Kinabukasan maaga akong nagising hindi ko alam kung bakit basta bumaba na ako sa may sala. Naabutan ko si Daddy na nagkakapi. Nakatingin lang siya sa picture ni Ginoong Fidel habang nakatayo at umiinom ng kape niya. " Good morning Dad! ". Bati ko sa kanya para mabaling sakin ang atensyon niya. Ibinaba niya ang kape na iniinom niya sa table malapit sa likuran niya. Sinenyasan niya ako na lumapit sa kanya.
Sumunod agad ako. Lumapit ako kay Daddy, pareho na kaming nakatingin ngayon sa picture. Sa picture ni Ginoong Fidel nakangiti siya na parang hindi nangyari ang masalimuot na nakaraan sa pagkamatay niya at sa babaeng mahal niya. " Alam mo ba noong bata palang kami ng tita Arlyn at tito Andy mo madalas saming maikuwento ni Daddy ng lolo mo ang tungkol sa mga ninuno natin. Lalong-lalo na ang kuwento sa pamilya natin, kung anu ang nangyari sa kanila, pati na rin ang history ng bayan ng buenavista na noon ay piris pa......Baby ka palang akala ko talaga kamukha ka ng Mommy mo pero habang tumatagal nakakahawig na kita. Ang lola mo ang nagsabi na Fidel ang ipangalan namin sa iyo. At ang lolo mo naman ang nagsabi na Athan. Gusto nilang isunod ang pangalan mo sa pangalan ko at ni Ginoong Fidel. Kaya ngayon hindi ko akalaing magiging kamukha mo siya. Hindi lang basta kamukha Fidel sobrang magkahawig kayong dalawa ". Inintay ko na matapos si Daddy sa sinasabi niya.
" Honestly po Dad, nagulat na lang din po ako ". Paliwanag ko. Tinapik niya ang balikat ko hindi niya inalis ang mga tingin niya sa picture ni Ginoong Fidel. " May be there was a reason kung bakit parehong-pareho kayo. Alam kong hindi lang ito nagkataon. Siguro may mabigat na dahilan! ". Ngumiti ng konti si Daddy, hinawakan niya ako sa ulo ko saka ginulo ang buhok ko na para niya akong aso. " Mukha po ba akong aso Dad? ". Pagbibiro ko sa kanya. Natawa siya kami pareho.
" Nag-kape ka na ba? ". Umiling lang ako. Sinamahan niya ako papunta sa dining area. Kung saan nandito pala silang lahat. " Good morning Kuya! ". Bati ni Maria sakin habang nakaupo sa may mesa katabi niya si George at Clarisse. Nagcocoffee sila at kumakain ng home made cookies ni lola.
Matapos ang masayang almusalan nagtungo kaming lahat sa labas ng bahay. Inilabas kasi nila Daddy ang lamesa na mahaba. Ang ilan ay hiram nila sa kaptibahay. Pinaghahandaan na kasi namin ang papalapit na fiesta at selebrasyon na rin ng pamilya Adricula ng Family Reunion nila. Nakakasiguro akong magiging masaya ang araw na iyon. Lalo na darating ang mga kapatid ni lolo at iba nilang kamag-anak.
Nabanggit rin nila lolo na merong mga party games na kasama sa program, puwede daw kaming sumali duon lahat. Pinaghahanda rin kami nila Mommy at Daddy ng isang intermission number. Pinapakanta nila kami ni Ate Franchesca, Siya ang vocalist at ako ang maggigitara kaso dahil mas gusto niya daw na tumuhtog kesa kumanta siya nalang daw ang maggigitara saming dalawa at ako na lang ang kakanta. Hindi na ako nakipagtalo, okay lang naman sakin para tapos na rin ang usapan.
Nang matapos sa pag-aayos at pag-hahanda ang lahat. Habang nagpapahinga kami sa labas ay biglang nagsalita si Ate Sofia. " Lola, can you tell us a story po? ". Tinignan namin siya na mukhang interesado talagang magkuwento si lola. " Anung kuwento ba ang nais niyong malaman? ". Napangiti si Ate Sofia. " Gusto ko po malaman ang kuwento ng Bayan ng Buenavista! ". Suggestion niya, napahawak ako sa ulo. Mukhang mahabang usapan nanaman ang mangyayari.
" Kung iyan ang gusto mo opo! ". Napapalakpak sa tuwa sila Maria, George, at Clarisse na sa palagay koy pabor sa suggestion ni Ate Sofia. Nakita ko nading lumapit sila Frank at Faith sa kanila, maging si Ate Franchesca, Kuya Brent at Ate Laura ay nandun na rin. " Fidel tara makinig tayo sa ikukuwento ni lola! ". Hindi na ako nakapagsalita at nakatanggi pa dahil hinigit na ako ni Ate Sarah papalapit kina lola. Isa-isa kaming naupo sa mga bangko dun.
Halos lahat sila ay nagaabang na magsimula na si lola. Parang ako lang ata dito iyong may ayaw na makinig. Kesa masabihan na kj ( kill joy ) ako mabuti pang mag stay na lang ako kasama sila. Huwag lang sana ako antukin sa pagkukuwento ni lola. Nakakahiya naman at baka maooffend ko si lola dahil dun. Tumahimik na ang lahat. Senyas na iyon na magsisimula na si lola sa pagkukuwento niya. Nasa tabi ni lola sa bandang kaliwa niya at nakasandala ang pisnge ko sa kamay ko para maging kanlungan ko.
BINABASA MO ANG
Pueblo Buenavista, Buenavista Quezon ( COMPLETED )
Historical Fiction" PUEBLO BUENAVISTA " ( 18-19 siglo ) Kilalanin si Athan Fidel Adricula ang lalaking mag papaibig sa puso ng mga kababaihan ngayong summer. Subaybayan ang bawat kabanata kung anu ang magiging takbo ng kuwento sa makabagong panahon tungo sa makaluma...