Chapter 5
Invitation
Madalas nang sumasama sa grupo namin si Tristan so I think that makes him one of us now. Sa school man yan or kahit sa ibang lugar at activities.
Nang sinabi ko sa kina Jacob at Hannah ang nangyari, they just gave me some advice. Kapwa kasi sila nakaranas nang magkaroon ng karelasyon. Tango lang ako ng tango sa mga sinasabi nila. May punto din kasi sila.
But of course, I didn't tell them that I told my problem to Tristan first. Nope. Scratch that. Hindi ko pala sinabi. Nalaman na lang nya kahit di ako nagkwento. Which is still a mystery to me.
Though nagtataka ang mga tao kung bakit biglang napasali sa grupo namin ang IT genius na si Tristan, wala namang pumuna sa amin. Noong una, they keep on looking at our group na binabalewala lang namin. We don't care anyway.
Habang nagtatagal, tila nasanay na din sila na magkakasama kaming apat. Kulang na nga lang magkaroon ng pangalan ang grupo namin eh. We're always together, as in always.
"Ashley!" dinig kong tawag sa akin kaya napahinto ako sa paglalakad. Papunta sana ako sa admin office.
Isang humahangos na babae ang lumapit sa akin. Kilala ko sya. Accountancy student. Naging kaklase ko sya sa isang Gen Ed subject, English yata yun.
"Bakit Klare?" tanong ko.
Hinahapong tiningnan nya ako.
"Nabalitaan kong kaibigan nyo na pala si Tristan." sabi nya na pilit pa ring hinahabol ang paghinga.
"Okay ka lang ba? Bakit ka ba kasi tumakbo?" tanong ko imbes sagutin ang tanong nya.
"Di kasi kita maabutan. Matagal na kitang gustong kausapin kaso di kita matyempuhan. Di ko kasi alam ang hangout nyo." paliwanag nya. "So, totoo bang malapit ka na kay Tristan?"
Napataas ng wala sa oras ang kilay ko. Why is she me asking that? Is she interested in Tristan? Ang alam ko kasi may boyfriend sya.
"Parang ganon na nga. Bakit mo natanong?" balik ko sa kanya.
"Wala naman. May party nga pala sa bahay namin sa Sabado, you should come. Isama mo na din ang mga FRIENDS mo." nakangiti na sya ngayon.
And when she said friends, talagang may diin yung salita. I get it Ms. Accountant, sabi ko sa sarili ko. I know what you mean.
"Ah, hindi ako sure eh. Tanong ko sa tropa." sabi ko at akmang aalis na.
"Please do come. Aasahan ko kayo. You're my friend naman di ba? Kaya pagbibigyan mo ako." sabi nya at nauna nang umalis sa akin.
Owkay! What the hell was that?
Agad kong tinext si Hannah.
[Kita tayo sa lib.] - ako
[kk. I smell something fishy. can't wait for your chika.] - Hannah
Nauna akong dumating kaya naghanap ako ng medyo tagong pwesto. Ayaw kong may makarinig sa pag-uusapan namin.
Tinaas ko ang kamay ko nang dumating sya.
"Anong chika mo?" agad nyang tanong paglapit sa akin.
"You know Klare?" panimula ko.
"Yeah. Accountancy student. Top of her class. Maganda at maputi. Jowa yung taga-BA." dere-deretsong sagot nya. "What about her?"
"Nakalimutan kong detective ka nga pala. Anyway, she asked me to go to her party on Saturday. Actually, tayong apat." sabi ko.
"Ha? Bakit ka naman iimbitahan nun? Close ba kayo ng babaeng yun?" nagtatakang tanong nya.
Umiling ako.
"Once ko lang sya naging classmate. Pero know what, she asked me first kung malapit na ako kay Tristan." pagpapatuloy ko.
Nanlaki ang mata ni Hannah as if she heard a big news.
"Oh! I see. I get it." komento nya. "Kunwari pa sya, si Tristan lang naman gusto nyang iinvite. Pero teka, may bf sya di ba? Ang alam ko nandon din sa building nila ang boyfriend nya at may kinalaman din sa accounting ang course."
Tumango ako ulit. Iyon nga ang alam ng lahat. Pero pareho kaming nagtataka ni Hannah ngayon kung bakit tila gusto nyang mapalapit kay Tristan.
"Anyways, let's ask the boys first. Let's go. I think they're at the gym right now." sabi ni Hannah at hinila ang kamay ko.
We went to the gym. Gawain na ng dalawang lalakeng ito na magbasketball tuwing hapon. Pare-pareho kasi kaming until 4:30 lang ang klase.
Naglakad kami sa gilid ng bleachers. Sakto namang nakashoot si Jacob. Nilingon nya kami at kinawayan. Nakita ko namang napatingin din sa gawi namin si Tristan. Ngumiti lang sya bago nagshoot ng bola. Three points.
In fairness ang galing nya. Ilang minuto pa ang natitira sa oras ng game nila pero hindi na pinagbigyan ni Tristan si Jacob. Sunod-sunod ang ginawa nitong points.
"Hanep pare! Friendly game lang yun pero para ka namang nasa totoong laro eh." bulalas ni Jacob sabay salampak sa bleacher at uminom ng tubig.
"Well, the girls are watching so I need to impress them." nakangising sagot nya sabay tingin sa amin ni Hannah.
Napailing na lang ako.
"Hay naku, tigil-tigilan mo nga kami sa kayabangan mo Tristan." banat ni Hannah. "Anyways, may balita kami kaya kami nagpunta dito. Niyayaya daw tayo ni Klare Angeles sa party nya sa Sabado. Pupunta ba tayo?"
"Klare Angeles? Yung accountancy student? Sikat yun sa college nila di ba?" singit naman ni Jacob. "Ayos yun! Sigurado madaming chicks!"
"Tse! Umayos ka nga Jacob. Ikaw Tristan? Sasama ka ba?" baling ni Hannah kay Tristan na nakaupo na pala sa tabi ko.
"Huwag kang makadikit-dikit sa akin at malilintikan ka." Banta ko kay Tristan. Pero lumapit pa sya lalo. "Pawisan ka unggoy!"
Tawa lang sya ng tawa. Tila hindi nya narinig ang tanong ni Hannah.
"Hoy! Tristan!" tawag naman ni Hannah. "Ano? Sasama ka ba?"
"Hmm.. Only if Ashley will come." Sagot nya at muling tumingin sa akin.
"Oh, bakit ako? Ikaw tinatanong dyan uy." sabi ko.
"Eh ano ba kayo? Pag-untugin ko kaya kayong dalawa? Ano na?" tila naiinip na tanong ni Hannah.
Nagkibit-balikat lang si Tristan kaya naman nakatingin silang lahat sa akin.
Adik talaga tong unggoy na to.
"Okay! Okay fine! Sasama na." sambit ko.
"Ayos!" sabay na sabi nina Jacob at Tristan at naghigh-five.
Hindi ko alam kung bakit ganoon ang isinagot ni Tristan na ngayon ay umiinom na ng tubig. When did my answer matter to him? Clueless talaga ako sa taong ito.
BINABASA MO ANG
Where Do I Start?
RomanceIt seemed that happy ending only exist in the so called fairy tales. Where in fact, reality will give you a taste of pure bliss but then in a snap, it will slap you with a heart-breaking truth. Ga...