Chapter 2
Weirdo
Isinara ko ang librong binabasa ko. Nakakainis! Wala akong maintindihan. Hindi kasi mawala sa isip ko ang sinabi ng unggoy na Tristan na yun.
Might as well put this frustration into writing.
August 23, 2013
Para sa'yo,
Alam mo unang beses pa lang kitang nakita, talagang kumulo na agad ang dugo ko sa'yo. Sino ka ba para pakialaman ako?
We're not close and we're not even friends. I know I shouldn't hate someone I don't really know, pero di ko alam kung bakit ang bigat-bigat agad ng loob ko sa'yo.
Maybe it's because you clearly saw through me. Stalker ka yata talaga. No one has said something about my feelings, ikaw pa lang.
Pakiramdam ko nabuking mo ako kaya naman, inis na inis talaga ako sa'yo. It's my secret pero nalaman mo kaagad yun.
I really hope I won't see you. Mali pala. We're studying in the same school kaya imposibleng di kita makita. Well I hope na hindi kita makausap ulit.
Yours truly,
Ashley
Isinara ko ang journal ko. Huminga ako ng malalim. Muli ko itong binuklat at tiningnan ang mga naunang pahina.
Ngayon lang ako nagsulat ng tungkol sa ibang tao. Walang ibang laman ang journal ko kundi puro tungkol kay Timothy.
And speaking of him, ilang araw ko na syang di nakikita. Siguro busy na sya sa pagrereview. Hindi ko na rin masyadong nakikita ang pangalan nya sa The Herald, school publication namin. Baka mas nakafocus na sya ngayon sa studies kasi graduating din sya. Namimiss ko sya pero hanggang dito na lang ako.
Tumingin ako sa paligid. Maraming estudyante ang nasa loob nitong library. Malapit na kasi ang Midterm Exams kaya heto at marami ang nagrereview. Kinailangan kong magreview dito kasi nandito ang reference book para sa exam ko.
Nakaramdam ako ng gutom kaya nagpasya akong pumunta sa university canteen.
Marami akong nakasalubong na estudyante. Karamihan sa kanila ay magkakaibigan, magkakatropa o magkakaklase.
Namiss ko tuloy ang mga kaibigan kong sina Jacob at Hannah. Marahil tinanghali na naman ng gising ang dalawang iyon. Wala talagang pinagbago. Ever since na nakilala ko sila noong freshman year, madalas silang mahuli kasi bukod sa mabagal kumilos, tanghali rin gumising.
I texted them.
[hoy kayong 2, pwede ba pumasok na kayo? wala akong kasama. hurry.]
Isinilid kong muli sa bag ang cellphone ko at tumuloy sa suki naming kainan. Gustong-gusto ko kasi yung tinda nila na tinapay with matching palaman na hotdog and cheese or minsan ham and cheese. Sa halagang 25 pesos, mabubusog ka na kasi malaki yung tinapay.
Excited kong kinuha ang order ko. Grabe, gutom na gutom ako.
I held my bread and opened my mouth for a big bite. Pero napatigil sa ere ang kamay ko.
I saw two smiling eyes in front of me. I blinked twice, no thrice, to make sure I'm not hallucinating.
"You got a big bite there, huh?" sarkastikong sabi nito. Again, he's wearing that amused look.
I gave him a death glare.
"At ano na naman ang ginagawa mo dito?!" mataray kong tanong habang ibinababa ang kamay kong may hawak na tinapay.
Bakit ba ang lakas ng radar ng taong ito at alam nya kung nasaan ako?
"Stalker ka siguro ano?" tanong ko.
"Woah! Easy there. Masyado ka namang assuming. I don't do stalking. Girls are the ones doing that." mayabang nitong sagot at sumandal sa upuan sa harap.
"Ang yabang mo rin talaga ano? Wala ka bang klase? Puro tambay lang yata ang pinag-gagagawa mo." sabi ko.
"Hindi ka lang assuming. Judgemental ka din." aniya.
"Umalis ka nga sa harapan ko. Panira ka ng araw." taboy ko sa kanya at itinuon ang pansin ko sa hawak na tinapay.
Nanlaki naman ang mata ko dahil akala ko aalis na sya, yun pala tatabi lang sya sa akin!
"What do you think you're doing?!" medyo tumaas na ang boses ko kaya medyo nakaagaw kami ng atensyon.
"Sabi mo umalis ako sa harap mo, so here I am. I'm right beside you." and again, he winked at me.
Kupal talaga to. Napakapilosopo.
Hindi ko na lang sya pinansin. Mas nadidrain lang ang energy ko sa pakikipagtalo sa unggoy na katabi ko.
Hinarap ko ulit ang tinapay ko. I took a big bite.
"Wow. That was one hell of a bite! Tell me, babae ka ba talaga?" nang-aasar na tanong nito at itinagilid nya ang ulo nya. Still wearing his amused look.
Tinaasan ko lang sya ng kilay. Hindi ko sya papansinin. Manigas sya. Ayaw ko sa lahat eh inaabala ang pagkain ko.
Napapatingin sa amin ang mga estudyanteng dumadaan kaya naman napakunot ang noo ko.
Anong problema ng mga ito? Don't they know that it's rude to stare? Hay naku. Mga walang magawa.
Di ko maiwasan ang mapadighay dahil sa kabusugan. Nilingon ko syang muli ng makarinig ako ng bungisngis.
"You really are a unique girl." komento nya at tumayo.
"Ano?" nagtatakang tanong ko.
Seriously, ano bang ginawa nya doon? Pumunta ba sya doon para panuorin akong kumain? Hindi naman kasi sya umorder ng kahit ano. He just sat there and waited for me to finish my food.
Weirdo pala talaga ang mga genius.
"I'm gonna go now." sabi nito at naglakad palayo. "By the way, I like girls who eat a lot."
"Weirdo." sagot ko sa kanya.
Umalis syang humahalakhak.
BINABASA MO ANG
Where Do I Start?
RomanceIt seemed that happy ending only exist in the so called fairy tales. Where in fact, reality will give you a taste of pure bliss but then in a snap, it will slap you with a heart-breaking truth. Ga...