Chapter 32
Ten
Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mga mata ko. Umaga na pala. I look dreadful as I see myself from the mirror. Magulong buhok. Namumugtong mga mata.
I checked my phone. There are 28 messages. Two from Hannah. One from Jacob and the rest are from him. I ignored them and fix my bed.
I heard a knock on my door. Si Mama. Tinatawag na nya ako para sa agahan.
“Opo, lalabas na po ako.” Sagot ko. Nagpunta na ako sa bathroom para maligo. Inayos ko ang sarili ko. Ayaw kong mag-alala sina Mama at Papa sa akin.
I went to school looking normal but deep inside I’m dying. I attended my classes just like before. Then, I went to my sanctuary. I received a text message from him. After reading it, I put aside my phone and decided to read.
Gusto kong punuin ng ibang bagay ang utak ko. Ayaw ko munang mag-isip. Then, I heard my phone rang. It’s him again. Naingayan ako kaya pinatay ko ang phone ko.
“Sabi ko na nga ba dito lang kita makikita.” Narinig kong sabi nya. Hindi ko man lang sya tiningnan. I pretended that I heard nothing.
“Ash.” Mahinang sabi nya. “Please, kausapin mo naman ako. Hindi mo nirereplyan ang mga texts ko. Di mo rin sinasagot mga tawag ko.”
Still, I didn’t talk and move an inch. Parang wala akong nakikita at naririnig.
“Tell me, ano bang nagawa ko?” tanong nya muli.
Naramdaman ko ang frustration nya sa hindi ko pagpansin sa kanya. Kaya naman laking gulat ko nang bigla na lamang akong umangat sa kinauupuan ko.
“What the hell?!” saigaw ko. “Hoy, ibaba mo nga ako!”
Sya naman ang tila walang naririnig. Binuhat nya ako na tila isang sako ng bigas.
“Isa! Ibaba mo sabi ako eh!” pagbabanta ko pero wala pa rin.
Patuloy lang ito sa paglalakad. Napangiwi ako nang marinig ang mga komento ng mga nakakasalubong at nakakakita sa sitwasyon namin.
Bwisit na lalake to! Napakalaking kahihiyan ng ginagawa nya. Sa sobrang hiya ko, tinakpan ko na lang ng dalawang kamay ang mukha ko.
Maya-maya, tumigil sya at ibinaba ako. Sisigawan ko na sana sya pero itinulak naman nya ako papasok sa sasakyan nya. Talagang nanlaban ako pero mas malakas sya sa akin kaya wala rin akong nagawa. Sya na rin mismo ang nagkabit ng seatbelt ko.
“Don’t you dare escape.” Banta nya sa akin. “We’ll just talk then I’ll let you go.”
BINABASA MO ANG
Where Do I Start?
RomanceIt seemed that happy ending only exist in the so called fairy tales. Where in fact, reality will give you a taste of pure bliss but then in a snap, it will slap you with a heart-breaking truth. Ga...