Chapter 11
MIA
Napakurap ako nang bumalik ako sa kasalukyan. Ang daming nangyari noong bakasyon. Pero yung outing na yun talaga ang tumatak sa isip ko.
Nakalabas na pala ang mga kaklase ko. Nagpunta na lang ako sa kubo para maghintay sa sunod na klase.
Nag-inat ako. Grabe ang naman week na 'to. Ang daming requirements sa school! Isang linggo pa lang na nagsisimula ang second sem ganito agad.
Kakatapos ko lang gawin ang homework ko sa isang GenEd subject. Kahit kelan talaga, dito ako mahina. Kung ano pa ang naturingang sariling lenggwahe, yun pa ang pinakamahirap. Mas madali pa ang English.
Ang daming tao sa mga kubo. Ito ang nagsisilbing students' lounge. Namataan ko si Aya at ang mga kaibigan nya.
I saw them enter the auditorium. Today's Wednesday kaya malamang may event dun ngayon. Napansin kong hinila pa sya ng dalawa nyang kaibigan para pumasok sa loob.
My curiosity got the best of me so I followed them. Madami ring estudyante sa loob. It seemed there's a competition of something.
Nakita ko ang grupo nina Aya na umupo sa bandang likuran. Tinaas nya ang kamay nya at kiming kumaway sa unahan. I followed the direction she's waving and I saw Timothy smiling back at her.
Agad kong ipinaling sa gilid ang ulo ko. Damn. Akala ko ayos na ako. But it still hurts a little bit.
Nagpasya akong lumabas na lang at bumalik sa paggawa ng assignment ko.
"What the?!" Bulalas ko.
Ganon na lang ang pagkagulat ko nang makitang may nagsulat sa notebook ko. Iniwan ko kasi iyon sa table sa kubo nang sumunod ako kina Aya kanina. Wala naman kasing pakialam ang mga estudyante dito sa gamit ng iba.
Kinuha ko ang notebook at binasa.
Natapos na ang assignment ko!
Kumikislap ang mata mo na tila bituin sa langit
Napapawi ng ngiti mo ang sakit na kay pait
Ang masilayan ka ay biyayang malupit
Sa aking isipan ay hindi na mawaglitAng puso mo'y tumitibok para sa iba
Ngunit para sa akin, ikaw lamang sinta
Kahit walang katumbas ang pag-ibig ko sa'yo
Hayaan mong mahalin kita kahit sa malayoAng kasiyahan mo ay kasiyahan ko rin
Ang pasakit mo ay dalahin ko rin
Kamuhian mo man ako dahil sa damdamin ko
Di pa rin papatalo, di pa rin susukoHindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Ramdam na ramdan ko ang damdamin ng nagsulat nito. Agad kong pinunasan ang basa kong pisngi at luminga-linga sa paligid.
I don't see any sign kung sino ang posibleng nagsulat nito. Marahil wala itong makausap kaya naisipan nyang iexpress na lang sa pagsulat ang kanyang pinagdaraanan.
Pero talagang sa notebook ko pa nagsulat ha? May naisip ako bigla.
Magagalit kaya yung nagsulat nito kung ipasa ko ang poem nya as my assignment? Hay. Ang sama ko. Baka mamaya mapagbintangan pa ako ng plagiarism.
"Ash!" Tawag ng papalapit na si Hannah. Kasama nya si Luke. Kaklase namin sya sa next subject na yun. Buti pa ang dalawang ito, ayos ang lovelife.
"Sabay na tayong pumunta sa class. Nagawa mo na assignment natin?" Tanong nito at dumako ang tingin sa hawak kong notebook. Ilalayo ko sana ito kaso mabilis ang kamay nito at kinuha ang notebook.
Matapos basahin ay napailing sya.
"Di ka pa rin nakakaget-over kay Tim?" Tanong nya.
Pinandilatan ko sya at tinakpan ang bibig.
"Ang ingay mo! Hindi ako ang nagsulat nyan ok? I just found my notebook with a poem written on it." Mahabang paliwanag ko.
"Eh sino'ng nagsulat dyan?" Takang tanong nya. Kinuha rin ni Luke ng notebook at binasa.
"Ayos ah. Ipasa mo na yan mamaya. For sure magugustuhan yan ng prof nating bading." Biro ni Luke.
Napatawa naman kami ni Hannah sa sinabi nya.
"Tingin n'yo ok lang na gamitin ko ito?" Nag-aalalang tanong ko. "Baka mahuli ako na di ako ang gumawa nito."
"Prof lang naman natin ang magbabasa nyan kaya di na malalaman nung nagsulat." Dagdag pa ni Luke.
Kinuha ko sa kanila ang notebook.
Bahala na. Sabi ko sa sarili ko.
"Okay class. Pass your assignments. Malalaman natin kung may magiging exempted sa Preliminary Exams natin." Pahayag ng professor.
Kailangan lang i-evaluate ng prof ang mga output. Sa isang araw pa namin malalaman ang resulta.
Friday came and even I, too, can't believe it nang ni-announce ng prof namin na isa ang poem ko sa napili nya together with those from two students in our college.
Panay ng asar sa akin nina Hannah at Luke na buti na lang daw ipinasa ko ang tulang nakasulat sa notebook ko. Though medyo nagi-guilty ako kasi di ko naman talaga gawa yun.
"Sigurado aasarin ka din ni Tristan pag nabasa nya ang tula mo." Tawa ng tawa si Jacob
Naroon kami sa tambayan namin at kinuwento ng dalawa kay Jacob ang nangyari.
"Speaking of the devil, nasaan ba ang lalakeng yun?" Mataray na tanong ni Hannah.
"Aba malay ko. Di pa ulit kami nagkikita nun simula nang magsimula ang semester." Sagot ni Jacob. "Teka, text ko yung tropa ko sa college nila."
Hindi ako sumasali sa usapan nila. I just sit silently and opened my book. Inabala ko na lamang ang sarili ko. Pero sa kaibuturan ng isip ko, nag-iisip rin ako kung nasaan na kaya ang unggoy na yun.
Absentmindedly, I looked above and saw the tree where he used to stay. I'm quite expecting him to greet me with his evil grin but I was only disappointed, realizing he's not there.
"Di rin daw nya alam kung nasan si Tristan. Isang beses lang daw niya nakita this week." Pahayag ni Jacob
"Naku! Lagot talaga sa akin ang kumag na yun pag nakita ko sya." Nanggagalaiting sabi ni Hannah.
November 10, 2013
Para sa'yo,
Isa ang malaking MIA. Missing in action!
It's not that I want to see you or I miss you. Nakukulitan lang ako kina Hannah at Jacob sa kakatanong sa akin kung may balita daw ba ako sa'yo.
Seriously? Hanapan ba ako ng nawawalang orangutan?
They said tayo daw ang close kaya sa akin sila nagtatanong. Tayo? Close? Kelan pa?
Pero nasaan ka na nga ba?
Halos dalawang linggo na ang lumipas pero ni anino mo di ko nakikita. Kahit naman malaki ang university natin, nakikita pa rin kita dati.
Well, kahit papano tahimik ang buhay ko.
Ashley
BINABASA MO ANG
Where Do I Start?
RomanceIt seemed that happy ending only exist in the so called fairy tales. Where in fact, reality will give you a taste of pure bliss but then in a snap, it will slap you with a heart-breaking truth. Ga...