Chapter 16
Miss
Shet naman oh! Ano'ng gagawin ko?
Ok. I admit. I think nagugustuhan ko na si Tristan.Eh sino ba namang hindi magkakagusto sa kanya. Matalino, gwapo, mabait at higit sa lahat super sweet.
Grabe di ko maiwasang kiligin kapag naaalala ko yung ginawa nya. Who would have thought na ang isang tulad nya ay makakagawa ng isang big gesture tulad noon?
"Anak, nandito na ang mga kaibigan mo." narinig kong sabi ni Mama sa labas ng kwarto ko.
Mas dumoble yata ang kaba ko. Ano ba yan?! Di naman ako ganito dati ah.
Hinga ng malalim Ash. Wooh! Kaya ko 'to.
Bumaba ako at sinalubong ako ng mga nakangiting sina Hannah, Jacob, Luke at Tristan.
Anak ng kalabasa! Hindi ako makatingin sa kanya!
"H-halina kayo sa kusina. N-nakahanda na ang pagkain." nauutal na sabi ko.
Ngali-ngaling batukan ko ang sarili ko.
Hinila naman ni Hannah ang braso ko at bumulong. Nauna nang maglakad ang tatlong lalake patungo sa hapag-kainan.
"Ano'ng peg mo gurla? Bulol overload?" natatawang sabi nya sa akin. "Chill ka lang."
"Sinong bulol? Hindi ako yun ah." parang sirang tanggi ko.
Napailing na lang sya at sumunod na kami sa kanila. At parang nanadya, talagang doon pa sa tabi ni Tristan ang natirang bakanteng upuan.
"Oh, anak halika na. Maupo ka na dito." tawag ni Papa. "Will you lead the prayer, iho?"
Agad namang tumango si Tristan.
"First of all, thank You God for this wonderful family. Thank You for letting us join them in this dinner. Thank You for this bountiful blessings in front of us. Let this food be the source of our strength for all our endeavours. Finally, thank You for this wonderful friends that I cherish the most. Amen."
"Amen." sabay-sabay na bigkas ng lahat.
"Anak, abutan mo ng kanin si..ano nga ulit pangalan mo iho?" tanong ni Mama sa katabi ko.
"Tristan po tita." masiglang sagot nya.
Parang hyper yata sya ngayon. Sabagay, lagi naman nga pala syang ganon.
Kinuha ko kay Mama ang lalagyan ng kanin at iniabot kay Tristan. Naramdaman kong nagkadikit ang kamay namin ng kinuha nya ang lalagyan sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
Where Do I Start?
RomanceIt seemed that happy ending only exist in the so called fairy tales. Where in fact, reality will give you a taste of pure bliss but then in a snap, it will slap you with a heart-breaking truth. Ga...