Chapter 31
I can't
Nagmistulan kaming mga bata. Sinulit namin ang maghapon at nagkasiyahan lamang. Wala kaming inisip ng mga panahong iyon kundi ang saya ng pagkakaibigan namin.
Tama rin ang hinala ko na memorable talaga ang valentines day na iyon. Dati kasi ginugugol ko lang ang oras ko sa pagsulyap kay Timothy. Uuwi akong malungkot kasi di naman nya ako napapansin. Pero ngayon, kasama ko si Tristan, ang taong gustong-gusto ko.
Hapon na nang nagpasya kaming umuwi. Bawal magpagabi dahil siguradong mag-aalala ang mga magulang namin.
Hinatid kami isa-isa ni Tristan. Buti na lang medyo malalapit lang ang mga bahay namin. Kahit paano di na ako nagulat na ako ang huli nyang inihatid nya.
"Did you enjoy?" Tanong nya nang ipinarada nya ang sasakyan sa harapan ng bahay namin.
Ngumiti ako bago sumagot sa kanya.
"Sobra. Thank you sa pagdala sa amin doon ha." Sabi ko. "Thank you din sa paghatid. Sige, una na ako."
Binuksan ko ang pinto at bumaba na ng sasakyan. Bubuksan ko na sana ang gate nang bigla nya akong hilahin.
"For you. Muntik ko nang makalimutan." Nahihiyang sabi nya at iniabot sa akin ang isang tangkay ng puting rosas.
Oh my gulay! My favorite flower!
Matapos iabot ang bulaklak ay nagmamadali syang bumalik sa sasakyan at pinaarurot iyon.
Napapailing na lang ako habang pumapasok sa bahay. Sinalubong naman agad ako ni Mama.
"Aba, mukhang may admirer na ang dalaga namin ah." Asar sa akin ni Mama.
"Ma, he's just a friend. Wala lang siguro mapagbigyan ang unggoy na yun kaya sa akin na lang nya hinigay ito." Paliwanag ko sabay amoy sa hawak na bulaklak. Lumapit ako sa cabinet sa may kusina at kumuha ng maliit na vase. Agad kong inilagay doon ang rose at dinala sa kwarto ko.
February 14, 2014
Para kay 2nd love,
Ang weird mo ngayon. What's with the flower? Di mo ba alam ang magiging indication ng ginawa mo?
Eh di syempre pinakilig mo ako ng sobra! Pero teka, bakit mo nga ba ako binigyan ng bulaklak?
You like me don't you? (Wish ko lang.) Ewan ko, di ko alam ang sagot at ayaw kong mag-ASSUME!!
Ashley
Inilapag ko ang ballpen ko at muling sinulyapan ang bulaklak sa mesa ko. Ano nga kaya ang motibo nya?
Nakatulog ako na iyon ang nasa isip. Lumipas ang Sabado at Linggo na tila wala ako sa aking sarili. Pinipilit kong i-analyze ang mga pangyayari nitong nakaraang araw. Ang tungkol sa amin ni Tristan pero tanging sakit lamang ng ulo ang naging dulot nito sa akin. Ang resulta? Nahirapan akong magreview para sa exams ko.
Exam week na! Kasabay pa nito ang thesis defense namin. Hindi ko inexpect na makikita ko si Tristan dahil alam kong busy rin sya.
Hindi ko alam kung paano ko sya titingnan ngayon. I'm still wondering kung ano nga ba talaga ang motibo nya. Why is he acting that way?
"How was your exams?" tanong nya habang sinasabayan ako sa paglalakad. Di ko rin inaasahan nang bigla nyang kunin ang mga dala kong gamit at sya na ang nagdala noon.
"Ahm..ok naman. Nasagutan ko naman lahat." kiming sagot ko.
"I'm hungry. I remember someone promised to treat me for lunch." nakangising sambit nya.
Napakurap ako ng ilang beses. Naalala pa pala nya yun?
"Fine. Fine. Di ko nakakakalimutan. I always keep my promises, you know that." sabi ko at nauna nang maglakad. Narinig ko pa ang halakhak nya na napatigil nang may makasalubong syang mga kakilala.
"Bro, kumusta? Sigurado sisiw lang sa'yo mga exams natin." sabi ng isang lalakeng nakasalamin.
"Oo nga eh. Teka, tutal tapos na ang exams natin. Gimik tayo!" sabi naman nung nakabaseball cap.
"Sorry mga bro. May lakad ako eh." sabi nya at inginuso ako.
Narinig kong inasar lalo sya ng mga ito.
"Woah! Wait, is she your girl?" tanong ulit nung nakacap.
Dahan-dahan akong naglakad palayo. Pero dinig na dinig ko pa rin ang sagot nya.
"Nah. Not my girl. She's a friend." sabi nya saka nagpaalam sa mga ito at hinabol ako.
"Ash! Wait up!" tawag nya. Ang bilis-bilis na kasi ng lakad ko.
Bakit ganon? Di ko maintindihan.
Not my girl.
Not my girl.
Not my girl.
Iyan lang ang paulit-ulit na nag-echo sa pandinig ko. My mind went blank. Hindi ko alam kung saan na napunta ang utak ko. Ang tanging alam ko lamang ay nasasaktan ako. Alam ko naman na totoo ang sinabi nya. Pero masakit pa rin pala kapag sa kanya mismo nanggaling.
Akala ko posibleng matagpuan ko kay Tristan ang hinahanap ko. Pero mali pala ako.
Narinig kong tinawag nya ang pangalan ko kaso wala akong balak tumigil. Nang makarating ako sa gate ay pumarada kaagad ako ng jeep at sumakay doon. I'm trying so hard to control my tears
Derederetso ako sa kwarto pagdating ko. Hindi ko rin napansin ang nag-aalalang si Mama na nakasunod pala sa akin. Kinatok nya ng marahan ang pinto ng kwarto ko.
"Anak, are you okay? Ang aga mo yata umuwi ngayon." sabi nya.
"Okay lang ako, Ma. Masama lang po pakiramdam ko." pagdadahilan ko. "Magpapahinga muna ako, Ma."
Hindi na nya ako kinulit pa. Mas gusto ko naman iyon dahil wala ako sa mood para magpaliwanag. Ang tanging gusto ko lang ay mapag-isa. Makapag-isip.
Akala ko posibleng nagugustuhan na nya ako. Akala ko may pag-asa na. It seemed I'm so damn wrong. Kasalanan ko rin siguro dahil hindi ko naiwasan na umasa lalong-lalo na sa mga ipinakita nya at sinabi nya.
Ganito na lang ba talaga? Palagi na lang ba akong masasaktan kapag nainlove ako? Hindi ba pwedeng maranasan ko naman ang saya? Kahit isang beses lang, hindi ba pwede?
Alam ko naman na pagdating sa love, hindi puro sweet and happiness. May mga pagkakataon na may kalungkutan rin. Hindi ko lang inaasahan na ganito pala iyon. This is way beyond what I felt towards Timothy.
Kinuha ko ang journal ko. Better write this pain away.
February 17, 2014
Para kay 2nd love,
Bakit ganito kasakit? Ibig ba sabihin mas minahal kita kesa sa nauna? I thought he was my first love. Pero di ko naman naexperience ang ganito katinding sakit noong sya pa ang nagugustuhan ko. Or maybe it's just infatuation.
Bakit pagdating sa'yo iba? Mas masaya pero mas matindi ang sakit.
I thought you can notice me or even like me. Imposible ba talagang magustuhan ako? Close naman tayo di ba? Di mo ba talaga ako napapansin bilang babae?
Di ko naman ginusto na magkagusto sa'yo eh kaso anong magagawa ko? Di ko naman pwedeng turuan ang sarili ko. Kusa na lang itong nakakaramdam ng mga bagay-bagay dahil sa'yo.
I just like you too much that it hurts. How I wish na sana magustuhan mo ako but it seemed so hopeless.
Parang sasabog ang dibdib ko. I never expected that I will experience this kinds of things at ikaw pa ang dahilan.
Ano nang gagawin ko? How and where do I start? Should I forget you?
I can't.
Ashley
BINABASA MO ANG
Where Do I Start?
RomanceIt seemed that happy ending only exist in the so called fairy tales. Where in fact, reality will give you a taste of pure bliss but then in a snap, it will slap you with a heart-breaking truth. Ga...