata ko sa gulat ng makita ko siya pababa palang ako ng hagdanan. Nakatulog kasi ako sa kuwarto ng matapos kong basahin ang libro na Noli Me Tangere, at kagigising ko lamang nagyon. Pero mukhang tapos na silang mag-usap ni Ama, isinuot na niya kasing muli ang kaniyang saklob sa ulo. " Paano kumpadre, sa isang linggo sa aming tahanan, aasahan ko iyon! ". Sambit ni Kapitan Policarpio at bago siya umalis ay nahuli kong tumingin siya sakin at ngumiti.
"Oh Fidel gising ka na pala, sayang naman nakaalis na si Kapitan Policarpio. Kinakamusta ka niya sa akin! ". Sambit pa ni Ama, pero hindi ko panansin ang sinabi niya. " Nakabalik na po pala sila galing maynila? Kailan pa po Ama? ". Tanong ko, " Nito lamang huwebes ng hapon! ". Nakabalik na pala sila?. Mukhang ayos na sila ngayon, alam ko naman na hindi lang sila umalis upang magbaksyon. Umalis din sila upang maiwas sa usap-usapan dahil sa naudlot na kasal namin ni Binibining Serina at naiintindihan ko iyon.
Pero mukhang okay na talaga ang lahat ngayon dahil nakita ko iyon sa mga ngiti sakin ni Kapitan Policarpio. " Nagpadala ng sulat ang Binibining Consorcia para sa iyo. Pinakisuyo niya iyan sa akin kanina sa simbahan! ". Salubong ni Madam Alvira sakin dito sa kusina,wala kasi sila ni Ate Marita kanina noon umalis ako.Kasama sila Alfredo, Felipe, at Julian.
Bago sila umalis pinasamahan sila ng sampong Guardia Personel ni Ama para daw masiguro ang kaligtasan nila. Kinuha ko naman ang sulat at napapangiti na lang ako mag-isa habang binabasa ko ito. " Naku Fidel, ganiyan din ako noon sa iyong Ina! ". Nagmadali akong isara ang sulat ng biglang sumulpot si Ama sa tabi ko dito sa balkunahe ng mansion.
" Maaari ba akong tumabi? ". Tano pa niya. Tumango naman ako bilang sagot. Sandali lang, parang simula ng dumating ako dito sa panahon na ito hindi ko pa nalalaman o naririnig man lang ang kuwento ng pag-iibigan nila Don Jaime at Donya Garieta.
" Kung iyong maitatanong kasing lapad ng kawali ang aking mga ngiti sa tuwing magpapadala ako ng sulat noon sa iyong Ina, puno iyon ng mga pang-aasar ko sa kaniya. Nakakatuwa kasi kapag naasar siya sa akin. Kahit na medyo may kasungitan ang inyong Ina noon, nabihag pa din niya ang aking puso at ako sa kaniya'y nahulog at kayo ang bunga ng aming pag-iibigan! ". Nakangiting pagkukuwento ni Ama, parang bigla naman akong nacurious pa sa kuwento nila.
Kaya buong maghapon hanggang sa maggabi na, nagpakuwento ako kay Ama ng tungkol sa kung paano sila nagkakilala ni Ina at Kung paano sila nagkagustuhan.
Habang nagkukuwento nga si Ama parang sinasariwa pa niya ulit ang mga araw na bago palang sila na nagkakainloveban ni Ina e.
BINABASA MO ANG
Pueblo Buenavista, Buenavista Quezon ( COMPLETED )
Ficción histórica" PUEBLO BUENAVISTA " ( 18-19 siglo ) Kilalanin si Athan Fidel Adricula ang lalaking mag papaibig sa puso ng mga kababaihan ngayong summer. Subaybayan ang bawat kabanata kung anu ang magiging takbo ng kuwento sa makabagong panahon tungo sa makaluma...