Chapter 22

27 1 1
                                    

Chapter 22

Sad


"Try this. And this. And this." utos ni Hannah sa akin.

"Pero gurla! Di naman ako nagsusuot ng ganyan." angal ko.

Nasa department store kasi kami. Unang step daw sa "operation" namin ay ang pagpapalit ng wardrobe ko.

Wala namang masama sa mga damit ko ah. Ayos pa naman at magaganda.

"Gurla! Paano ka nya mapapansin kung walang magbabago sa'yo? Lagi na lang blouse at jeans." sermon nya.

Kaya heto kami ngayon at sya ang pumipili ng mga "bagong set" ng damit ko. Panay ang tanggi ko kasi puro dress at shorts ang pinapasuot nya sa akin.


"Yey! From now on, lahat ng pinamili natin ay isusuot mo na. Ok?" sayang-saya si Hannah.

Napailing na lang ako.


-----

Nakalatag lahat ng pinamili namin kahapon sa kama ko. Di ko alam kung ano ang susuotin ko.

Bahala na nga.

Kumuha na lang ako ng isang dress at naghanda na para sa pagpasok ko sa school.

"Martha, halika dali!" tawag ni Papa kay Mama pagkakita sa akin. Humangos naman agad si Mama. Kapwa sila gulat.

"Dalaga na talaga ang anak natin." tila naluluhang sabi ni Mama.

I absentmidedly rolled my eyes at them and eat my breakfast.

Nagtetext ako habang pumapasok sa gate nang makarinig ako ng mga bulungan.

"Is that Ashley? Wow!" sabi ng isang lalake.

"Ang ganda pala nya." sabi pa ng isa

Napakunot ang noo ko ng marinig ko ang pangalan ko. Lumingon ako para hanapin kung sino ang nagsabi noon pero nagulat ako ng makita na lahat sila ay nakangiti.

Hala. Nababaliw na yata ang mga tao dito.

Nagmadali ako sa paglalakad papunta sa klase ko. At tulad kanina, ganoon din an naging reaksyon nila.

"Gurla! Kaloka! See? Sabi ko na bagay sa'yo yan eh." Aniya na tinapik ako sa balikat.

"Jacob will be thrilled when he sees you." sambit ni Hannah at tinext si Jacob.


"Ash! Ano'ng nakain mo? Nagdamit babae ka?" tumatawang sabi ni Jacob pagkakita saken. Nasa canteen kami at nagmemeryenda.

"Sira! Bakit? Di ba maganda?" tanong ko.

"No, Ash. Wag ka maniwala dyan. You look much better. Galing talaga ng mahal ko." papuri nito sa nakangiting si Hannah.

"Oh! Ano'ng meron dito?" sabay-sabay kaming napalingon ng dumating si Tristan. Pero laking dismayado ako ng makita kung sino ang kasunod nya.

Si Klare.

"Aba! Akalain mong nagpaganda si Amazona!" asar saken ni Tristan.

"Screw you, monkey." asik ko sa kanya.

Tumawa lang sya.

"By the way, makakasama na natin si Klare. She said she wanted to be friends with us. Ok lang naman di ba?" sabi nya at niyaya si Klare na lumapit.

"Ah..hello sa inyo. Natuwa kasi ako nung last na outing natin. Masaya pala kayong kasama. Kaya sana maging magkakaibigan tayo." nahihiyang sabi nya.

Nagkatinginan si Jacob at Hannah then sabay na tumingin sa akin. It's as if they are worried about something.

"Ah..welcome to the group Klare." sabi ko sabay lahad ng kamay for a shakehand.

Nagkukwentuhan silang lahat ng bigla akong hilahin ni Hannah sa may cr.

"Gurla! Ano ka ba?! Bakit pumayag kang mapasali satin ang lintang yun?" di makapaniwalang tanong nya.

"What do you want me to say? Alangan naman pagbawalan ko sya na makipagkaibigan sa atin?" sabi ko. "Isa pa, gusto rin naman ni Tristan di ba?"

"Hay! Naku talagang namumuro na sa akin ang Tristan na yan! Napakamanhid!" inis na sabi nya. "Ok, mas dapat galingan natin ang pagpapagnda sa'yo. Baka maunahan ka pa ni linta."

"Gurla, daig ng malandi ang maganda." bigla kong nasabi.

"OMG! Oo nga pala. Pero tingin ko naman di papatol si Tristan." she reassured me.

Yun ang akala natin. Gusto kong sabihin kay Hannah pero nanahimik na lang ako.

When we returned, saktong tumatayo na sina Tristan at Klare.

"Pa'no guys, we'll go ahead. Kailangan daw makauwi ng maaga ni Klare eh." paalam ni Tristan.

"Wow bro..sige galingan mo pagporma dyan ah." asar ni Luke.

Agad naman itong pinanlisikan ng mata ni Hannah na sinasabing "manahimik ka nga dyan". Napuna ito ni Luke kaya itinikom agad ang bibig.

Nangiti lang si Tristan at iginiya na si Klare paalis sa kinaroronan namin. So hinahatid na pala nya ngayon si Klare.

Pinagmasdan ko sila hanggang sa di ko na sila makita.

"Gurl, ok ka lang?" nag-aalalang tanong sa akin ni Hannah. Makikita sa mata nya ang awa para sa akin.

I smiled bitterly.

"I'm ok. I guess this will always be the scenario." Nasambit ko.

"Ok lang yan Ash. Madami pa dyan. Mabuti yung di ka pa nahuhulog masyado sa kanya." sabi naman ni Jacob.

Hindi pa masyadong hulog? Ako? Great! sabi ko sa isip ko. Paano pala kung hulog na hulog na ako? Na mas matindi pa ito kesa sa naramdaman ko para kay Timothy?

Nakasama ko sya. Nakakwentuhan. Nakausap. Nakilala.

Unlike Tim na sa malayo ko lang pinagmamasdan at lihim na nagustuhan, iba pagdating kay Tristan. I saw different sides of him. Playful. Boastful. Arrogant. Annoying. Caring. Sweeet. And I love every bit of him.

Jauary 16, 2014

Para kay second love,

Alam mo yung pakiramdam na tumitindi na ang nararamdaman mo para sa isang tao? Na hindi na lang iyon atraksyon or crush? Yung deeper feeling for someone?

Ganon na ganon na ang nararamdaman ko para sa'yo. Parang nag-uumapaw na nga eh kaya parang sasabog ang dibdib ko.

Pero kung gaano kalalim ang damdamin ko, ganon rin pala kalalim ang sakit na katumbas nito.

Bakit ka ganyan? One day, you're sweet and playful then cold and serious the next. One day you treat me like a princess then a stranger the next.

Ano ba talaga ako sa'yo Tristan?
.
.
.
.
.
Nakalimutan ko, kaibigan nga lang pala.

Ashley


Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luhang namuo sa mata ko. Nabasa rin ang pahina ng journal ko dahil sa pumatak na luha.

Agad ko itong pinunasan at muling binasa ang sinulat ko.

Ganito na lang ba palagi ang mangyayari sa akin? Wala na bang happy ending? Palagi na lang bang sad?

Where Do I Start?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon