Ikaw. Oo ikaw. Ikaw na bumabasa nitong istorya ko...maraming salamat:))) buti at pinagtyagaan mo at pinaglaanan ng oras^^
Pwede akong magrequest? Pavote naman oh ^_^ or di kaya, comment ka naman kung anong masasabi mo sa story.
Salamat ulit ha? Enjoy^^,
Chapter 20
Buking
Isa. Dalawa.
Yan konti na lang at matatapos ko na ang output ko sa Film and Photography subject ko.
Nagpasya na muna akong bumalik sa school. May klase na din kasi ako. Tapos bukas OJT naman.
Kakapagod pero ayos lang. Ilang buwan na lang at gagraduate na ako kaya konting tyaga na lang.
Napadaan ulit ako sa locker para kunin ang iba kong gamit. Naalala ko na naman ang eksena kanina kay Tristan.
Nainis na naman tuloy ako. At nasasaktan din. Tila kasi pinopormahan nya yung babaeng kausap kanina.
Kaya naman nadala ko ang isiping iyon hanggang sa klase. Ilang beses akong kinalabit ni Hannah para lang mapabalik ang atensyon ko sa topic namin.
"Gurla, ok ka lang ba?" tanong ni Hannah sa akin sabay hila sa uniform ko. "May problema ka ba?"
Isang mapait na ngiti lang ang ibinigay ko sa kanya. Iniwan ko syang nagtataka sa akin.
I went to my sanctuary. But before that, hindi nakalampas sa pandinig ko ang pag-uusap ng ilang nadadaanan ko.
"Talaga? Totoo ba yun? Ang swerte naman ni Klare." sabi ni girl 1.
"Oo totoong nililigawan na ni Tristan si Klare. Hinintay lang daw nya na magbreak si Klare at ang boyfriend nito." sabi ni girl 2.
Bakit ganon? Bakit bumilis ang tibok ng puso ko? Para akong hindi makahinga na ewan.
Agad akong naupo sa bench sa tambayan namin at kinuha ang bottled water sa bag ko. Halos makapangalahati ako ng ininom ko iyon.
Tama ba ang narinig ko? Nililigawan ni Tristan si Klare?
Pero paano nangyari yun?
Nagvibrate ang cellphone ko.
[san ka?] - Tristan
[tambayan. bakit?] - Ako
Di na sya nagreply. Maya-maya, nakita kong naglalakad na sya papalapit. Di ko alam kung saan ko ipapaling ang ulo ko para di ko sya matingnan.
"Sungit! Tapos na class mo?" tanong nya at umupo sa tabi ko.
"Yes.. why are you asking, monkey?" sabi ko.
"Ayos. Labas tayo." yaya nya.
BINABASA MO ANG
Where Do I Start?
RomanceIt seemed that happy ending only exist in the so called fairy tales. Where in fact, reality will give you a taste of pure bliss but then in a snap, it will slap you with a heart-breaking truth. Ga...