Chapter 29
Not yours
"Tristan, huwag mo nga akong hilahin. Kaya ko ang sarili ko." Sabi ko habang pinipilit kunin ang kamay ko mula sa mahigpit nyang pagkakahawak.
"Bakit di ka pa umuwi?!" Bulyaw nya. "Paano kung may nangyari sa'yo? Paano kung nagcollapse ka doon?"
Lalo lamang nagsalubong ang kilay ko. Hindi ko talaga alam kung ano ang sinasabi nya.
He brushed his hair in frustration. Nagpabalik-balik sya ng lakad sa harapan ko na parang pinipilit pakalmahin ang sarili. Nasa may parking lot kami sa harap ng gym kung saan naroon ang sasakyan nya.
"Bakit ka ba galit na galit dyan?" Tanong ko.
"For goodness sake Ashley! Pwede ba kahit minsan, isipin mo ang sarili mo. Huwag yung gusto mo ang palaging nasusunod." Sermon nya.
"Ano ba ang pinagsasasabi mo dyan?" Sabi ko sa medyo mahina ng boses.
Nakaramdam ako ng pagkirot sa aking sentido. Nangatog rin ang mga tuhod ko kaya napakapit ako sa hood ng sasakyan nya.
"Damn it!" I heard him curse. "Humanda sila sa akin."
Iyon ang huli kong narinig bago nagdilim ang paligid.
Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. Nahirapan pa akong mag-adjust dahil nasilaw pa ako sa liwanag.
Iniikot ko ang ang paningin ko. Nasa sariling kwarto ko ako.
"Anak, how are you feeling? May masakit ba sa iyo?" I saw my mother's worried face. "You passed out for almost 12 hours. Alalang-alala kami ng Papa mo sa'yo."
Di ko alam pero naalala ko ulit lahat ng nangyari. Ang insidente sa cubicle, ang boses ng mga babaeng galit sa akin, ang takot ko, ang lamig na nadama ko ng binuhusan ako ng kung ano, ang pagtatalo namin ni Tristan.
Naglalaglagan ang mga luha ko kaya agad akong niyakap ni Mama.
"Nandito lang si Mama, anak ko. Tahan na." Bulong ni Mama habang hinahagod ang likod ko.
Saka lang ako binitiwan ni Mama ng kumalma na ako. Hinintay nyang ako ang magkwento.
Kahit noon pa man, wala akong nilihim sa mga magulang ko kaya sinabi ko ang lahat. Lahat-lahat.
"Sige. Kakausapin ko si Tristan tungkol dito." Sabi ni Mama at tumayo na.
"Ma? Teka, paano n'yo po sasabihin sa kanya?" tanong ko.
"Eh di sasabihin ko sa kanya sa baba." sagot ni Mama.
"Nandito si Tristan?" Tanong ko. Habang inaayos ang kumot ko.
"Oo. Sya ang naghatid dito sa iyo. Tinanong namin sya pero hindi naman nya sabihin kung ano ang nangyari." Paliwanag ni Mama. "Gusto mo bang tawagin ko sya?"
BINABASA MO ANG
Where Do I Start?
RomanceIt seemed that happy ending only exist in the so called fairy tales. Where in fact, reality will give you a taste of pure bliss but then in a snap, it will slap you with a heart-breaking truth. Ga...