Chapter 7

52 1 0
                                    

Chapter 7

Notice


"Tara sa mall!" Masayang sabi ni Hannah. "Tapos na naman ang exam eh. Gala naman tayo."

"Naku, iniwan ko kotse ko. Commute na lang tayo." si Tristan.

Nagkita-kita kami matapos ang last exam namin para sa finals. Grabe, ilang buwan na lang gagraduate na kami sa college. Ang bilis ng panahon.

"Huy, timang. Tara na." tapik sa akin Tristan.

"Oo na!" sagot ko.

Nag-abang kami ng jeep. Madami kaming kasabay na estudyante. Baka gagala din sila. Syempre, relax mode din pag may time.

Naunang sumakay sina Jacob at Hannah. Halos papuno na ang jeep kaya nagmadali kami sa pagsunod ni Tristan. Naramdaman kong hinawakan nya ang likod ko habang papasok kami sa jeep.

Puno na ang jeep at saktong-sakto ang sakay namin. Kaso medyo masikip kasi may estudyanteng may kalakihan ang katawan na huling sumakay.

Nasiksik tuloy ako sa katabi ko. Inilabas ni Tristan ang balikat nya sa bintana. Akala ko kung anong gagawin nya pero nagulat ako nang ipatong nya yun sa balikat ko para ilayo ako ng konti sa katabi kong lalake.


"So kumusta naman ang pag-uusap nyo? Ano'ng pakiramdam mo?" tanong nya. Damang-dama ko ang init ng hininga nya sa tenga ko kaya halos tumindig ang balahibo ko.

"Ano'ng sinasabi mo?" nakakunot-noo kong tanong.

"Nakausap mo si Espiritu di ba? Doon sa party. Ano'ng pinag-usapan nyo?" muling tanong nya.


Hala. Nakita nya kami? Pero bakit ngayon lang nya tinatanong sa akin? Ilang linggo na ang lumipas simula nang nangyari yung party.

"Di ko alam na nakita mo pala yun. Thought you're too preoccupied that time." I didn't hide the sarcasm in my voice.

"Nope, I'm looking at the both of you, the whole time." aniya.

"Paano mo naman gagawin yun, eh di ba kausap mo si Klare?" sabi ko.

"Believe me, I watched you. I even saw how you smiled because of him. But still I want to know kung kumusta ka." This time, his tone is so serious.

Nag-angat ako ng tingin. Nakita kong pasimpleng nagnanakaw ng sulyap ang mga estudyanteng kasabay namin. Syempre, Tristan is riding a jeepney. That's news.

"Oo masaya ako. Yun ang first time na nakapag-usap kami." sagot ko. "Pero after nun, normal lang. Parang natanggap ko na. Ewan ko."

Hindi sumagot ang katabi ko kaya napalingon ako sa kanya. Only to find out that he's too close.

Agad kong iniwas ang tingin sa kabilang direksyon. Looking at him is a mistake.

Hindi na sya nagtanong matapos iyon hanggang sa nakarating na kami sa mall. Agad na nagyayang kumain si Jacob kaya naghanap kami ng makakainan. Ang daming tao, mostly ay estudyante sa school namin. Mga nakasuot pa kasi ng uniform tulad namin.

Pumunta kami sa isang fastfood restaurant na may specialty na chicken. May kulay green sa logo nito.


Syempre kami ni Hannah ang humanap ng upuan habang umoorder ang dalawang lalake. Swerte namang nakakita kami ng bakanteng upuan. Dala ang number ng order namin, sumunod ang dalawa sa pwesto namin. Kumuha ng kutsara at tinidor si Tristan.

Where Do I Start?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon