Chapter 21
Operation
Di agad ako bumaba ng sasakyan kahit nakarating na kami sa bahay.
"Galit ka?" tanong ko.
"Bakit naman ako magagalit?" seryosong sabi nya.
"Eh bakit ang tahimik mo?"
"Wala lang. Masama bang tumahimik?"
Napabuntong-hininga ako.
"Thank you for today. Naapreciate ko." pagkasabi ko noon ay bumaba na ako.
Agad naman nyang pinaharurot ang sasakyan.
January 12, 2014
Para sa'yo,
What is your problem? Bakit ganon ha? Ano ba ang nagawa ko? Meron ba akong nagawa na di mo nagustuhan?
Yun ba yung naabutan mo ako na tinitingan ka? Di ko naman sinasadya eh. Kala ko kasi di mo ako mahuhuli.
Sana wag ka nang magalit saken. Di ako sanay eh. >_< Nagbabangayan man tayo, sanay naman ako na palagi kang nakangiti.
Ashley
Rrriiiinnnggg..
"Hello? Oh Hazel." sambit ko nang sagutin ang tawag.
"May meeting bukas ng mga representatives? Ok. Saan? Ah..sige. Ano'ng oras? 2pm. Ok copy. Thanks" ibinaba ko ang cellphone at pinatong sa side table.
Muli kong sinulyapan ang journal ko. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip. Minabuti kong magshower na at nang makapagpahinga ng maaga.
Kaso hindi ako dalawin ng antok. Nagbasa ako pero di ko naman maintidinhan ang binabasa ko.
At bigla kong naalala yung CD na binigay nya. Kinuha ko agad yun at pinatugtog sa cd player.
Canon in D Major - Violin and Piano version
Wow. Ang ganda. Mas maganda pala kapag may accompaniment.
Mahimbing akong nakatulog ng gabing iyon. At kinabukasan, magaan ang pakiramdam na pumasok ako sa school.
Biglang may humila sa balikat ko.
"Hoy gurla! Ano yung kahapon? Huh?" usisa ni Hannah.
Patay! Ito na nga ba ang sinasabi ko.
"I know. I'm sorry. I should've texted you pero nawala sa isip ko." paliwanag ko.
"Nagdate kayo?!" bulalas nya and her eyes are beaming with excitement.
Tinakpan ko agad ang bibig nya at tumingin sa paligid. So far naman, lahat ng estudyante ay busy sa pagrereview.
Nasa library kami. Di kami makapunta sa tambayan kasi umuulan. Hinila ko sya sa may bandang dulo ng library at doon kami umupo.
"Wag ka ngang maingay! Adik ka. Di kami nagdate." sagot ko.
"Eh ano'ng ginawa nyo?" tanong nya.
Ipinaliwanag ko ang nangyari. Maging ang parte kung saan parang nagalit si Tristan.
Humalukipkip ang kausap ko at tila nag-isip.
"As far as I can tell, di sya galit dahil sa ginawa mo." Makahulugang sabi ni Hannah.
"Ha? Eh bakit sya nagalit?" takang tanong ko.
"May hunch ako pero di pa sure. Kaya nga hunch. Anyways, di ko pa sasabihin unless mapatunayan kong tama ako." aniya. "But for now, calm yourself kasi di ka nya nabuking."
BINABASA MO ANG
Where Do I Start?
RomanceIt seemed that happy ending only exist in the so called fairy tales. Where in fact, reality will give you a taste of pure bliss but then in a snap, it will slap you with a heart-breaking truth. Ga...