Chapter 3
Gwapo
Lumingon ako sa kaliwa. Tapos sa kanan. Napangiti ako ng wala sa oras hanggang sa unti-unting itong nauwi sa bungisngis.
Kapwa napalingon sa akin ang mga katabi ko. Parehong nakakunot ang noo.
"Sorry guys. Di ko lang talaga mapigilan na mapatawa sa itsura natin." paliwanag ko. "Di kasi bagay na sobrang seryoso natin eh."
"Adik ka talaga Ashley. Syempre serious mode tayo, exam week na kaya." sambit ng kaibigan kong si Hannah.
"Porke't matalino ka, di ka na nag-aaral. Amp!" sabat naman ni Jacob.
Kasalukuyan kaming narito sa tambayan ko. Puno na kasi sa library dahil marami ang nagrereview. Kaya niyaya ko na lang sila dito.
Syempre sinigurado ko muna na wala dito yung magaling na unggoy para manggulo sa amin. Hindi pa nga pala alam ng mga kaibigan ko na "kakilala" ko na si Tristan. Di ko na kinuwento sa kanila kasi nonesense lang naman iyon para sa akin.
"Teka nga, mamaya na ulit tayo magreview at masakit na talaga ang mata ko." Angal ni Hannah sabay sarado ng librong binabasa. "Magkwento ka naman Ashley, ano na balita sa inyo ni Timothy? May progress na ba?"
Bilang mga kaibigan ko ng 3 taon, alam nila kung ano ang istorya ng "lovelife" ko. Kaso nitong mga nakaraang araw, di na kami nakakapagkwentuhan dahil bukod sa exam week eh may mga kanya-kanya din kasi kaming inaasikaso.
Napabuntong-hininga ako.
"Wala pa din as usual. Ang hirap naman kasi nyang lapitan." malungkot kong sabi. "Tapos ang suplado din nya sa facebook. Ang dami kasing babae na comment ng comment at like ng like sa mga posts nya kaya malamang kapag nagmessage ako, dedeadmahin lang rin nya."
"Ang haba naman ng reklamo mo." sabat na naman ni Jacob. "Dyan ka pa kasi nagkagusto sa sikat kaya ganyan nga, mahihirapan ka talaga kasi madami kang kaagaw."
Inirapan ko sya.
"Oo na. Alam ko naman yun. Kasalanan ko bang sa kanya ako magkagusto? Alangan naman pumili pa ako kung para kanino titibok 'to di ba?"
Tinuro ko ang dibdib ko malapit sa puso.
"Of course you can choose whom you will like." Sabi ng isang baritonong boses na kapwa nagpalingon sa mga kaibigan ko.
Patay! Andito na naman ang orangutan! Ang lakas talaga ng radar nito.
Lumingon na rin ako sa aking likuran. Isang gwapong chimpanzee ang nakita kong papalapit sa amin.
Kapwa naman gulat na gulat ang dalawa kong kaibigan. Of course, they are wondering what the hell is my relationship with this famous, genius and handsome student of our university.
"At ano na naman ang ginagawa mo dito?!" pagtataray ko.
"Woah! Chill! Amazona ka talaga. Saksakan ng taray." sabi ni Tristan. "Kaya di ka nagugustuhan ni Timothy eh, bawas-bawasan mo kasi katarayan mo."
Natigilan ako sa sinabi nya. Teka, parang masakit yata yun ah. Shet, oo tagos talaga!
Hindi ko na lamang sya sinagot at muling binuksan ang libro ko. Lechugas na gorilla yan. Panira ng mood!
Narinig ko ang mahinang bulong ni Hannah. Ewan ko kung bulong na ba yun kasi pakinig na pakinig ko naman lahat ng sinabi nya.
"Psst! Ikaw si Tristan di ba? Yung IT genius ng kabilang building?" tanong nya sa bagong dating.
Siguro tumango ang kausap nya kasi narinig ko naman ang ibang tanong nya.
"Magkakilala kayo ni Ashley?" Usisa nya.
"Hannah, wag mo na ngang pansinin ang isang yan. Magreview na lang tayo." sabat ko.
Nagkibit-balikat lang ito at muling bumaling kay Tristan. Naku, tutuktukan ko talaga ang babaeng ito mamaya. Nakakita lang ng gwapo, nakalimutan na ang pagrereview.
Pinabayaan ko na lamang sya. Babalik na sana ako sa pagbabasa ng narinig kong may tumawag sa akin.
"Ms. Amazona, galit ka ba?" tanong ng gorilla.
Again, I didn't answer him or even look at him. Kaya naman nagulat ako nang bigla na lang syang nasa tabi ko.
"I'm sorry kung na-offend ka sa sinabi ko kanina. I know that was out of line." seryosong sabi nito.
Napailing na lang ako. Hopeless kahit deadmahin ko ang unggoy na ito kasi mukhang wala syang balak tumigil. Mas lalo akong hindi makakapagreview.
"Can you please just keep quiet? We're trying to study because in case you didn't know, di kami genius na tulad mo so we need to review for the exams." Mahabang litanya ko.
Nakatingin lang sya sa akin hanggang matapos ako sa pagsasalita. Hindi sya sumabat. He just stared at me.
Nakaramdam ako ng di maipaliwanag na pagka-ilang kaya ibinalik ko muli ang atensyon sa binabasang libro.
Bakit ganon sya makatingin? Adik talaga itong orangutan na 'to.
"Uy, Tristan. Since genius ka naman. Baka naman pwede mo kaming turuan dito sa Calculus subject namin." narinig kong sabi ni Jacob.
Aba at hindi na nahiya itong kumag na ito. Kay Tristan pa talaga nagpaturo.
"Ah..o-okay sige. Patingin ako." naramdaman kong umalis na sya sa tabi ko.
Saka ko pa lang namalayan na pinipigilan ko ang paghinga ko. Shit! Bakit ganoon? Masyado ba talaga akong naconscious dahil sa kanya? Pero bakit naman? Badtrip ako sa kanya so there's no reason para mailang ako ng ganoon.
"Wow! Astig ka talaga. Ganoon lang pala iyon kadali." bulalas naman ni Hannah. "Ashley, look, ang galing ni Tristan magturo oh!"
Tingnan mo itong dalawang ito. Talagang nilubos na ang pag-aabala kay Tristan.
"Ashley, paturo ka na din. Mas madali maintindihan, promise!" sabi ni Jacob.
Napatingin ako kay Tristan na ngayon ay nakatingin na rin sa akin. Tila hinihintay nya kung magpapaturo ba ako o hindi. Sa totoo lang, kanina pa ako nahihirapan sa pagrereview.
Masyado yata akong nadistract nitong orangutan na ito kaya di ako makapagfocus. No choice ako. Ayaw ko namang bumagsak. Nakakahiya iyon pag napalagay sa record ko.
"Madali lang ba talaga?" tanong ko.
Nakita kong unti-unting ngumiti si Tristan.
Anak ng! Bakit ganon ang ngiti nya?
Bakit parang ang gwapo nya?
BINABASA MO ANG
Where Do I Start?
RomanceIt seemed that happy ending only exist in the so called fairy tales. Where in fact, reality will give you a taste of pure bliss but then in a snap, it will slap you with a heart-breaking truth. Ga...