Chapter 10
Care
Nakakalungkot kasi tapos na ang maiksing bakasyon namin. Bukas ay simula na ulit ng klase.
Naalala ko noong umuwi kami kahapon galing sa outing sa Batangas. Si Luke ang nagdrive ng sasakyan. Syempre nasa tabi nya si Hannah. Sa likod nila ako umupo, malapit sa bintana.
Akmang uupo si Jacob sa tabi ko nang tinawag sya ni Tristan.
"Pre, naiwan mo yung sapatos mo sa kwarto natin." sabi nito kaya agad na bumaba si Jacob para kunin ang gamit.
Pagkababa ni Jacob, automatic na umakyat sa sasakyan si Tristan at umupo sa tabi ko.
"Si Jacob dito. Sa likod ka, monkey." banat ko.
Tila hindi naman ako narinig ng kumag at pumwesto na parang matutulog. Isinandal nya ang ulo sa upuan at tinakpan ng cap ang mukha.
"Oh, I thought we'll sit at the back Tristan?" tanong ni Klare na papaakyat na rin sa sasakyan.
Di kumibo ang katabi ko. Mukhang nakatulog na nga.
Sinenyasan ko na lang si Klare na tulog na ang kinakausap nya. Ngumuso ito at halatang nadisappoint. Wala itong nagawa kundi umupo sa likuran.
Maya-maya, napansin ko ang paparating na si Jacob. Napapakamot ito sa ulo.
"Oh, bakit? Nakita mo ba sapatos mo?" tanong ko.
Umiling ito.
"Wala naman dun eh." sagot nya.
"Yung white ba ang sapatos mo Jacob?" singit ni Luke. "Parang nakita ko sa backseat. Nilagay yata ni Tristan."
"Ha? Eh bakit sabi nya naiwan ko daw sa kwarto natin?" Takang tanong ni Jacob. Sinulyapan nito ang natutulog na kaibigan at napailing na lang.
Biglang lumingon sa amin si Hannah. Ngising-ngisi. She stared at me with her wide grin.
Nagtaka naman ako sa kanya at muling binaling ang atensyon sa katabi ko.
"Crazy monkey." mahinang sabi ko.
Nakaka-antok ang byahe namin. Maingat sa pagmamaneho si Luke lalo at kasama nya kaming lahat.
Unti-unti na ring pumipikit ang mata ko nang naramdaman ko ang mabigat na bagay sa balikat ko.
Himbing na himbing si Tristan.
Ang bigat ng mokong na 'to ah. Pahirapan ba ako? Naku talaga naman.
BINABASA MO ANG
Where Do I Start?
RomanceIt seemed that happy ending only exist in the so called fairy tales. Where in fact, reality will give you a taste of pure bliss but then in a snap, it will slap you with a heart-breaking truth. Ga...