Heto na naman ako. Susulat na naman ng mga gusto kong sabihin sa iyo pero hindi ko masabi ng harapan. Kelan ko kaya magagawang sabihin lahat ito sa'yo?
Magkaroon kaya ako ng lakas ng loob na harapin ito?
Day 412
July 17, 20xx
Para kay 2nd love,
Ano kayang gagawin ko kapag nakita ulit kita? Ah alam ko na. Magiging masaya ako. Kikiligin ako. Hihilingin ko na naman na sana mas mahaba ang oras. Hihilingin na sana makasama kita. Titibok ng mabilis ang puso ko.
Pero panandalian lang lahat yun.
Pagkatapos nun, aalis ka na naman. Maiiwan na naman ako.
Mag-iisip.
Malulungkot.
Aasa.
Aasa na sana mapansin mo ako.
Pero imposible.
Kahit itatak ko sa isip ko na tama na, na itigil ko na... hindi ko magawa. Mahirap eh.
Di naman kasi basta-basta nawawala to. Dahil kung ganoon lang kadali mawala, ibig sabihin hindi totoo ang nararamdaman ko.
Iiwasan ba kita?
Deadma?
Super casual talk?
Di ko kayang magfeeling close eh. Kahit sinasabi nila sa akin na ituring kitang tropa, na chill lang... hindi ko magawa.
Dahil nasasaktan ako.
Kaharap ko ang taong gusto ko. Ang lapit-lapit nya sa akin. Halos abot kamay ko sya pero di nya ako gusto. You can't see me. Yung tipong nasa harap mo ako pero malayo ang tingin mo. Yung magkatabi lang tayo pero parang di ako nag-eexist. Yung hulog na hulog na ako pero ikaw, wala lang.
Saklap di ba?
Bakit ba kasi naimbento pa ang lintik na unrequited love na yan? Kung palagi lang rin may masasaktan.
Pero sino nga bang dapat sisihin? Hindi mo naman kasalanan na nagustuhan kita di ba? Naramdaman ko na lang yun basta at hindi ka man aware dun, you made me happy every now and then. Pero sabi nga nila, there's a thin line between pain and happiness. Kasi ikaw din pala ang makakasakit sa akin. Alam ko naman na unconscious ka sa nangyayari sa akin.
Ano bang malay mo di ba? You just don't give a damn.
Pero tangina talaga! Naalala ko lahat. Lahat! Bawat detalye ng mga panahong kasama kita. Shit talaga!
Bakit ba ako ganito? Masokista ba ako? Or maybe it's just memories. Maybe those are the reasons why I'm holding on, why I'm still hoping.
BINABASA MO ANG
Where Do I Start?
RomanceIt seemed that happy ending only exist in the so called fairy tales. Where in fact, reality will give you a taste of pure bliss but then in a snap, it will slap you with a heart-breaking truth. Ga...