[ KABANATA 2 ]
" Wake-up Kuya!!!!!.....Come on get up on your bed!!!!! ". Umagang-umaga boses ni Maria ang naririnig ko. Hinigit niya ang kumot ko para magising ako pero hindi ko ito pinansin. " Kuya!!! your so lazy! ". Reklamo niya pa sakin. Tinakpan ko lang ng unan ang tenga ko at nanatiling nakapikit at hindi ko siya pinapansin. Antok pa kasi talaga ako tsaka masyado pang maagap.
Siya lang naman kasi itong excited at for sure madaling araw palang gising na siya. Siguro siya na din ang gumising kina Mommy at Daddy. " Aissssshhhh! Your so nakakainis Kuya. Bala ka nga jan! ". Tumalon siya pababa ng kama, naramdam ko kasi na nag bounce itong kama. Narinig ko ang pagdadabog niya papalabas ng kuwarto dahil sobrang lakas ng pagkakasara ng pinto nito.
Hindi naman ako natinag. Nagpatuloy ako sa pagtulog ko. Nagising nalang ako ng may nararamdaman akong nangingiliti sa paa ko. Sinisipa-sipa ko kung sino man may gawa nun pero naririnig ko lang na may mahinang tumatawa. Dahil naiinis na ako, napilitan tuloy akong bumangon sa pagkakahiga para makita kung sino ang nangingiliti sakin.
Sumalubong ang mga nakakainis na ngiti nila sakin. Halatang gustong-gusto nila ang ginagawa pangingiliti sakin ah. " Good morning Fidel! ". May pangaasar sa tono ng pag bati ni Ate Franchesca sinamahan pa siya ni Maria. Ngayon tawang-tawa sila kahit walang nakakatawa. " Walang maganda sa umaga!, Tsk! ". Pagsusungit ko. Ang aga-aga kasi nang-aasar nanaman sila. " What are you doing? ". Naiinis ko pang tanong sa kanila. Sabi nga nila magbiro ka nalang sa lasing huwag lang sa bagong gising kung ayaw mong makatulog ka ng mahimbing 👊 Haha 😂.
" Bumangon ka na kasi Kuya!!!.... Kanina ka pa pinapagising nila Daddy but your so kulit and you don't want to get up ". Pabebe na nagpapacute sakin si Maria. Hindi nalang ako umimik. Dumeretso na ako sa loob ng c.r. kinuha ko ang toothbrush saka toothpaste para mag brush ng ngipin, dahil inaantok pa talaga ako papikit-pikit pa ako habang natoto-toohtbrush.
Narinig kong sumara ang pinto ng kuwarto. Mukhang bumaba na ang dalawa ni Ate Franchesca at Maria. Nagpatuloy nalang ako sa pagtotoothbrush. Minulat ko ang mga mata ko para buksan ang gripo. Pagka hilamos ko humarap ako sa salamin at pagkakita ko sa mukha ko. Sa inis at pagkagulat ko dahil puro drawing ang mukha ko, napasigaw ako ng malakas. Na alam kong aabot hanggang ibaba. " Aaaaaaaaaah ". Panigurado na tuwang-tuwa nanaman ang dalawa ni Ate Franchesca at Maria. Kaya pala kanina pa sila masasaya e kasi drinowingan nila ako sa mukha ko. At ngayon mukha na akong pusa Tsk. " Mga isip bata talaga!!!!! ". Sambit ko habang nililinis ang mukha ko.
" Nandito na ba lahat ng gamit niyo? Baka naman may nakakalimutan pa kayo? ". Pag chicheck ni Dad. Umiling nalang ako dahil chineck ko na ulit ang gamit ko kanina at wala naman akong nakakalimutan. Sumakay na rin ako sa loob ng Van, si Ate Laura ang katabi ko.
Ayaw ko muna kasi tumabi kay Ate Franchesca lalo na kay Maria. Bukod sa hanggang ngayon pinagtatawanan pa rin nila ako dahil sa ginawa nila sakin kaninang umaga e baka mamaya hindi ko makontrol ang sarili at malimutan kong mga isip bata nga pala sila.
Bale sa kasunod ng Driver naupo sila Mommy at Daddy. While Ate Franchesca at Maria naman sa second raw ng upuan at sa third raw naman kami ni Ate Laura. Na ngayon busy nanaman sa pagbabasa ng mga libro niya.
" Okay behave kids specially you Franchesca and Maria! ". Paalala ni Mommy bago kami mag simulang magbyahe. Tumango ang dalawa ni Ate Franchesca at Maria kay Mommy. Nag lagay nalang ako ng earphone sa tenga ko. Mas gusto kong makinig nalang ng music habang nagbabyahe. Kumuha nalang kasi ng driver sila Daddy kasi tinatamad daw siya mag drive. Tahimik akong nakinig ng music sa phone habang nanunuod ng view sa bawat nadadaanan namin.
Road Trip
by hashtagMag-eem pake na
Ilagay na'ng 'yong gamit
Wag kalimutang gumawa
Ng malupit na playlist kahit
Lumang kotse ang dala
Mahaba-habang kwentuhan
Baon natin
Ay ating pagsasamahan
BINABASA MO ANG
Pueblo Buenavista, Buenavista Quezon ( COMPLETED )
Historical Fiction" PUEBLO BUENAVISTA " ( 18-19 siglo ) Kilalanin si Athan Fidel Adricula ang lalaking mag papaibig sa puso ng mga kababaihan ngayong summer. Subaybayan ang bawat kabanata kung anu ang magiging takbo ng kuwento sa makabagong panahon tungo sa makaluma...