Chapter 28
University Day
U-Day na!
Abala ang lahat para sa gaganaping concert mamaya. Dalawang banda ang naimbitahan ng school namin para magperform, Kamikazee at Parokya ni Edgar.
Lahat ay excited. Lahat ay di na makapaghintay sa pagdating nila.
Samantala, kaming mga committees ay maya't-maya ang pagcheck sa mga gagamitin sa event tulad ng lights and sounds, backdrop pati na rin ang mga magpeperform mula sa school ay siniguradong handa na.
Hindi pa ulit kami nagkikita ni Tristan simula nang nangyari ang insidenteng iyon. Pero paminsan-minsan ay nangungulit sya sa pamamagitan ng text. Sinubukan rin niyang tumawag ng ilang beses pero di ko sinasagot.
Kahit anong saway ko sa sarili ko na huwag siyang pansinin, may mga pagkakataon na nakakalimot ako at napipilitang kausapin sya.
Pero iba ang araw na ito. Hindi ko sya pwedeng iwasan ngayon. Kailangan naming magtulong para maging successful ang event.
Kasalukuyan nang inihahanda ang sound system at stage design sa pamamahala ni Michael. Kinausap ko naman ang Dance N' Beats at nalamang ayos na ang lahat sa kanila.
Bumalik ako sa may stage at nakita kong nakaharap si Tristan sa laptop, abala sa pagcheck ng gagamiting backdrop.
"Ash, dadating ng mga banda in an hour. Get yourselves ready." Sabi ng school president. Tumango ako at tinungo ang kinaroroonan ng dalawa kong kasamahan.
"Guys, be ready in an hour. Padating na sila." Pagkasabi noon at tinungo ko ang kinalalagyan ng bag ko para magbihis.
May nakalaan na uniform para sa aming mga committees. Kulay itim na polo shirt na may disenyong gawa rin ni Tristan. Bilib din talaga ako sa galing nya. He's good at both computer hardware and software.
Nang makarating na ako sa comfort room na nasa gilid lang ng stage, napansin kong nagriring ang phone ko.
"Gurla, saan ka? Kasama ko sina Jacob at Luke. Papunta na kami sa gym." Sabi nya.
"Sige hintayin ko kayo. Nagbibihis lang ako." Sagot ko habang kinukuha sa loob ng bag ang uniform at nagtungo sa loob ng cubicle.
Kumportable akong nagbihis dahil nag-iisa lang ako sa cr. Pero napatigil ako ng marinig na tumunog ang pintuan tanda na may pumasok.
Nakiramdam ako pero napasigaw ako sa gulat nang biglang may kumatok na pagkalakas-lakas sa cubicle na kinaroroonan ko.
"Hoy singkit! Buksan mo ang pinto!" Dinig kong tinig iyon ng babae, malaki ang boses nya kaya posibleng malaking tao din sya.
"Lumabas ka dyan haliparot!" Sambit naman ng isang matinis na boses.
Sa kabila ng takot ay napakunot ang noo ko. Pamilyar sa akin ang boses nung isang babae.
Lalong lumakas ang pagkatok. Pakiramdam ko masisira na ang pinto ng cubicle dahil sa lakas ng ginagawa nilang paghampas doon.
"Buksan mo sabi! Malilintikan ka lalo!" Sigaw ng babaeng may malaking boses.
Hinawakan ko ang lock ng pinto sa kabila ng nangingig na kamay.
"S-sino ba kayo? Anong kailangan n'yo sa akin?" Pilit kong pinakalma kahit ang nanginginig kong boses.
Can somebody please save me?
Mataray ako, oo, pero hindi naman ako marunong manakit ng kapwa ko hindi tulad ng dalawang ito. Kung tama ang kutob kong si Klare ang isa sa kanila, bakit? Bakit nya ginagawa ito?
BINABASA MO ANG
Where Do I Start?
RomanceIt seemed that happy ending only exist in the so called fairy tales. Where in fact, reality will give you a taste of pure bliss but then in a snap, it will slap you with a heart-breaking truth. Ga...