[ KABANATA 9 ]

522 12 0
                                    

Kinabukasan ay maagap akong nagising sa mabangong amoy na nanggagaling mula sa kusina ng mansion.

Bagong gising, gulo ang buhok at nakapantulog pa akong tinunton ang daan patungo sa pinanggagalingan ng mabangong aroma.

Duo'y naabutan ko nga si Ina kasama si Ate Marita at Ate Lydia. Nagluluto sila katulong ang ilan sa mga kasambahay.

"Magandang Umaga po Ginoong Fidel!" bati nang mga kasambahay nang mapansin ang prisensya ko.

Yumuko din sila bilang pagbibigay galang sakin pagkalapit ko sa kanilang direksyon.
 

"Magandang Umaga munting Ginoo!" bati din ni Ina habang naghahalo at hindi lumilingon.

Talagang nakahahalina ang amoy nang niluluto nila. Wari bang isang mahika na hinuhuli ka't ikinikulong sa halimuyak nitong taglay.

"Magandang umaga din po Ina." tugon ko  kasabay nang pagbungisngis ni Ate Marita sa tabi ni Ate Lydia.

Ipinukaw ko ang atensyon sa kaniya dala nang pagtataka. Nang mag tama ang mga mata namin ay muli siyang natawa sa diko malaman dahilan.

Puno nang pagtataka ang ekspresyon ko at mukha naman nahalata niya na wala akong ideya sa ikinikilos niya.

"Hahaha paumanhin... ngunit tila napasarap ang iyong tulog kapatid ko. May gatas ka pa sa iyong labi."

paliwanag niya upang matawa rin ang mga kasama namin dito. To be honest, she's not just Maria's look a like. Same din sila nang ugali. Parehong malakas mang -asar at makulit. But then they also both sweet and kind...

Kinapa ko ang tinutukoy niya saka nagmamadaling bumalik sa silid ko para makapaghilamos, linis ng katawan at palit ng damit.

Suot ang isang disenteng damit na tila kasuotan nang isang prinsipe, pinagmasdan ko ang repleksyon ng sarili sa salamin.

Bahagya akong napatitig nang madepina ko nga ang pagkakapareho kay Ginoong Fidel. Sakin likuran ay naroon ang obra maestro na larawan ng Ginoo suot ang kaparehong damit ko ngayon.

Tunay na para kaming pinag-biyak na bunga. Hindi kapani-paniwala na posible pala ang ganitong pinomena. Ang carbon copy.

"Ginoo, nagustuhan niyo po ba ang napili kong damit para sa iyo?" kuwestiyon sakin ni Ginang Ursulina upang matauhan ako.

Tumango ako "Napakagaling mo po pumili Ginang Ursulina. Labis ko po itong nagustuhan, salamat po!" papuri ko't pasasalamat.

Si Ginang Ursulina kasi ang naatasan ni Ina ngayon mag handa ng isusuot ko para sa araw na ito. She is the mayordoma of the mansion, ang tagapamahala sa iba pang mga kasambahay.

To be honest at first I thought she's a type of women na sobrang strikto at masungit but when the time past by, I realized that she's a very lovable and carrying person. Mukha lang talaga siyang masungit pero ang totoo she's very kind.

"Salamat din po Ginoong Fidel. Kung ganun maiwan muna kita," sabi niya bago lumabas ng silid.

Nang maiwan ako m ay muli kong sinulyapan ang sarili sa salamin. Bagay naman sakin ang damit na napili ng Ginang, iyon nga lang medyo mainit tignan pero hindi naman ako nakakaramdam ng banas, ni pawis ay wala...

Sabagay, sa panahon na ito uunti pa ang populasyon na nakakasira sa Ozone Layer ng Earth. Kumapara sa kasalukuyan na uunti na ang mga puno at kaliwa't kanan ang mga polusyon.

Ngunit dito, kahit nine am na ay hindi pa din delikado sa balat, at hindi nakakapawis. I've noticed it sa pamamasyal namin sa Plaza Piris.

When I finished preparing myself ay nag pasiya na akong bumaba. Dinungaw ko sila mula dito sa itaas nang hagdanan at natanaw ko ang mga kasama sa tanggapan.

Pueblo Buenavista, Buenavista Quezon ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon