Chapter 26

24 1 0
                                    

Chapter 26

Late

February 5, 2014

Para kay second love,

You're making me so crazy, alam mo ba yun? Tama ka nga siguro. Timang nga ako.

Kung dati, nagtatago ako kay Tim, ngayon naman nagtatago ako sa'yo.

Alam mo ba kung bakit?

Para di mo ako mabuking.

Para di mo malaman na gusto kita.

Para di mo malaman na nasasaktan mo na pala ako.

Martyr? Siguro. Ewan ko.

Ganito yata talaga ang mga taong nagpapakatanga dahil sa pag-ibig na yan.

Ashley


Malapit na ang U-Day at ganon din ang contest sa college namin kung saan kasali sana ako.

Nakita ko pang nagpapractice sa isang bakanteng classroom ang mga candidates namim. Isamg estudyante mula sa sophomore ang pumalit sa akin.

On the other hand, nagpapasalamat ako na di na ako kasali. Dahil sa pinagdadaanan ko ngayon, malamang na di ko rin magawa ng maayos ang dapat kong gawin.

Nagvibrate ang cellphone ko na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Lagi na lang malayo ang nararating nito.

Tristan:

Where are you?

I bit my lip. Hinahanap nya ako. Why?

Ako:

At school

Tristan:

Where exactly?

Shit! Pupuntahan nya ako. Ano'ng gagawin ko?

Ako:

May klase pa ako.

Tristan:

You're texting during class?

Ako:

Nasa likuran ako kaya di halata. Why are you looking for me anyway?

One minute. Two. Five minutes before he replied. Para akong aatakihin sa puso sa paghihintay ng sagot nya.

Tristan:

I miss you.

Nalintikan na!

Namiss nya ako? Seriously?? Pinapahirapan talaga ako nito. Di ba nya alam kung anong magiging dating sa akin ng sinabi nya?

I didn't reply. Gusto kong magfocus sa ibang bagay.

Nang matapos ang klase ko, inayos ko na ang gamit ko para pumunta sa "bago" kong tambayan. Naglakad ako habang tinetext si Hannah.

Sinabi ko kung nasaan ako. Di pa kasi nya alam kung saan itong lugar na pupuntahan ko.

Nagvibrate na naman ang cellphone ko. Akala ko nagreply na si Hannah.

Tristan:

Can we meet?

Ako:

May gagawin pa ako.

Tristan:

I'll be waiting then.

Di ako nagreply. Sadista. Naguguluhan ako sa kanya.

Tristan:

Hintayin kita sa coffee shop sa tapat ng simbahan.

Where Do I Start?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon