Chapter 24

29 2 0
                                    

Chapter 24

Sadista

"Okay guys. So far maayos naman ang status ng preparations para sa nalalapit na U-DAY." pagbabalita ng university student council president.

Binigyan nya ulit ng oras ang mga committees para makapag-update ng kani-kanilang tasks. Kaya naman nagsama ulit kaming tatlo nina Tristan at Michael.

"Ganito na lang ang gawin natin stage. Mas maganda kung maglalagay tayo ng walkway papunta sa gitna para makapaglakad ang mga vocalists." panimula ni Michael.

"Tingin ko ayos yun, pre. Mas mapapalapit sa audience ang mga guests natin. Di ba, Ash?" tanong ni Tristan sa akin. "Ash. Hoy, Ash."

"Ha? Ah, oo. tama. Tama yun." sagot ko na lang habang kunwaring nagsusulat.

Get a grip Ashley Tanaka! sigaw ng isip ko.

"Heto ang sample ng mga gagamitin natin para sa backdrop. Binagay ko ito depende sa banda." paliwanag ni Tristan.

Pinilit kong ituon ang atensyon ko sa pinag-uusapan namin rather sa taong nagsasalita. Iisipin ko na lang na ibang tao sya. Pero naalala ko ang sinabi ko sa kanya kanina, na ako pa rin ang dating Ash. So kailangan, normal pa din ang pakikitungo ko sa kanya. Parang wala lang. Walang nangyari.

"Maganda sana Tristan, kaso tingin ko mas magiging maganda kung medyo paghahaluin natin ang dark and bright colors. Alam mo yun, mas may dating." sabi ko habang nakatutok sa screen ng laptop nya.

"Oo nga dude, tama ang suggestions ni Ash." segunda ni Michael. "Adjust mo na lang tapos pakita mo ulit sa amin next week."

Pero di nakasagot ang kausap dahil nakatulala lang ito. Tinawag sya ni Michael pero mukhang di nito pinapansin ang isa kaya pati ako ay napalingon na rin. Titig na titig sya sa akin!

"You..you called me by my name." mahinang sabi nya.

Kumunot naman ang noo ko.

"So? Di ba Tristan naman talaga ang pangalan mo?" pilit kong hinaluan ng sarcasm ang tinig ko.

Then he slowly smiled. Alam mo yung ngiti ng mga lalake na parang nahihiya? Parang ganon yung ngiti nya eh. Nabalik naman kami sa paksa nang nagsalita si Michael.

"Ash, nakausap mo na ba ang mga Dance N' Beats?" tanong ni Michael. Iyon ang pangalan ng university dance troupe na napili naming magperform as front act sa concert.

"Yup. They agreed and are now practicing for the event." agad kong sagot.

Natapos na at lahat ang meeting na iyon ay hindi pa rin naalis ang nakakatawang ngiti sa labi ni Tristan. Di na ako nakatiis kaya pinansin ko.

"Alam mo, ikaw ngayon ang parang timang." sabi ko.

Mas lalo namang lumapad ang ngiti nya kaya napailing na lang ako. Naglalakad na kami palabas ng admin building.

"Seriously, you're creeping me out." sabi ko at ginusumot ang mukha nya.

Iniwas nya ito kaya napatawa na ako. Tumawa na rin naman sya. Di namin napansin na pinagtitinginan na kami ng mga nakakasalubong namin na professors at estudyante.

"Tss..bakit ka ba ngingiti-ngiti dyan?" tanong ko.

"Eh ikaw kasi. First time mo kayang tinawag ako sa pangalan ko." sagot nito. "Kung hindi monkey, gorilla, unggoy, o di kaya naman ay orangutan. Ang tindi mo kasi eh. Lahat na lang ng lahi binansag mo sa akin."

Lalo akong napatawa sa sinabi nya. Napansin pala nya yun. Dahil sa usapan namin ngayon, pakiramdam ko nawala lahat ng mga dalahin ko sa dibdib. Lahat ng kinikimkim kong emotions ay tila bulang naglaho at napalitan iyon ng ibayong kaligayahan.

Kung sino pala ang taong nakasakit sa iyo, sya rin pala ang bukod tanging makakapagpasaya sa iyo. Ang makakapagpabalik ng sigla sa buhay mo.

I looked at him and seeing how happy he is, gumaan na rin ang pakiramdam ko. I guess laughter is really the best medicine because somehow, I've forgotten the pain I'm feeling for the past few days.

Kinagabihan, hindi ko maiwasang isipin na posible naman pala kaming maging masaya pareho kahit na magkaibigan kami. Tulad ng nangyari kanina, pakiramdam ko hindi ako nasaktan lalo na at nang napansin kong pareho kaming tumatawa.

Posible kaya yun? Alin ba ang dapat piliin, yung pagkakaibigan namin o itong nararamdaman ko?

Tingin ko kasi sisimple at tatahimik ang buhay ko kung magiging magkaibigan na lang kami. Kasi walang expectations. Ibig sabihin, walang masasaktan.

January 26, 20xx

Para kay second love,

Sa tingin mo kaya kong maging kaibigan ka lang? Nakaya ko naman dati di ba? Doon naman kasi tayo nagsimula. Doon kita nakilala. Kaso doon ko rin narealize na iba na pala ang nararamdaman ko para sa iyo. Na hindi kaibigan lang ang tingin ko sa iyo.

Pero alam kong para sa iyo, hanggang sa magkaibigan na lang tayo. Malayong magustuhan mo ang tulad ko.

Ashley

Rrriiiiinnnnggg...

"Gurla!" bungad ni Hannah.

"Aray naman gurla! Sakit sa tenga ha?" sagot ko. Alam ko na kung bakit ito tumawag sa akin ngayong gabi.

"Pupunta ka bukas di ba?" halata sa boses nito ang excitement.

I absentmindedly rolled my eyes. Kung nakikita nya ako, for sure babatukan ako nito.

"Ano pa nga bang magagawa ko? Baka pag di ako pumunta dyan, maging FO na tayo." biro ko.

"Ay naku! Sinabi mo pa. Kaya huwag mo ng isipin na indyanin kami, ok?" sabi nito at nagpaalam na.

At dahil nakapagbitaw na ako ng salita, kailangan ko iyong tuparin. Agad kong binuksan ang closet ko at naghanap ng maayos na maisusuot. Kaso puro dress na nga pala ang laman nito! Naku naman. Bakit ko ba pinayagan si Hannah na ipamigay at ibenta ang mga damit ko dati?

Hay no choice ako nito.

Alas tres ng hapon nang naghanda ako para sa pupuntahang birthday celebration. Simple lang naman daw ito ayon kay Hannah. Tanging mga malalapit na kaibigan lang ang inimbitahan.

I'm wearing a simple dark blue dress na tinernuhan ko ng ballet shoes. Nagsuot na lang ako ng headband at di na nag-abalang ayusin pa ang buhok ko.

Napatigil ako sa paglabas sa pinto ng bahay namin ng nakasalubong kong papasok ng gate si Tristan. Hinga ng malalim Ash then smile. Ganon ang ginawa ko nang makita ako ni Tristan.

"Nice." sambit nya. "Tita, mauna na po kami ni Ash. Uuwi din po agad kami after ng party."

Nasa likuran ko lang pala si Mama.

"Sige. Ingat sa pagmamaneho ah." bilin ni Mama.

"Naku, nakalimutan kong bumili ng regalo." bulalas ko habang tinatahak namin ang daan papunta sa bahay nina Luke. Doon daw gaganapin ang party.

"Nah. You don't need to buy one." sabi ni Tristan na nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho. Talagang sinunod nito ang bilin ni Mama. "He's already lucky 'cause you'll be there."

Napakurap ako ng ilang beses sa sinabi nya.

Anak ka talaga ng tokwa Tristan!

Hindi ko na nga alam kung paano ko pakakalmahin ang sarili ko dahil dalawa lang tayong magkasama ngayon, tapos magsasalita ka pa ng mga ganyang bagay?

Sadista ka talaga.

Where Do I Start?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon